What Makes A Man

30 3 0
                                    

CHAPTER 9

LOT'S POV

Shocks! Sobrang saya ko ngayon, promise! Kaya naman pala parang wala lang sa Nanay ko yung pagsabi sa akin kasi kilala niya ang nag – hahanap sa akin. Oo! Ganyan yung Nanay ko. Pag kilalang – kilala ko, nakuh! Asahan mong mag – hihintay ka ng matagal. Iba din kasi ang trip nun eh, lalo na pag – magkasama sila ni Tita Pat. Dios Mio! Sabog sa lakas ng trip.

Anyways, back to Gillian. Who is she? Well, I met her during our JPIA (Junior Philippine Institute of Accountants) gathering conducted in our school when I was in second year college. Their school is one of the invited guest and she was the one sent by there school to be their representative, actually dalawa sila pero siya lang yung naging close ko. Bongga noh! Perks of being matalino. Paano ko siya nakilala, dahil sa pagiging tanga ko. Kumakain siya sa canteen nun tapos ako nakikipag – harutan sa mga kabarkada ko. Sa hindi sinasadyang pang – yayari, na carried away si Jessa (yung isa kong barkada) sa topic naming si Channing Tatum, natulak ako at nasagi ko siya. Sa kina – malas malasan eh yun pa ang time na umiinom siya ng softdrink, in short, nabuhos sa kanya ang softdrink na dapat iinumin niya. Kung alam niyo lang kung ilang sorry ang nabanggit ko sa mga panahong yun. Nakaka – intimidate pa naman yung itsura niya. Yung kasama ni Gillian, ang sama ng tingin sa amin. Yung panahon pa namang yun eh quiz bee time which is kasama si Gillian, tapos yung suot niyang tshirt ay nadumihan. Ang nangyari at the end, suot niya ang tshirt kong may tatak ng school namin habang nag- quiquiz bee. Nakaka – proud nga eh, kasi sa bawat tamang sagot niya, school naming ang binabanggit, na lalong iki – nainis nung kasama ni Gillian. Pero si Gil, ngiti lang ng ngiti. Kahit na i-declare silang winner, ay school pa din naming ang binabanggit. Oh hindi, epic masyado yung panahong yun. Sabi pa ni Gillian that time "lucky charm ko na ata itong damit mo." And that's how we started being friends. Habang nasa Davao siya, naging tour guide niya ako kasama ng mga barkada ko. Hindi naman siya nahirapang paki – samahan yung mga barkada ko and the other way kasi parehas kaming lahat na loka – loka. Kahit nung bumalik na siya ng Maynila ay hindi naputol ang communication namin. Twice na nga siyang naka – stay sa bahay namin nung nag – bakasyon siya ulit dito. Wala namang naging problema sa Nanay ko dahil naging magaan ang loob nito kay Gillian. And now, she's back.

"Hindi na ako maka- hinga Lot." Reklamo nito.

Agad ko naman siya binitawan pero hindi pa din maalis yung ngiti ko sa labi.

"Gaga ka! Ba't hindi mo sinabi na darating ka." Sita ko dito.

"Eh. Si Tita ang ayaw mag – pasabi noh." Katwiran nito. " Sabi niya I – surprise daw kita, kaya umu – o na lang ako. Alam mo naman kung gano kakulit yang si Tita." Hindi nito maiwasang mapa – ngiti sa huling tinuran.

"Sabagay!." Sang – ayon ko dito. "So, ilang buwan ka dito?" tanong ko.

"Buwan talaga." Nan – laki pa ang mata nito sa sinabi ko. " Hindi ba pwedeng isang linggo lang."

"Isang linggo?" protesta ko. "Eh wala ka na namang pasok ah. Hindi mo man lang sinabi kay Tita na kahit one month ka man lang."

"Baliw to oh." Natatawa nitong sabi. "Alam mo namang mag – rereview pa ako."

Buti pa ito, makakapag – review na. Ako? Nganga! Hindi ko pa nga tapos defense ko tapos review na agad ang iisipin ko, kumusta naman yun.

"Pwede ka na namang hindi mag – review ah. Magiging CPA ka pa din. Ang talino mo kaya." Proud kong sabi.

"Ang laki talaga ng bilib mo sa akin noh. Pag ako hindi pumasa humanda ka sa akin." Banta nito.

"Sus! Itataya ko pa ang lahat ng savings ko, papasa ka."

MY BEAUTIFUL GUY (ON GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon