LOT POV
"MJ..MJ"
Tinakip ko sa tainga ang unan na naabot. Ang aga - aga namang disturbong yan. Hindi ba nito ang alam ang salitang pahinga.
"MJ.." malakas na tawag ulit ang narinig ko galing sa labas ng kwarto ko. Hindi ko pa din pinansin ito at nagpatuloy lang sa pagtulog.
"MJ, open this damn door!" sabagay kalabog sa pinto ng kwarto ko.
"Ano ba, natutulog yung tao eh. Bumalik ka na lang mamaya." Malakas na sigaw ko dito. Kung sino kamang Pontio Pilato ka, tumahimik ka na.
"Open this door or I will break this one?" banta nung nasa labas ng pinto.
"Bwesit ka talaga!" wala na akong choice kundi ang tumayo at pagbuksan kung sino man ang nasa labas. Ayaw ko kayang masira ang pinto ko kundi lagot ako sa nanay ko.
"Hindi mo ba alam kung anong ora..." ayan na naman poh tayo sa takip bibig moment.
"Don't talk, you smell bad." Maangas nitong saway.
Nakuh! Maaga pa para sa ganito. Ang magaling kong bestfriend lang naman ang bumalabog sa mahimbing kong pagtulog. Pilit kong nilalayo ang mukha ko dito para makapagsalita, pero ang hudyo talagang hinigpitan pang takpan ang bibig ko.
"I'll give you fifteen minutes to fix yourself. Or else, I will be the one who will dress you." Banta nito tsaka nag-martsa paalis.
Naiwan lang akong nakanganga habang tinitingnan yung likod nya. Ano daw? "Fix yourself mo mukha mo. Bahala ka sa buhay mo." Sigaw ko dito.
"Don't try me MJ." Ganting sigaw nito. "Fourteen minutes left."
At talagang binilangan pa ako. Bahala ka jan. Mapanis ka sa kahihintay. Agad kong sinara yung pinto at ni-lock bago ako bumalik sa kama ko. Minsan sa isang lingo lang ako nagpapahinga tapos bubulabugin lang ng kung sino mang hudyo. Neknek mo!
Hindi ko alam kung ilang oras na akong nahihimbing at nanaginip na lang ako na parang dinuduyan ako sa alapaap. Ang sarap sa pakiramdam. Siniksik ko pa lalo ang sarili ko sa kama at niyakap ng mahigpit ang unan ko. Parang nag-iba naman ang amoy ng unan ko. Masyado mabango. Siguro nagpalit ng sabong panlaba ang nanay ko kaya nag-iba ang amoy. Amoy mamahalin. Well, mamaya ko na poproblemahin yan pag-gising ko, for now, matutulog na lang muna ako. Para akong pinag-hehele. Parang lumulutang ang kata.."
"Aaaaahhhh.." impit kong sigaw. Biglang dumaloy ang lamig sa buo kong katawan.
"I hope it helps you to wake you up!"
Napa-mulat ako bigla ng mata. Blue eyes. Yan ang sumalubong sa akin.
Across the miles
It's funny to me
How far you are but now
Near you seem to be
I could talk all night
Just to hear you breathe
I could spend my life
Just living this dream
You're all I'll ever needNanlaki bigla ang mata ko ng marealise kong nasa banyo na pala ako. Just living this dream. Nakisabay pa ang kanta sa kwarto ko sa sitwasyon namin ni Kian. Take note, naka-tingin lang ako sa kanya habang rumaragasa ang tubig sa katawan ko na galing sa shower. Parang hinihigop ang kaluluwa ko sa paraan ng pagtitig niya sa akin. We are so close na nabasa na din ng kaunti ang suot niyang damit. Namanhid nga yata ang katawan ko sa lamig sa paraan ng pagtitig niya sa akin.
You give me strength
You give me hope
You give me someone to love someone to hold
When I'm in your arms
I need you to know
I've never been
I've never been this close
BINABASA MO ANG
MY BEAUTIFUL GUY (ON GOING)
Fiksi UmumIn my whole life, I've been idolizing this band. They made my teenage life even now, a really memorable one. From "Oh..yeah..", "baby", "hmmm" "no no..", that gives shivered to my spine. They become my inspiration. They give me hope when I don't hav...