Chapter 19

120 3 5
                                    

KC's POV.

Matapos nung ginawa sakin ni Lester, hindi ko na sya pinansin. He stole my first kiss. Ayoko (pero deep inside enebe)

Bakit kaya ganun? Pag magkalapit kami, lalo akong nahuhulog. Tapos nung lumayo na ako sakanya, feeling ko nahuhulog parin ako sakanya.

Totoo nga, na pag nagmahal ka, wala ka ng takas, kasi itutuloy at itutuloy mo lang din ito.

Andito ako ngayon sa classroom at nageexam na kami, 3 weeks nalang at gagraduate na ako. Edte kami, syempre lahat kami.

Pero di duon nagtatapos ang lahat, may retreat kasi kami, at mamaya na ang start nuon.

Kailangan daw kasing maklaro lahat eh.

Kung tungkol samin ni Cheska ang itatanong nyo, hindi nya padin ako pinapansin.

Parang ang sakit talaga sakin, kasi dahil sa boyfriend or what, pati friendship kalimutan na din.

2 years friendship, nawala dahil sa lalake. Ang nonsense.

Maya maya ay iaayos na namin ang auditorium ng school, dito lahat ng seniors, wow diba? Mukha kaming nasa evacuation center. Pero masaya naman.

Eto na, 6PM na. At ilang minuto nalang magsisimula na. Pero wala yung hinahanap ko.

Ung taong gusto kong sabihan ng, "sorry na."

Wala si Cheska.

Wala rin si Lester.

"KC!" Tawag sakin ni Jessa, alam kong parang vulcaseal ko lang sila, kasi wala akong kasama, pero nasanay na ang KC na bago na sila ang kasama. Mababait sila.

Niyaya nya ako sa table nila, at nagkwentuhan kami.

"KC, balita ko nga may aamin sayo ng feelings ngayon eh. Ayieee.." Hala ano daaaw?

"Ay nako, wag na magexpect." Sabi ko habang natanaw ko sa malayo at sa entrance 1 ng auditorium, Si Cheska at Lester.

Aray. Nanaman. Nasaktan nanaman ako.

Bakit ganto?

Crush ng bestfriend ko ang mahal ko na dati akong minahal pero binaliwala ko lang.

Konting time, yun lang naman ang kailangan ko.

Yung feelings ko kasi, mahirap intindihin. Alam kong may nararamdaman. Pero ang di ko alam, kung ano yung nararamdaman ko.

Mahal ko ba o Gusto ko lang.

Dati, akala ko gusto ko lang. Kasi dati masaya ako sakanya, pero ok lang sakin na wala sya. Pero nung nawala na sya. Saka ko narealize na, mahal ko na pala siya. Kasi kahit wala sya, sya padin nasa isip ko.

Hindi lang sya PAGKAGUSTO, it's much more than that.

"Uy wag ka umiyak." Binabasa ko ang mga letters na ibinigay sakin ng mga seniors, at etong binabasa ko, kay Cheska.

Bestfriend,

Marami akong kasalanan sayo, sisimulan ko dito: SORRY.

Hindi ko alam kung bakit ko nagawa sayo yun, pero may

aaminin din ako sayo. I did it on purpose. At kasalanan ko

din lahat kasi sinetup kita kay Lester. Kasi sabi nya gusto

ka nya. Sana di ko nalang siya pinakilala sayo, kasi nasaktan

ka. I'm so sorry. Hindi ko din alam na aabot tayo sa ganto,

friends ba tayo o strangers. Parang hindi nga tayo naging

magbestfriend eh. I have to talk to you, 12AM, pnta ka sa

may dulo ng stage. I have to admit something, something

that I did wrong. This is my way of saying sorry at eto na

yung way ko of correcting all the wrongs.

Sorry.

-Bes.

--

11:59 na at nandito na ako sa dulo ng stage. Tulog na silang lahat, siguro.

"Kc..." Bulong ni Cheska. "Oh? Bakit?" Tanong ko sakanya.

"I'm sorry. I missed you." Niyakap nya ako at naiyak ako dun.

Natatanaw ko sa malayo si Lester na nakabantay sa gf nya.

Inggit.

Ako.

Kasi.

Mahal.

Talaga.

Nya.

Si

Cheska.

Bakit hindi nalang ako ung minahal nya?

"Ano yung aaminin mo?" Tanong ko kay Cheska. Nakita ko ang kaba sa mukha nya.

"Kasi ano. Wag ka magagalit ha." Sabi nya na patingin tingin sa paligid.

"Ano ba yun?" Tanong ko, naiinip na ako!

"Kasi KC, Basta sorry talaga ha?

Kasi kami ni Lester---" napulot bigla ang usapan.

May bumagsak na upuan yata sa taas?

"Kayo ni Lester ano?" Tanong ko, inip na inip na ako at naiinis na ako kasi pasuspense pa!!

--

Haha.

Kailangan talaga bitinin eh no? Sorry na =))))))))))))))) thankyou sa 700+ reads. ☺️

2 Weeks to move onTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon