<ALTHEA'S POV>
It had been two weeks simula ng makilala ko si lolo Hiroshi at Naoki.
Simula noon ay wala na kaming naging komunikasyon. Although sa tuwing naaalala ko si Naoki, hindi ko maiwasang mangiti at kiligin.
Ang gwapo naman kasi ng binata. Kaso suplado! ang dalang ngumiti... saka may girlfriend na daw sabi ng lolo nya.
At dahil imposible ng magsanga uli ang landas naming dalawa, ituturing ko na lang na isang magandang panaginip ang pagkakakilala ko sa kanya.
Hindi ko nga lang maintindihan sa sarili ko kung bakit just the mere thought na hindi na kami muli pang magkikita ni Naoki somehow bring pain to my heart.
Hindi ko maintindihan kung bakit nahulog ang loob ko sa isang lalake na noon ko lamang nakilala.
__________
So laking gulat ko na lang ng may sumundo sa aking abogado mula sa pinagtratrabahuhan kong law office bilang clerk. Pinapasundo daw ako ni lolo Hiroshi.
___________
"Wow!" yun lang ang tanging nasabi ko ng makarating kami sa mansyon ng mga Furukawa.
Kung pagbabasehan ay ang paraan ng pagsasalita ng mag-lolo and how they carried themselves, plus the raven black Alfa Romeo na ginamit ni Naoki ng sunduin ang lolo nya sa bahay ko, I knew they are rich.
But seeing their mansion now! wow! ang laki! parang mall! they are not just rich! they are filthy rich!
Agad akong dinala ng abogado sa study area ng mansion at doon ko muling nakita si lolo Hiroshi.
Kitang-kita ang pangungunot ng noo ng matanda mula sa kinaroroonan ko. Halatang problemado. Ngunit agad itong nagliwanag ng makita niya kami.
"Altheasan, ogenki deska?" masayang bati nito sa akin.
Nagkamot na lang ako ng ulo.
"Lolo, alien na naman ang salita mo e. Hindi na naman kita maintindihan."
"Gomen nasai (sorry) ... Ang ibig kong sabihin e kamusta ka na?" nakangiti nitong saad
"Ah yun pala ibig sabihin nun. okey naman po ako. Kayo po, kamusta na po kayo? Nakapagpa-check-up na po ba kayo? Wala naman pong internal damage" And then out of the blue, bago ko pa napigilan ang sarili ko, isang tanong ang nasabi ko
"Si Naoki po kamusta na?....
Lumaki ang pagkakangiti ng matanda. At sa nanunuksong tinig ay nagsabi "Bakit nami-miss mo ba?"
Namula ako sa narinig. Ang daldal ko naman kasi e.(T_T)
"Hindi po a." Ang lakas ng pagkailing ko. " Nagtataka lang po ako kung bakit wala siya dito. Kayo talaga!" feeling ko pulang-pula ako dahil sa sobrang pag-iinit ng mukha ko!
BINABASA MO ANG
Chasing My Bishounen
Narrativa generaleTiningnan ko ang kama niya, nagbabakasakali, pero sa halip na si Thea, isang sulat ang nakita ko roon. "Naoki, Magsaya ka na. Dahil sa huli, ikaw rin ang panalo. Tama ka, darating din pala ang panahon na bibitaw rin ako sa sa pagsasama nating i...