Karl's POV.
Bakit ba kasi nila pinapahirapan si KC ng ganto?
Pumanik kami ni Kyle sa kwarto ni KC, umiiyak sya. Oo. Mahina kasi ang kapatid namin, emotional sya. Alam naman nila mommy to at daddy pero bat ginagawa pa nila to.
"KC, tahan na." Sabi ni Kyle kay KC, obvious naman na we care diba.
"Kuya, you know me. Alam mong hinintay ko sya. Alam mong hirap na ako pero inintay ko sya. Pero pe-pero hi-hindi sya bumalik.
Kuya, 10 years, kahit na nung graduation ko nung grade six sya ung tinatanaw ko but she wasn't there. Kuya, naghintay ako" sabi ni KC, naputol lang kasi umiiyak sya.
Naaawa ako kay KC.
It's hard to see her like this.
Masayahin syang tao.
To be honest, ngayon ko lang sya nakitang ganto.
Lumabas ako ng kwarto at bumaba, narinig ko ang pinaguusapan nila Mama.
"Kasalanan mo to, you should've told her before!" Sabi ni mama.
"Dalia, hindi ko masabi kasi hindi na sya nageexpect sayo. Hindi ko makita sa mata nya ang pakpgkamiss sayo. And I know, ayaw nya sumama sayo. Masaya na kami Dalia, Wag mo na to gawin." Sagot ni papa.
"May kontrata tayong sayo si Kyle at Karl at akin si Leensey, pumirma ka doon." Sabi ni mama.
"Talagang papahirapan mo si KC ano? Hinati nyo pa talaga. Pwede ba, ma, wag ngayon?" Sumingit na ako, tutal kasama na pangalan ko dun.
"Talaga Karel? Ganto mo pinalaki ang mga anak natin? Aba, congrats ha!" Sabi ni mama kay papa. Aba aba.
"Act civil please. The both of you, para kay KC." Sagot ko.
"Anak, I'm sorry, matagal kong tiniis na wala kayo, pagbigyan nyo nman ako.." Sabi ni mama, eh hindi ko naman mapigilan ang sarili ko.
"Sana... Sana kase di nyo kami iniwan. Hindi nga namin alam kung dapat ba kaming maging mssaya na bumalik ka o dapat kaming malungkot kasi kahit bumalik ka, masisira padin pamilya natin. All KC wanted was for you to visit her. Alam ko mahirap, pero kahit puntahan mo sya sa school, or sana pumunta ka sa graduation nya.
She was expecting you there....
Tapos ngayon kung kelan hindi nya na inaalala, kung kelan gusto nya ng kalimutan ang lahat.
Saka mo sya gagantuhin. Hindi ako galit ma, naiintindihan kita. Na kesa na magaway pa kayo ni papa mas pinili mo nalang na gawin to, ung umalis, ituloy ang hiwalayan pero sana inisip mo ung 5 years old na nagmahal sayo."
Nagiyakan lang sila dun.
"Anak I'm sorry." Sabi nya sakin.
"Ok lang ma. Matagal ko ng naintindihan, wala kang kasalanan sakin, kay KC ka magsorry." Niyakap ko sya at halata namang kalmado na ako.
Narinig kong pagpanik ko nagaaway sila ni papa, parang ayaw na ni papa ituloy talaga.
Daddy's girl na kasi si KC ngayon... Masyado na nyang pinahalagahan si papa kase ayaw nyang maulit ung kay mama.
Aba ano ba sila! Nagkakanda lecheleche na kami dito nagaaway pa din sila, just like 11 years ago, nung 10 palang ako, si KC ay 5 at si Kyle ay 8. 22 years na sana silang kasal. Ay nako. Pinabayaan nila.
Umalis na si mama.
Natulog na kami. This was a tough day.
Sana di nalang to dumating.
KC's POV
"No, I'm okay. I'm fine.
Pero aaminin ko, ang hirap kasi talaga." Kausap ko ngayon si Chi. Eh grabe naman kasi eh.
"Do you want me to go there?" Sabi nya sakin.
"Magpapahinga nalang muna ako, salamat sa time bes ha?"
"Anytime bes. Goodnight"
Binaba ko na ang phone.
Nasa labas na si Kuya Kyle kaya wala akong malabasan ng galit, tutal bestfriend ko nman si Chi, sakanya ko nalang sinabi. Naiintindihan nya ako, i know that.
Kriiiiiiing. Kriiiiiiiiing.
"What? I mean, why did you call?" I was supposed to sleep tapos nagring ang phone ko.
"What happened?" Tanong nya sakin.
"My mom... Bumalik sya... And she's planning to take me with her." Sagot ko sakanya.
"Isn't that a good thing KC?" Sabi nya sakin.
"Do you think that it is? Lester, I've waited 10 years for her, tapos ngayon, sasabihin nya babawi sya? Ang sadista naman." Sagot ko sakanya paiyak.
"KC, the point is, 10 years ka naghintay, ten years, matagal yun, tapos sasabihin mo na ayaw mo na maghintay? Or ayaw mo sya tanggapin? Eh para san pa't naghintay ka. Think of that."
Oo may point si Lester, tama sya.
At dahil dun napaiyak ulit ako.
*knock knock*
"Anak? *knock* Anak open the door please?" Sabi ni daddy.
Binaba ko ang phone at binuksan ang pinto, "bakit dad?" Tanong ko sakanya habang pinupunasan ang luha ko.
"I know, I'm so sorry anak. Pero hindi bat eto naman ang hinintay mo ng matagal na panahon diba? I just want you to be happy. Not like this anak. Never like this." Sabi sakin ni daddy. Niyakap nya ako.
"Daddy, bawal bang dito nalang ako tas dumalaw nalng sya?" Sabi ko sakanya.
May nilalabas syang papel, na nagpaiyak sakin lalo.
Mr. Karel Acina,
With regards to the separation:
O
The court has decide that Mr. Karel Acina can have his sons while Ms. Dalia Reyes can have their daughter after she graduates high school as their shares. And at the right age, the 3 children will have to choose between their father or mother.
The court's decision is final.
Signed by:
Father:
______________
Mr. Karel Acina
Mother:
______________
Ms. Dalia Reyes
Witnesses:
______________
Carlo Pandayag.
______________
Daphne Reyes
______________
Betsie Acina
Judge:
_______________
Laurel Alvino IV
---
Sana maappreciate nyo pag-update ko wahaha :(( matagal pa tong storyang to gusto ko na sana tapusiiiin!! :((
Baka may request kayo? Message lang :))
@Joblet- there, may part na ang mga kapatid na nakalagay sa chapter1 :D
BINABASA MO ANG
2 Weeks to move on
Genç KurguIsang babaeng nagmahal ng sobra, isang babaeng lumaban, isang babaeng pinaglalaruan ng tadhana, isang Katleen Casey Acina ang bibida sa storyang lokohan at sakitan pero hindi suntukan. tanong nya, Bakit nga ba mahal ko sya? Eh diba sinaktan nya ako...