Chapter 14

112 0 0
                                    

dedicated kay ate bianca, kasi umiyak talaga ako sa fourteen sundays waah. :DDD

--

This day, sobrang daming nangyari, ito na siguro ang turning point ng buhay ko. Ako? Ako nga pala si KC, ako ang babaeng nagmahal ng sobra, pero ang kapalit? Sakit na sobra sobra. Bakit? Hindi ko din alam. Parusa ba to? Pakiramdam ko, oo.

UNFAIR, yes, life is EXTREMELY UNFAIR. Para sakin, siguro ako na ang most emotionally hurt person of the year. Break up, pagiging pansamantalang masaya, pagiging pansamantalang MINAHAL, PANSAMANTALANG KASIYAHAN, yan lang ang kayang ibigay saakin. Hindi ko magets kung bakit.

As I was saying, TURNING POINT ko to. Magpapatawad na ba ako? Ang lalakeng sobra kong minahal, binalikan ako, pero plano parin nyang lokohin ako. MAHAL KO PADIN SYA. Sa tingin ko?

Kakalimutan ko na ba sya? Ang lalaking pilit akong pinagmo-move on. Pilit akong pinapabangon. Ang lalaking sinabing, hindi ako karapat dapat na masaktan. Pero ano? Sya yung nanakit sakin. Bakit ako nasasaktan? Kasi ayokong mapagpalit! Pero, ayun eh.

Magpatawad, kaya nating sabihing, "Oo, napapatawad na kita. " pero ano? Deep inside ano?! GUSTO MONG SABIHIN SAKANYA, NA HINDI GANUN KADALI YON! Na dapat, para mapatawad ka ng isang tao, kaylangan gumawa ng paraan. Hindi yung "Sorry na-ok na" scenario.

Palibhasa eh nasanay kayo, hindi lang lalake, pati narin babae, na pag nagsorry eh tinatanggap. BakiIt agad agad? Kasi mahal ka.

At iyong pagmamahal na iyon ang nagdala sayo dito, KC. Ano na nga bang gagawin ko? At bakit ba ako nandito?

Maaga ako pumasok sa school para itama ang mga mali. Para ayusin ang mga magugulo.

Hinihintay ko si Julian dito sa classroom namin, may sasabihin daw sya, kaya sabi ko may sasabihin din ako.

6AM na, maaga pa, oo. Ako palang ang nasa classroom,pasensya na. Walang pwedeng makakita nito.

"KC, sorry I'm late." Pumasok si Julian at umupo sa tabi ko.

"Ano yung sasabihin mo?"

"Ahh yun.... KC.... Wag ka magagalit?"

"Yeah sure" naramdaman ko ang kaba sa puso ko. Naramdaman ko ang sakit. Bakit ganito?

"I'm sorry, I'm so sorry. I planned.... To... To leave you behind... On prom d---"

"I know. And I've already forgave you."

"Since when?"

"Since last week."

"Bakit? Bakit hinayaan mo?"

"Kasi mahal kita, Julian mahal kita eh. Mahal na mahal kita. Pero the mere fact na kaya mo ako saktan ng ganun ganun lang, MASAKIT. Samantalang ako? Hindi ko magawa gawa yun. Kasi mahal kita. Pero sorry din, kasi I wasn't there."

"What do you mean?"

"Ung karelasyon mo, hindi ako."

"Di kita maintindihan."

"Ako yun, physically, pero yung puso ko. Hindi ko alam, it drifted away."

"Lester."

"It drifted away because when certain times come and I needed someone to talk to, where were you? You're no where to be found. Pero siya, hindi ko sya hinanap, hindi ko sya kailangan, pero sya ang nandun"

"So, ano nga pala ang sasabihin mo?"

"I'm breaking up with you."

"Bakit?" Tanong nya saakin. Gulat sya.

"Hindi kaya ng konsensya ko Jul."

"I understand. Pero KC, Nagback out ako sa plano namin ni Devon."

Nagback out? Ibigsabihin di nya na balak ituloy? Anak ng aso't pusa at buwan naman.

"Still, di ko kaya."

"Desidido ka na ano? Pasensya na ha. Kasalanan ko din naman eh. But please, bago mo ako iwan, sa prom, ako padin isasayaw mo ha?"

Isang desisyon, sa oras na gawin mo yun, maraming pwedeng magbago.

Parang ganto lang yan eh, parehong itsura ng kalsada, dalawa, kailangan mo magdesisyon, kaliwa o kanan? Kailangan mo gawin yun kasi hindi pupwedeng naka-stand by ka lang. Walang mangyayari.

Kesa walang mangyari, mas mabuti pang magkamali nalang, kesa hindi ka umusad.

"Syempre Jul, desisyon ko to, oras na magkamali ako, wala kang kasalanan. Oo, ikaw padin ang prom date ko."

"Sino yan?" Dagdag kong tanong kasi may kumatok sa pinto. Pero nung sinilip namin wala na.

Nagtawanan nalang kami, kasi nagtatakutan kami. May multo daw kasi dito.

XxxXxxX

Dalawa nalang ang natitira sa mga itatama ko. Gagawin ko na lahat ngayon.

"Bes, what if may mahal ka tas isang taong espesyal ang mahal din nito at nagmamahalan sila, would you give way or ipupush through mo?" Tanong ko kay Cheska, masinsinang uspan ito, seryoso kami sa table namin ngayong recess.

"Mahal ko sya, I would push through the relationship. KC, kilala ko ba to?"

Dugdugdugdug. Kinakabahan ako.

Tinignan ko lang sya kabang tinitinidor yung baked mac nya. Galit yata sya.

----

Ehehe :")

2 Weeks to move onTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon