(NAOKI'S POV)
Agad kong iniwan sina Ara at Shin sa ospital. Saka ko na sila pagbabayarin sa gulong inihatid nila sa buhay namin. Ang tanging gusto ko ngayon ay ang makausap si Thea.
Halos paliparin ko na ang aking sasakyan sa sobrang bilis nang ginagawa kong pagmamaneho.
Damn! Ako na ang pinakatangang tao sa buong mundo! Paano ko nagawang maniwala sa ibang tao pero hindi sa sarili kong asawa? Parang pinipiga ang puso ko ngayon habang iniisip ko ang pag-iyak niya. Ang laki kong gago. Tiyak na galit na galit sa akin si Thea ngayon. Baka halos isumpa pa niya 'ko. Lalong humigpit ang pagkakahawak ko sa manibela sa isiping iyon. Hindi ko matatanggap kung masusuklam sa akin si Thea.
Kaya handa kong gawin ang lahat mapatawad lang niya 'ko. Magsisimula kaming muli. Wala ng Ara na nagsisilbing lambong sa pagsasama naming dalawa.
Nagmamadali akong pumasok ng condo. Alam kong nag-aalala siya dahil hindi ko nagawang umuwi kahapon. Sinubukan ko naman siyang tawagan pero hindi ko ma-contact ang cellphone niya, maging ang landline namin dito sa condo.
Kung may makakakita siguro sa akin ngayon, baka pagtawanan pa 'ko. Ang yabang-yabang ko noon. Sinabi ko na wala akong pakialam kung anuman ang maramdaman ni Thea. Pero bakit ngayon, hindi mawala sa isip ko ang sakit na bumadha sa mga mata ni Althea nang pinili ko si Arabella? Parang paulit-ulit ko pa ding naririnig ang pagsusumamo niya na huwag akong umalis.
"Thea!" agad kong tawag sa kaniya. Pero wala akong nadinig na anumang tugon mula sa kaniya.
Nagpunta ako sa kusina, sa balcony at maging sa CR pero wala pa din siya. So I decided to check on my room. Pero walang ebidensiya na natulog man lamang siya doon.
Agad akong nagtungo sa kwarto niya. Hoping againts hope that she's there. Pero sa halip na nakangiti niyang mukha, katahimikan ang sumalubong sa akin.
Tiningnan ko ang kama niya, nagbabakasakali, pero wala si Thea doon. Sa halip, isang sulat ang nakita ko.
"Naoki,
Magsaya ka na. Dahil sa huli, ikaw din ang panalo.
Tama ka, darating din pala ang panahon na bibitaw din ako sa sa pagsasama nating ito.
Gusto ko sanang patuloy na lumaban. Gusto ko sanang patuloy na kumapit sa kahit konting hibla ng pag-asa na darating ang panahon na hindi mo man ako ituring na asawa mo, ituturing mo din naman ako bilang tao. Kaya kahit patuloy mo kong itinutulak palayo, lapit pa din ako ng lapit sa 'yo.
Nung pinili mo siya kaysa sa akin. Okay na din sana. Masakit, pero kakayanin ko. Ganun kasi kita kamahal.
Pero ang mawala ang tanging magandang bagay na nakuha ko mula sa pagsasama natin dahil sa ginawa mo, iyon ang hindi ko matanggap.
So panalo ka na. Lalayo na ako.
Pakiusap ko lang, kung darating ang panahon na magkikita tayong dalawa, just pretend na hindi mo ko kilala. Dahil sa sandaling bumaba ako ng bahay na ito., kakalimutan na din kita...
Nagsisikip ang dibdib ko matapos ko itong basahin. Damang-dama ko ang lahat ng kaniyang kinikimkim na hinanakit habang ginagawa niya ang sulat na ito.
Ngunit binasa ko pa rin ito nang paulit-ulit. Umaasa pa rin akong baka nagkamali lamang ako nang pagkakaintindi. Pero hindi e. Talagang iniwan na ako ni Thea.
Dagli kong tinungo ang closet niya. Pero nang makita kong wala na siyang natitirang damit doon ay lalo pang nakumpirma ang sulat na iniwan niya sa akin.
BINABASA MO ANG
Chasing My Bishounen
General FictionTiningnan ko ang kama niya, nagbabakasakali, pero sa halip na si Thea, isang sulat ang nakita ko roon. "Naoki, Magsaya ka na. Dahil sa huli, ikaw rin ang panalo. Tama ka, darating din pala ang panahon na bibitaw rin ako sa sa pagsasama nating i...