(NAOKI'SPOV)
Maaga akong pumasok ngayon sa aking opisina. Bukod sa sandamakmak na dokumentong kailangan kong pag-aralan at pirmahan, hindi rin ako masyadong nakatulog. Hindi mawala sa isip ko ang maikling pag-uusap namin ni Ara kagabi. Paulit-ulit itong bumabalik sa akin.
"Honey, please, 'wag mong ibababa 'tong phone. Please kausapin mo ko. Hayaan mo akong makapagpaliwanag," aniya sa basag na tinig.
"Ara.." Ang tangi ko na lamang na nasabi.
For months I have longed to hear her voice. I thought that I would do everything within my power just to hear her whisper our endearments for each other.
But now, I was taken by surprise with her sudden reappearance. I was rendered speechless. My mind became blank and I could not utter even a single word of reply.
"Honey, akong galit ka sa akin dahil bigla na lang akong umalis. But hear me out first please. Pakinggan mo muna ang paliwanag ko," She said between sobbed.
Dinig na dinig ko ang malakas niyang pag-iyak habang pinipilit na magsalita. Nanikip bigla ang dibdib ko. Hangga't maari ay ayokong umiiyak si Ara.
I tightly gripped the phone.
"Hindi ko ginusto na layuan ka. I was left with no other choice..."
Nasaktan ako ng sobra sa aking narinig so I cut her off before she could continue.
"You were left with no other choice? Really?" My voice also began to break as I held my emotions.
And when I continued, I could no longer hide the pain. "Everyone is entitled to make his own choice. I would rather die if the choice is to live or be apart from you. You could have opted to stay with me, Ara... but you choose otherwise."
And with those last words, I hanged up the phone.
Isang marahang katok sa pintuan ng aking opisina ang nagpabalik sa aking kamalayan.
"Sir Naoki, nasa labas po 'yung girlfriend nyo. Papapasukin ko na po ba?" Magalang na pahayag ng aking sekretarya.
"Girlfriend? Sinong.." Naguguluhan kong tanong.
Pero agad na sumagot ang kaharap ko. "Si Miss Ara po, nasa labas. Gusto niya raw po kayong makausap. Sabi ko na nga lang ay titingnan ko kung pwede na dahil nagbilin kayo kanina na 'wag magpapapasok ng kahit na sino."
BINABASA MO ANG
Chasing My Bishounen
Narrativa generaleTiningnan ko ang kama niya, nagbabakasakali, pero sa halip na si Thea, isang sulat ang nakita ko roon. "Naoki, Magsaya ka na. Dahil sa huli, ikaw rin ang panalo. Tama ka, darating din pala ang panahon na bibitaw rin ako sa sa pagsasama nating i...