<Naoki'sPOV>
Agad akong nagtungo sa hospital kung saan itinakbo si Ara matapos itong sumpungin na naman ng kaniyang sakit. Hindi ko pa man maayos na naipaparada ang aking sasakyan ay agad na kong bumaba at padaskol na isinara ang pinto.
Magtutungo na sana ako sa information area nang may tumapik sa balikat ko at nakita ko si Dr. Riggs, ang doktora ni Ara.
"Doc, nasaan po si Ara? Kamusta na po siya?" nag-aalala kong tanong sa kanya.
"Stable na ang kalagayan ni Ms. Santos kaya ipinalipat ko na siya sa kwarto para maayos naman siyang makapagpahinga. Nasa Room 405 siya ngayon," aniya sa akin.
Nakahinga ako ng maluwag sa narinig. Akala ko ay kung ano na ang nangyari rito. "Maari ko na po ba siyang makita?" Balik kong tanong kay Dr. Riggs.
Marahan itong tumango. Kapansin-pansin ang waring pag-iwas niya ng tingin sa akin, na wari bang iniiwasan niyang magtagpo ang aming mga mata. I just chose to ignore her and followed her instead as she leads me to Ara's room..
Nakadama ako ng awa nang makita ko si Ara. Halatang-halata ang kanyang pamumutla. Maging ang kaniyang mga labi ay halos mamuti na din, samantalang nangingitim ang palibot ng kaniyang mga mata.
"Hindi naman siya ganito noong huli ko siyang makita. Akala ko ba, nakapagpa-opera na siya, bakit nagkakasunod-sunod pa rin ang atake niya ngayon?" baling ko kay Dr. Riggs na muling nag-iwas ng tingin bago sumagot.
"Sinabi ko naman sa 'yo noon na mahina ang puso ng pasyente kaya dapat iwasang makaramdam siya ng sobrang emosyon, hindi ba? Maging ito man ay sobrang saya, takot o lungkot. Iwasan ninyong mabigyan ng sama ng loob si Ms. Santos. She really has a weak heart. The next heart attack could be fatal. So as much as possible, never cause her too much emotions." Mahabang paliwanag ng doktor.
And as if on cue, nagdilat ng mata si Ara at sa mahinang boses ay tinawag ang aking pangalan.
"Naoki..."
Agad kong ginagap ang kaniyang kamay. "Huwag ka nang magsalita. Baka makasama pa sa 'yo 'yan."
Nangilid ang luha sa kaniyang mga mata. "Bakit ngayon ka lang? I've been trying to call you for days," aniya sa tinig na waring nagtatampo.
My conscience bothered me after hearing this. Naalala ko na naman na ilang araw ko ring iniwasang makausap ito.
"Andito na ko ngayon. Magpahinga ka na," tugon ko sa kaniya.
"Tama si Mr. Furukawa, Ara. Matulog ka muna para bumalik agad ang lakas mo," payo rito ni Dr. Riggs.
BINABASA MO ANG
Chasing My Bishounen
General FictionTiningnan ko ang kama niya, nagbabakasakali, pero sa halip na si Thea, isang sulat ang nakita ko roon. "Naoki, Magsaya ka na. Dahil sa huli, ikaw rin ang panalo. Tama ka, darating din pala ang panahon na bibitaw rin ako sa sa pagsasama nating i...