AMAZING

26 2 2
                                    

CHAPTER 12

LOT'S POV

Pang – limang araw na ni Gil dito sa Davao, ilang days na lang at babalik na siyang Manila. Hahai. Nakaka – lungkot namang isipin ang pagdating ng araw na yun. Mabuti na lang at lagi kaming nag – kakasama nito for five days. Gala galore ang ginawa naming dalawa. Mabuti na lang at busy sila Kian kaya hindi nahahati yung atensyon ko. Naks! Hati atensyon daw oh. Akala mo, kagandahan. Hahaha. After Kian's birthday, and after nung bra issue, hindi pa kami nag – kita ulit. Nagising na lang ako na wala na siya. Si Tita Pat na nagsabi sa akin na umalis na sila Kian. Nakaka – hiya nga eh, naabutan pa niya ako na kakalabas lang sa kwarto ng anak nito. Opo! Dun na poh ako natulog sa kwarto ni Kian. Pero promise pa, walang nangyari sa amin noh. Dati pa naman kami nag – tatabi matulog pero yung nga lang mga bata pa kami nun. Yung sa birthday naman niya, talaga lang wala na akong nagawa dahil ayaw niya akong bitawan nun. Kaysa mabulabog naming ang buong bahay ay pinag – bigyan ko na lang ito. Parehas kaming inaantok na kaya pagdating sa kwarto niya ay tulog agad kami pagka – higa naming dalawa sa kama. Ganun lang ang nangyari. Kaya kayo huwag kayong masyadong malisyoso.

"Lot, cellphone mo, kanina pa tumutunog." Tawag ni Gil sa akin.

Napa – baling ang tingin ko sa cellphone ko para tingnan yung caller.

"Bestfriend KO yung tumatawag oh." Tudyo ni Gil sa akin. Paano niya nalaman na Bestfriend KO yung tumatawag, malamang yun yung naka – lagay sa phonebook ko. "Si Kian yan noh." Hindi talaga tanong noh, kundi statement talaga. Sabagay, siya lang naman yung bestfriend ko eh.

Naiiling na lang ako dito sabay sagot sa phone.

"Helo."

"Pack your things MJ. Be there at fifteen minutes." yun lang at naputol na ang linya.

Hindi ko tuloy maiwasang mapa – kunot ang noo sa sinabi nito.

"Hey! Ano sabi?" tanong ni Gil.

"Ewan ko dun."

"Anong ewan? Eh ba't naka – kunot yang noo mo?" pangungulit nito.

"Eh sa hindi ko maintindihan ang sinabi niya."

"Eh ano ngang sabi?" kulit ulit nito.

"Eh ang sbai niya, pack your things MJ. Be there at fifteen minutes." Pinilit ko talagang gayahin ang boses niya para may dating din kay Gil. Pati yung kaharap ko nangunot din ang noo sa sinabi ko.

"Eh anong ibig sabihin nun?" nalilito nitong tanong.

Ano ba to. Para – mihan ba kami ng EH ni Gil. Napansin niyo din bah.

"Ewan ko nga." Nababanas kong sagot dito. Sa hindi ko naman talaga ma – gets yung sinasabi ng mokong na yun. "Bahala nga siya sa buhay niya."

Nag – kibitz balikat na lang ito sa sinabi ko.

"Darating ba sila Jessa?" pag – iiba ko sa usapan.

"Oh shocks!" bigla na lang ito napatayo sa tanong ko. Isa din to eh. Pa – bigla – bigla din na hindi mo maintindihan. "Nakuh! Patay ako dun." Sabi nito sa nag – aalalang tono. "Nasa labas na pala sila Lot." Dali – dali itong lumabas ng kwarto pero parang may naka – limutan ata ito at biglang bumalik. "Ready na ba mga gamit mo?" agad na tanong nito.

Tumango lang ako dito. Agad din itong umalis pagka – tapos. Yes! May lakad kami. Overnight lang. Sa bahay ng isa naming kabarkada. Gusto kasi ni Gil maligo sa dagat. Kaya kinon – tack ni Gil yung mga kakilala niya na kilala ko din. In short, same lang kami ng circle of friends. Mag – hahanap pa ba siya, ako pa nga lang sobra na.

MY BEAUTIFUL GUY (ON GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon