SWEAR IT AGAIN

39 3 8
                                    

LOT'S POV

It's been what, two weeks na naging kami ni KJ. Oo! KJ na tawag ko sa kanya, hindi na Kian. Ayaw daw niya nun. Ang arte - arte nga eh. Pag tina - tawag ko siyang Kian hindi ako kini - kibo. As if wala siyang narinig.

Well, first day nung naging kami, ang awkward ng feeling. From bestfriend to in a relationship, kumusta naman yun. Parehas kaming nangangapa kung ano ba yung mag - bf/gf. Lalo na ako noh. NBSB ako kaya anong malay ko sa relasyon - relasyon na yan. Yung dati na may pa - holding hands - holding hands, yakap - yakap, halik sa pisngi or pagiging clingy ay parang balewala lang sa akin, ngayon iba na. Kini - kilig naman ako dati minsan pero mas doble yung kilig ko ngayon dahil alam kong para na talaga sa akin yung bawat pina - pakita ni KJ. Yung pwede ko ng ipakita yung nararamdaman ko at hindi na itatago pa.

Kung dati sweet si KJ sa akin nuon mas dumoble ata ngayon. Yung pagiging bully niya nuon, medyo na - lessen na ngayon. Yung pagiging moody niya, nakuh! iyon yung lumala. Bigla na lang hindi ako iimikan o sisimangutan. Ako naman parang tanga na mang - huhula na lang kung bakit. Ang maganda lang eh hindi natatapos yung araw na hindi namin naa - ayos kung ano man ang hindi namin napagkaka - unawaan. That's the number rule na inimpose namin. Never let the day ends without making up with each other. Ki kasalan ko o kasalanan niya, we need to talk about it before we bid our good night.

"Loooooooot!"

Muntik na akong mahulog sa kama ng marinig kong may tumili. Hindi ako oa ha, nag - bibihis kasi ako dito sa kama nung may tumili. Sino pa bah kundi walang ibang kundi si Gil. Yupz! We are living in same apartment. Di ba nga, sabi ni Mama na si Gil bahala sa akin dito sa Maynila. Kaya dito ako nag - stastay sa apartment niya. Buti na lang two bedrooms tong apartment niya so kahit pa - paano hindi ko siya na - didisturbo sa pag - rereview niya.

"Lot, bilis lumabas ka na."

Ano kaya nang - yayari dun? Parang hindi talaga mapakali eh.

Ng matapos mag - bihis ay nilabas ko na ito. Baka mapa - ano pa siya sa labas eh kasalan ko pa.

"Ang tagal mo lumabas sis." hindi naman siya galit. Excited pa nga yung pagkaka - sabi niya yan.

"Ano ba meron?"

"Grabeh sis! Hindi lang pala dito sa Pilipinas ni - release yung album nila Kian, pati din pala sa UK." hindi maka - paniwala niyang sabi.

Napapa - iling na lang ako sa kanya. Akala ko pa naman kung ano. Yun lang pala. Hindi na ako nabigla noh, sinabi na kasi sa akin ni KJ yun nung a day after nung celebration nila.

"OMG!" tili ni Gil.

Hinampas ko nga ng unan. Baka ano pa isipin nung mga kalapit apartment namin sa tili niya.

"OMG sis! Grabeh na this! I can't contain my feelings." sigaw niya.

"Ano bah." saway ko dito. "Tumahimik ka nga. Baka kung ano isipin ng kapit - apartment natin eh ina - ano kita."

"Pasok sa top 10 of Top of the Pops yung single nila last week." bulalas nito. Hindi talaga ito maka - paniwala eh.

Ako? Tapos na ako jan. Kahapon ko lang last nakita yan eh. Naman! A week after ni - release yung single nila ay pumasok agad sa Top 10 of Top of the Pops. Nakaka - proud hindi bah. Hindi lang dito sa Pilipinas sikat yung kanta nila kundi pati na sa Europe. Mind you guyz, number 1 na sila sa Myx Daily Top Ten and MTV. Then nag - gold na din yung album nila in just one week. Sayang nga at hindi ako naka - sama nung binigay yung Gold churvalou nila. Sa ASAP pa naman yun. Pahamak kasi yung dysmenorrhoea ko eh. Chance ko na sana makita at maka - pag - selfie kay Sarah Geronimo at Erik Santos.

MY BEAUTIFUL GUY (ON GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon