Chapter 21 Pleasant Surprise 2

240 12 4
                                    


<Naoki's POV>

Hindi ko maiwasang mapangiti nang makita kong nakatulala si Thea. Ang sarap talagang tudyuhin ng misis ko.

Hinawakan ko ang kanyang kamay at iginiya siya sa naka-set na mesa.

Ako na rin mismo ang naglagay ng table napkin sa kandungan niya.

"Kumain ka na. Lagi na lang 'yung mga paborito ko ang inihahanda mo. So this time, 'yung mga paborito mo naman ang ipinaluto ko," nakangiti kong saad sa kanya.

Sari-saring pagkain ang nasa mesa. May crispy liempo, kare-kare, arroz valenciana at isang lutuin na hindi ko matandaan ang pangalan.

"Paano mo naman nalaman na paborito ko ang mga ito?" tanong niya sa akin.

"Tinanong ko ro'n sa mataray mong bestfriend." Hindi ko mapigilang bahagyang mapangiwi nang naalala ko na naman si Pachuchay. Ang taray talaga ng babaeng iyon. Pinagalitan muna niya ko ng pinagalitan kanina bago sabihin sa akin kung ano ang mga paborito ni Althea.

"Hmm. Mga paborito ko nga ang lahat ng ito. Lalo na itong dinuguan," nakangiting saad sa akin ni Thea.

"Ah iyan pala ang dinuguan," Bahagya ko pang natapik ang nook o. I should have known kung ano yung maitim na kulay na pagkain na iyon. "Nakalimutan ko na kung anong tawag dyan. Idinikta lang kasi yan ni Pachuchay tapos ibinigay ko na dun sa sekretarya ko," paliwanag ko sa kanya.

Mukha namang hindi na ito inintindi pa ni Thea. Mabilis siyang kumuha ng kutsara at tinikman ang pagkain sa harapan niya. "Hmm.. Masarap," aniya. "Pinakapaborito ko talaga ito sa lahat," and she ate with gusto.

Natutuwa naman akong pinagmasdan siya habang kumakain. Hindi siya katulad ng ibang babae na mahinhin kunong kumain. Si Thea, natural na natural.

I suddenly checked myself. Bakit ba ngayon ko lang nakita ang mga good qualities ni Thea?

Marahil ay napansin niyang hindi pa ako kumakain at nakatingin lamang sa kanya.

"Bakit 'di ka pa kumakain? Tikman mo 'to, lalo na itong dinuguan," nakangiti niyang saad sabay kuha ng bawat portion ng ulam at paglalagay sa pinggan ko.

"Bakit maitim ang dinuguan? Saan ba gawa yan?" nacu-curious kong tanong.

"Sa dugo saka sa lamang-loob ng baboy." maagap niyang sagot.

"Blood and internal organ! There's no way I'm going to eat that!" nandidiri kong sagot sa kanya.

This time it was Thea's chance to laugh at me.

"Arte mo! Masarap kaya. Believe me" aniya sabay kuha ng isang kutsarang dinuguan at inilapit sa bibig ko.

Parang batang iniiwas ko ang aking mukha samantalang tuwang-tuwa naman si Thea.

" You're missing half of your life kapag hindi ka nakakain nito." aniya saka sinubo ang dinuguan.

Isang kapilyuhan ang bigla kong naisiphabang enjoy na enjoy siyang kumain nito.
Bigla kong hinawakan ang kanyang mukha. At mabilis na inilapat ang mga labi ko sa labi niya. At gamit ang aking bibig ay diretso kong kinuha mula sa bibig niya ang kinakain niyang dinuguan.

"Masarap nga," nakangiti kong saad habang nakatingin sa asawa kong muling napatulala.

Pagkatapos nang marahil ay na-realize na nya ang nangyari ay namula ang mukha niya na parang macopa.

Chasing My BishounenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon