I CRY

18 4 2
                                    

LOT'S POV

Excited ako sa araw na ito. Bakit? Kasi bukas first monthsary namin ni KJ. Excited akong mag - hanap ng regalo para sa kanya. Mas nakaka - eexcite ngayon kasi mas special yung okasyon bukas para sa aming dalawa. Yun nga lang, hindi makaka - uwi si KJ. Hanggang ngayon nasa UK pa din sila. Skype skype na lang muna kami bukas. Keribels lang yan, meron pa namang next month, next month at next year.

"Sis!"

Napa - tayo ako sa kina - uupuan ko ng marinig ko ang boses ni Gil. Ano ba yang babaeng yan? Tili na lang ng tili. Hindi ba nasisira vocal chords niya?

Nakita ko na lang siya na tuma - takbo palabas mula sa kwarto niya.

"Mag - linis tayo sis. Darating sila Mama." aligaga nitong sabi.

Napa - taas ang kilay ko dito. Mag - linis? Eh araw - araw naman akong nag - lilinis ah. Hindi ba niya naki - kita yun?

"Hehehe. Malinis na pala." sabi niya habang naka - peace sign matapos nilibot yung tingin niya sa apat na sulok ng apartment.

"Yung kwarto mo na lang linisin mo sis. I'm sure parang dinaanan ng bagyo yung kwarto mo."

"Grabeh siya oh. Akala mo naman ganun ako kaburara sa mga gamit ko sis. Nakaka - hurt ka ha." tampu - tampohan niyang saad.

"Hindi bagay sayo kaya tumigil ka!" saway ko dito. "Ako'y nag - pa paalala lang. Lagot ka na naman kay Tita Erlinda niyan pag nakita niyang magulo mga gamit mo."

Napa - simangot lang siya sa tinuran ko. Umupo siya sa sofa. "Ewan ko ba dyan kay Mama, hindi ba niya na - iintindihan na nag -rereview ako? Malamang hindi ko na naaasikaso mga gamit ko noh. Pasalamat pa nga siya at nalalabhan ko pa mga damit ko. Nakaka - tamad kayang kumilos pag naga - gamit yung utak." maktol niya.

"So dapat magpa - salamat pa si Tita dahil naga - gawa mo pang mag - laba?" Nakaka - tawa talaga tong isang to. Ang lakas talaga ng trip sa sarili.

"Naman!" sagot niya agad.

"Ewan ko sayo!" nata - tawa kong turan.

Sabay kaming napa - lingon sa pinto ng maka - rinig kami ng katok.

"Si Mama na yan." hayag niya.

Hinayaan ko na itong mag - bukas ng pinto.

"Asan si Lot?"

Napa - ngiti ako ng marinig ang boses ni Tita.

"Ma, ako po anak niyo. Dapat po ako yung unang hina - hanap niyo?" reklamo ni Gil.

"Nakita na kita Gil, alangan naman hanapin pa kita."

Hindi ko napigilang tumawa sa sagot ni Tita. The best talaga ito kahit kailan.

"Ouch Ma ha! Baka pwede dahan - dahan po naman sa pag- sabi niyan."

"Asan si Ate Lot ate?"

Mas lalong lumawak yung ngiti ko ng marinig ang boses ni Rhen.

"Isa ka pa! Ako kapatid mo ah." sita nito sa kapatid.

Pero hindi man lang siya pinansin nung huli. Deri - diritso itong pumasok sa loob ng bahay.

"Ate Lot!" masaya nitong bati sa akin.

"Kumusta Rhen?"

"Okay lang poh Ate." bibo nitong sagot. "Ate, may sasabihin po ako sa inyo. Pero secret lang po natin ha." bulong nito sa akin sa huli nitong sinabi.

"Teka!" awat ni Gil kay Rhen. "Bakit may mga ganyan ka kay Lot? Ako Ate mo dito Rhen."

"Eh! Wala ka namang ma - itutulong sa akin Ate, NBSB ka di bah?"

MY BEAUTIFUL GUY (ON GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon