Nagmamadali akong pumasok ng bahay. Alam kong nag-aalala siya dahil hindi ko nagawang umuwi kahapon at hindi man lang nagawang tumawag.
Nakakatawa talaga. Sinabi ko noon na wala akong pakialam kung anuman ang maramdaman niya. Pero bakit ngayon, hindi mawala sa isip ko ang sakit na bumadha sa mga mata ni Althea ng pinili ko si Arabella? Parang paulit-ulit ko pa ring naririnig ang pagsusumamo niya na huwag akong umalis. Akala ko ba, wala siyang halaga sa akin? Pero bakit ngayon, nagmamadali ako upang makapagpaliwanag sa kanya?
Agad akong nagtungo sa kwarto niya. Tama, kwarto niya. We never shared the same bed since the day of our wedding. Pero sa halip na nakangiti niyang mukha, katahimikan ang sumalubong sa akin.
Tiningnan ko ang kama niya, nagbabakasakali, pero wala si Thea roon. Ngunit sa halip, isang sulat ang nakita ko.
"Naoki,
Magsaya ka na. Dahil sa huli, ikaw rin ang panalo.
Tama ka, darating din pala ang panahon na bibitaw rin ako sa sa pagsasama nating ito.
Gusto ko sanang patuloy na lumaban. Gusto ko sanang patuloy na kumapit sa kahit konting hibla ng pag-asa na darating ang panahon na hindi mo man ako ituring na asawa, ituturing mo rin naman ako bilang tao. Kaya kahit patuloy mo 'kong itinutulak palayo, lapit pa rin ako ng lapit sa 'yo.
Kahit noong pinili mo siya kaysa sa akin, okay na rin sana. Masakit, pero kakayanin ko. Ganoon kasi kita kamahal.
Pero ang mawala ang tanging magandang bagay na nakuha ko mula sa pagsasama natin dahil sa ginawa mo, iyon ang hindi ko matanggap.
So panalo ka na. Lalayo na ako.
Pakiusapko lang, kung darating ang panahon na magkikita tayong dalawa, just pretend nahindi mo ko kilala. Dahil sa sandaling bumaba ako ng bahay na ito, kakalimutanna rin kita..
--------------------------
Sa hindi ko malamang dahilan, bigla na lang nabura ang Chasing my Bishounen sa wattpad. But I've decided to publish it again. Sa mga dating sumuporta at sa mga susuporta pa, Arigato Gozaimasu...
Republished: August 15, 2016
Sorry po kung by parts ang pag-po-post ko. Though tapos o completed na po ito last May 2016 pa, wala pong naiwang back-up sa computer ko. Diretso po kasi akong mag-type sa wattpad. So kailangan kong i-retype 'yung story. Mabuti na lang, hindi nabura 'yung copy sa library ko.
BINABASA MO ANG
Chasing My Bishounen
General FictionTiningnan ko ang kama niya, nagbabakasakali, pero sa halip na si Thea, isang sulat ang nakita ko roon. "Naoki, Magsaya ka na. Dahil sa huli, ikaw rin ang panalo. Tama ka, darating din pala ang panahon na bibitaw rin ako sa sa pagsasama nating i...