Day 2.
Kasama ko si Julian ngayon. Knowing na may balak syang masama saakin. Nakokonsensya ako kase tatapatan ko ung gagawin nya. Tama kaya tong gagawin ko? (Wag ka na umarte, si Lester na nagisip nyan.)
Nasa classroom kami ngayon, may lesson. Andaming tinuro ng Physics teacher namin. Andami daw kasing namiss na lessons ng klase namin. Katabi ko si Julian tsaka si Cheska. Di ko alam kung alam na ni Cheska tungkol dun sa prom pero wag na sana malaman.
Gusto kong itago nalang muna to sa sarili ko, para ako lang ung nasasaktan. Kaya lang nalaman ni Lester, wala naman akong magawa dun.
Pinaglalaruan ni Julian ung buhok ko. n.n wala naman akong magawa para pigilan sya eh gusto nya naman yun eh.
Kaya ka sinasaktan nyan e. Lagi mong pinagbbigyan eh.
"Goodbye Ms. Sabisamiz." bati namin sa teacher naming palabas ng classroom. Sa wakas at natapos nadin etong Physics na to, one thing is for sure, di ito ang subject ko.
"Answeet nyo naman dyan, nilalanggam ata ako." Sabi ni Cheska. Anong sweet dun eh pinaglalaruan lang naman ako?!?!?! Hindi kaya pinagpustahan lang ako ni Julian at Devon na pag napa-OO ulit ako ni Julian eh may kung magkano mang pera sya? Grabe naman hard.
"Syempre naman. Kami pa." Sagot ni Julian. Pano nya nagagawa to? Act normal? Eh nothing's normal dito! As in wala talaga. Isipin mo lolokohin nya ko sa mimsong last prom ko pero he can still manage? Grabe Julian. Kilala pa ba talaga kita?
"Uy ok ka lang ba?" Hinatak ako ni Cheska sa labas ng room at kinapa kapa ung leeg ko. "Uy nilalagnat ka ah." dagdag nya pa. "Gusto mo ba dalhin kita sa clinic?" At dahil mataas daw lagnat kl, dinala nga ako sa clinic.
Nagrecess na sila pero ako natutulog padin sa clinic, iba talaga ung bigat ng katawan ko ngayon.
"Ms. Acina? Andito na ung sundo mo." what? Pano ko gagawin ung step 2 sa day 2 kung uuwi na agad ako?
"E-eh ung gamit ko po nasa--"
"Nandito na, dinala na nung lalaking matangkad dito." pag putol nya sa sinabi ko. Baka si Julian na nagdala?
Baka ang gentleman? :")
Ayun umuwi na ako, pinagtinginan ako ng mga tao bago un kase ang aga ko uuwi. Ganun naman ung mga yun eh. Kala mo kakalabas lang ng bundok , nakakita ng babaeng nagearly dismissal.
Sinundo ako ng family driver namin, hindi kami mayaman, may family driver lang mayaman agad? Haha pero may kaya kami. Lahat naman eh. Madami sa kaklase ko ang tumatawag saking mayaman. Dahil may kotse at driver na hatid sundo sakin. Ung kotse namin parang van. Pero basta. Un na un. Madami sa amin ang hatid sundo. Si Cheska din hatid sundo.
Malapit lang bahay nun samin kaya madalas sabay kami umuuwi. Sa kotse namin. 50 meters lang yata agwat ng mga bahay namin. Kaya ko sya naging bestfriend kasi lagi kami nagkikita sa mga children's party ng barangay, tsaka sa mga ocassions ng circle of friends ni mama.
"Oh bat ang aga mo?" tanong sakin ni Kuya Jepoy. John Paul ang pangalan nya, gwapo, maputi, matangkad, prom king ng batch nya, tsaka ewan ko, chinito daw sabi nila.
"Nilalagnat po sya sir." Sagot ng driver namin.
Pag nakita mo ako sa school, ako ung may pagka-singkit, kase phil-chi si papa, maputi, may tangkad din, at ewan, mala-pusa daw ang mata ko. Madami akong dimples. Siguro 8.
Pumanik na ako sa kwarto ko para magpahinga. Grabe ansakit talaga ng ulo ko.
Nakatulog ako ng sguro 5 hours, nakakagulat kase 9 ako natulog kagabi, tas ganun, stressed ata. Hindi naman.
Dumating na ang family doctor namin kaya chineckup ako sa kwarto ko. Sabi daw, nilalagnat ako dahil daw pagod. Un lang.
Bawal ako magP.E. At bawal din akong gumala gala muna. Kaya kong gawin un. Pero ung grades ko sa PE pano un?
"Right now she needs to rest. See to it na kung papasok sya bukas, wednesday, eh kaya nya na talaga. Hindi pwedeng pilit. Lalala lang yan." sabi ni doc.
"Opo." Sagot ko.
Lumabas na sila ni Kuya Jepoy at nahiga nalang ulit ako. Chineck ko ung phone ko ng mga texts wala pa. Time check: 3:00. Uwian na nila sguro maya maya
Nagfb ako through phone para di na ako mapagod sa computer namin. Nagtwitter dn, Tweet: "Sick, 39° 😷"
"@chrischanchan_: @kcperry pagaling ka! :>" nagtweet si christian?! di sya pumasok?!
"@kcperry: @chrischanchan_ d ka pumasok?"
"@chrischanchan_: wala kaming pasok :) rest day."
Oo nga pala, every quarter may restday ang school namin dati. Ang swerte talaga nila, pero diba nga nagschool tayo para magaral? Hehe (ipaglalaban ko kahit inggit na inggit ako!!!! :3)
So eto, nagffb padin ako. Nagsstalk.
While stalking, nakita ko ung profile ni Lester, nahagilap ko ung picture nila ng ex nya. Huehue. Maprint at mapagtripan nga, wag na baka magalit.
Ang ganda ng ex nya, nakaka-mesmerize. As in parang beauty queen, di yata sya sa academy namin nagaaral kasi di ko sya nakikita. Teka, kelan ba tong pic na to?
Last year pa? Tagal na dn pala.
Naalalako na nakilala ko si Lester bandang December na, 2 months na din pala. Eh january lang nagpakilala uli si Julian sa buhay ko eh. Grabe, ambilis ng oras. Hahahahaha.
Oo nga pala, ung DAY 2. Arghhh!!!
Time check: 5:00 PM.
Nasan na ba tong si Julian, bat dpa umuuwi.
"KC! Si Cheska nasa baba!" sigaw ni Kuya Jepoy. "Papanikin mo nalang." sagot ko.
"Oh? Bat ka nandito?" Nagulat ako kase.. Si Cheska, kasama nya si ---
Lester.
"Binibisita ka lang." Sabi nya. Coldly. "Sorry bes e pinilit nya eh." Sabi ni Cheska.
"Nde ok lang." Sabi ko sakanila. "Dapat nga si Julian ung nagpupumilit eh." Sagot ni Les.
"Bes." Sabi ko.
"Ano?" Sagot nila pareho... "Bes hindi Les." Sabi ni Cheska. Hahaha laughtrip tong mga to tae.
"Itext mo nalang si Julian, di ka na naalala nun kase wala ka na sa school. Kasama nya si Janet. Aray no?" Bulong ni Lester sakin. Oo nga. Itext nlaang.
To: Julian
Hi baby! Sorry naiwan kita kanina sa school ha?
Bawi ako pag pasok ko. Sama talaga kasi ng
pakiramdam ko eh. Wag ka magalala, mahal na
mahal kita. Kahit ano mangyari, ikaw padin mahal
ko. Sana wag mo na sayangin ung chance na to, kase
di lahat nabibigyan ng second chance.
I love you, ingat sa paguwi baby! :*
Sana love mo din ako. :") powerhuuuug >:)<
Sending.....
Sending.....
Sending....
Message sent.
Finally Day 2: completed.
BINABASA MO ANG
2 Weeks to move on
Teen FictionIsang babaeng nagmahal ng sobra, isang babaeng lumaban, isang babaeng pinaglalaruan ng tadhana, isang Katleen Casey Acina ang bibida sa storyang lokohan at sakitan pero hindi suntukan. tanong nya, Bakit nga ba mahal ko sya? Eh diba sinaktan nya ako...