<ALTHEA'S POV>
Padaskol na binitawan ni Naoki ang mga braso ko pagkatapat na pagkatapat namin sa kanyang nakaparadang sasakyan.
"Sakay," malamig niyang utos sa akin kasabay nang pagbubukas niya ng pintuan sa passenger seat.
Dagli naman akong sumunod. Hindi ko na nagawang magprotesta dahil kitang-kita ko pa din ang pagdidilim ng kanyang mukha.
Habang daan ay damang-dama pa din ang tensyon sa pagitan naming dalawa. Mahigpit ang pagkakahawak niya sa manibela at mabilis ang ginagawang pagpapatakbo ng sasakyan. Waring doon nito ibinubuhos ang inis na kanyang nararamdaman.
Wala tuloy sa loob na nakapagsuot ako ng seatbelt.
The silence between us is killing me. I couldn't hardly breath. For weeks I've thought that something had changed. But seeing his grim expression right now, I'm catching a glimpse of the old Naoki, the Naoki whom had hated me so much. And by just thinking that we'll be back to the way before cause instant pain in my chest.
Parang hindi ko na yata kakayanin pa kung muli siyang masusuklam sa akin.
Thus I decided to break the silence.
"Naoki," mahina kong tawag sa kanya. "Galit ka..."
Ngunit hindi ko na nagawang patapusin pa ang sasabihin ko dahil agad niya kong sinansala.
"Not now, Thea. Please. I'm so angry right now that I may say things that I would regret later," he coldly said, while his eyes remained fixed on the road.
Kinagat ko ng mariin ang aking mga labi pagkadinig ko sa sinabi niya. Pakiramdam ko kasi ay babagsak ang mga luha ko dahil sa galit ng aking dana-sama na patungkol sa akin.
Pero bakit? Ano na naman ba ang nagawa ko sa pagkakataong ito? Okay naman kami kanina bago siya pumasok ng opisina di ba? Hindi din naman siguro yung pag-alis ko ng bahay ang dahilan. Ipinagpaalam naman ako ni Pachuchay sa kanya kanina.
So why the sudden cold treatment and anger as if I've committed a grave sin? I'm really so confused right now.
Nang maramdaman kong hindi ko na mapipigilan ang luha sa mga mata ko ay ibinaling ko na lang ang tingin ko sa labas ng sasakyan. Pinigilan kong humikbi. Baka lalo kasi siyang magalit kung makikita niyang umiiyak na naman ako.
At hindi ko na namalayang hinatak na ng antok ang aking kamalayan.
________
Naramdaman ko nang tumigil ang aming sasakyan. Marahil ay nakarating na kami sa parking lot ng condominium.
Ngunit sa halip na dumilat ay nagpasiya akong magtulog-tulugan. Hindi ko pa kayang harapin ang galit niya lalo't hindi ko naman alam ang dahilan nito.
"Thea.. Thea.." ang marahan niyang tawag.
Ngunit lalo ko lang pinagbuti ang pagtutulog-tulugan.
Naramdaman ko ng bumaba siya ng sasakyan at lumigid sa banda ko.
Dinig na dinig ko ang malalim niyang pagbuntunghininga.
Pagkatapos ay marahan niyang hinaplos ang mga pisngi ko kung saan dumaloy ang aking mga luha kanina.
I really wanted to open my eyes at that very instance but I'm afraid that the magic of that moment may get broken.
Nagulat pa ako nang marahan niya akong buhatin na para ba kaming bagong kasal at isandig ang ulo ko sa kanyang dibdib para marahil huwag 'maabala ang tulog' ko.
Maya-maya pa'y naramdaman ko nang marahan na niya kong ibaba sa kama ko. Saglit ko pang naramdaman nang bahagya itong lumundo at umupo siya sa tabi ko. Pagkatapos ay marahan pa niyang hinaplos ang buhok ko.
Nagulat pa ako ng hagkan niya ang braso ko na marahil ay nagpasa ng mahigpit niya itong hawakan kanina.
May kung anong bumikig sa lalamunan ko sa sobrang pagpipigil ng aking emosyon. Right at that moment, I wanted to hug him and tell him how much he mean to me.
Pero bago ko pa magawa iyon ay tumayo na si Naoki at akmang lalabas na ng silid ko.
Nilakasan ko na ang aking loob. Dagli akong bumangon at niyakap siya sa likod.
"Hindi ko alam kung bakit ka nagagalit sa akin. Pero kung ano man 'yun, please, sorry na. Ang magalit ka sa akin ang pinakahuling bagay na gusto kong mangyari." I said between sobbed habang nakadikit pa din ang mukha ko sa lukuran niya.
He gave a deep sigh. Pagkatapos ay nagwika. "Sinabi ko na sa yo noon na ayokong makikita ka na may kasamang ibang lalake. Kahit dumikit sa yo, kahit tingnan ka lang, kahit na banggitin lang nila ang pangalan mo, ayoko!"
Nagulat ako sa narinig. May kung anong init na humaplos sa dibdib ko. Posible kayang..
"Are you jealous? Mahal ko na rin ba ko?" Lakas loob kong tanong sa kanya.
Ramdam ko ang tensyon na gumapang sa kanyang katawan matapos na marinig ang tanong ko.
Matapos ang ilang sandali ay sumagot ito.
"I've been inlove with Ara for more than 5 years. Hindi ko alam kung sapat na ang panahong pinagsamahan natin para mabura siya dito." sabay turo niya sa dibdib
"But to answer your first question, yes, I'm jealous. Selos na selos ako kanina. Kung pwede ko lang baliin ang lahat ng buto sa katawan ni Gino ng makita kong hinawakan niya ang braso mo, ginawa ko na." Saglit siyang huminto sa pagsasalita at bumuntunghininga ng malalim.
Pagkatapos ay marahan niyang itinaas ang kaniyang kamay na wari bang hahaplusin ang pisngi ko. But in the end, he decided against it. Sa halip mabilis niyang ibinaba ang kanaiyang kamay at tumalikod.
Nagulat pa ako nang muli siyang magsalita.
"Please, bear with me as I sort out my feelings" pagkatapos ay lumabas na siya ng aking silid.
Hindi ko mapigilang mangiti. Kahit papano, kahit na napakaliit na tsansa, may sumisibol ng pag-asa sa pagsasama namin ni Naoki.
________
<Third Person's POV>
Habang naglalakad pabalik ng kanyang silid ay halatang-halata na gulong-gulo si Naoki. Marahan lamang ang kanyang hakbang at bahagyang nakatungo.
Bahagya pa siyang nagulat nang marinig ang tunog ng kanyang cellphone.
Nangunot ang kanyang noo nang makitang hindi naka-register ang numero ng tumatawag.
"Hello" aniya.
"Honey, please, wag mong ibababa tong phone. Please kausapin mo ko. Hayaan mo akong makapagpaliwanag."
"Ara.." ang tangi na lamang nasabi ni Naoki.
BINABASA MO ANG
Chasing My Bishounen
General FictionTiningnan ko ang kama niya, nagbabakasakali, pero sa halip na si Thea, isang sulat ang nakita ko roon. "Naoki, Magsaya ka na. Dahil sa huli, ikaw rin ang panalo. Tama ka, darating din pala ang panahon na bibitaw rin ako sa sa pagsasama nating i...