Chapter 16

115 0 1
                                    

KC's POV.

Pauwi na ako ngayon sa bahay.

Aaminin ko, sobrang cliche ng mga nangyari, umamin ako, di nya tinanggap, umulan, umiyak ako, broken hearted. Feeling ko nagsshoot ako ng koreanovela, basta ng drama.

Di ko alam kung bakit pero ang lakas ng ulan habang naglalakad ako.

Feeling ko nawala na lahat sakin, ang boyfriend ko, ang mahal ko, at ang malala, ang bestfriend ko.

Ang hirap kasi ng ganito eh, di naman ako torn between two lovers, kasi isa lang ang lover ko. At isa lang ang pwedeng laman ng puso ko.

I just made a choice, para kung may masaktan, ako nalang.

Una, magiging masaya naman si Julian ng wala ako. Si Cheska at Lester, sasaya din sila pag walang panggulo.

Ehem ehem. Achooo.

Sobra akong giniginaw, daig ko pa ang taong nasa snow world ng hubad.

Ang sakit ng ulo ko.

"Tu-Tulong p-p-po...."

Pitch black.

Third person's POV.

Isinugod si KC sa ospital ng mga taong nakadaan sa pinagbagsakan nya, malamig ang katawan ni KC na ikinatakot ng mga to sa paligid nya. Natawagan na ang daddy at mga kuya nito, agad silang pumunta sa ospital kung saan isinugod si KC.

Ang daddy ni KC ay nasa loob ng kwarto kasama si Kyle at Karl. Mahina parin ang heartbeat ni KC. Hindi padin sya gumigising.

Dalawang araw ang nakalipas ng iconfine si KC sa ospital. Wala parin syang malay.

Karl's POV.

"Sir, tawag po kayo ni Doc." sabi saakin nung nurse, tatlong araw ng confined si KC dito sa ospital na to, ni hindi pa nga namin alam ang sakit nya!

Kinakabahan ako sa pwedeng mangyari sa bunso namin, hindi ko akalain na aabot sa ganito ito.

"Mr. Acina?" Pagtawag sakin ng doktor pagka-pasok ko sa pintuan ng opisina nya sa ospital.

"Yes dok?" Tanong ko, kabado padin ako.

"About Kc ano, she has no complications naman, kung iniisip nyo kung bat di pa sya gumigising, it's just the cause of the body's reaction to shock, bali nabigla po ang katawan nya, sa temperature.

"Aalagaan nyo po siya, kasi emotional po ang affected, bali ung emotions nya ang kailangan intindihin dito. Is she going through heartbreaks or stress? If yes, we can recommend a psychologist, para ma stabilize yung emotion nya." Hindi kaya break na sila ni Julian? Gago yun pag nalaman kong sinaktan niya si KC!

Madami pang sinabi ang doktor tungkol sa bawal daw masaktan si KC emotionally and physically.

Bumalik na ako sa room ni KC at........ gising na sya.

"Keyss!" Niyakap ko sya at ngumiti.

"Kuya kaaarl! Bakit ako nandito?" Typical na tanong, "you were unconscious."

"Ah yung kanina?" Tanong nya ulit. "What do you mean kanina? Nung monday ka pa nandito. 3 days ka na dito." Halatang nagulat sya. Malamang di nya alam yun! Tulog sya e.

"Ah kuya, may dumalaw po ba?" Sabi ni kc, parang may inaabangan sya sa pinto. "Sa ngayon wala pa."

Halatang nalungkot sya, at naghanap sya ng apple. Gutom na daw sya.

Naawa ako sakanya kasi andaming nakatusok sakanya, every six hours knukuhanan sya dugo and everything. Andami nyang gamot. Pero 2 days from now, pwede na sya umuwi. Relief tlaga! :)))

Sabado.

KC's POV.

Sabado na at isang araw nalang prom na. Ang helpless ko at ang payat ko. Seryoso.

Nakahanda ang gown sa cabinet ko, ung bigay ni Les.

Tutuloy ba ako?

Para kasing ayoko na tumuloy.

Bukod sa hindi din ako sasaya... Parang ang corny kasi at ang panget ko.

Di na kami nagkikita ni Cheska at nakikita ko sa fb na may bago na siyang mga kaibigan.

Grabe, kawawa ako.

Kawawang kawawa ako.

Haysss.

Ni-text galing kung kanino man na nagsasabi ng gws! Or pagaling ka. Wala eh.

Naalala ko dati na si Jessa pa ang tumulong sakin na magkamake over.

Hindi ko hahayaang masayang ang tulong nila saakin.

Hindi ako dapat magpatalo sa pagiging mahina ko.

Malakas akong tao.

Problema lang to.

Kaya ko to.

Tinawagan ko ang hairstylist at makeup artist namin at nagpareserve ng 3pm sa mismong bahay namin.

Pumayag sila.

Everything that downs me makes me wanna fly.

Kaya babangon ako, hindi pwedeng sa baba ako lagi.

Babawi ako.

Ibabalik ko ang dating Kathleen Casey Acina na palaban.

Na hindi vulnerable.

Yung dating ako.

2 Weeks to move onTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon