(Naoki's POV)
Hindi talaga 'ko magsasawang tingnan ang magagandang tanawin na aming nadaraan tuwing pupunta kami ng Baguio o Benguet. Somehow, just looking at the zigzag roads surrounded with pine trees and smelling the fresh air really has a way of calming my troubled mind.
Bahagya kong sinulyapan si Gino na ngayon ay natutulog sa passenger's seat. Bahagya pa akong napailing nang marinig ko ang malakas niyang paghilik. Lokong 'to a, saloob-loob ko. Akala ko kaya siya sumama ay para mag-drive, yun pala, matutulog lang ito. Lihim akong napangiti.
Three years ago, akala ko kasabay nang pag-alis ni Thea ay matatapos na din ang pagkakaibigan naming tatlo nina Gino at Raymond. Galit na galit sa akin si Gino dahil ako ang sinisisi niya sa nangyari kay Thea. Magkakaibigan kami mula nang munti kaming bata. We never fought for we treated each other more than brothers. Kaya isang malaking dagok ang pangyayaring iyon. Akala ko dead-end na ng pagkakaibigan namin.
"Tarantado ka Naoki! Anong ginawa mo kay Thea ha!" galit akong hinawakan ni Gino sa kuwelyo.
"Gino! Stop it!" sigaw ni Pachuchay.
"Kaya ko kayo tinawagan ni Raymond ay para pakalmahin yang kaibigan n'yo. Hindi para bugbugin."
"Gino, tama na pare," pilit naman siyang hinihiwalay sa akin ni Raymond.
"Can't you see that he's already suffering. 'Wag na tayong dumagdag sa paghihirap niya."
Sunod-sunod na mura ang pinakawalan ni Gino patungkol sa akin. But I remained speechless. Tama naman kasi ito. Isa akong malaking gago para saktan ang taong nagmamahal sa akin ng totoo.
"Mapapatay kita Naoki kapag may nangyari kay Thea!" sumisigaw nitong wika.
Mapait akong napangiti sa sinabi niya. "Iyon ay kung mauunahan mo 'kong gawin 'yon sa sarili ko."
Pagkatapos ay nagmamadali na 'kong lumabas ng condo. Kung kailangan kong galugarin ang buong Pilipinas gagawin ko makita lang si Thea.
Sa loob ng ilang araw ay ginalugad ko ang lugar kung saan maaring nagpunta si Thea pero nabigo ako. Halos sa kotse na ako natutulog at umuuwi lamang ng condo para magpalit ng damit. Pero wala e, di ko pa din natagpuan si Thea.
As days passed by na wala siya, I became more frustrated. Para pansamantalang makalimot ay nagpunta 'ko sa isang bar upang uminom.
Halos ubos ko na ang isang bote ng Black label nang makita ko si Thea na maharot na nakikipagsayaw sa ibang lalake. Agad na umahon ang selos sa dibdib ko at dagli ko siyang nilapitan.
Mariin kong hinawakan ang kaniyang braso at pilit siyang hinila. Laking gulat ko na lang nang pagbaling niya sa akin ay ibang babae pala ito at hindi si Thea.
"Miss, sorry..." Pero bago ko po natapos ang sasabihin ko ay isang malakas na pagtulak ang naramdaman ko sa aking dibdib.
"Tarant*do ka! Anong ginagawa mo sa girlfriend ko!" galit na wika ng lalakeng nagpakilalang kasintahan ng babaeng inakala kong si Thea.
"Pare,'wag kang nanunulak," inis ko na ding wika.
"At ikaw pa ang galit ha," aniya sabay sapak niya sa mukha ko. Naramdaman ko ang hapdi dulot nang pumutok kong labi. Agad akong bumangon at gumanti ng suntok.
And before I knew it, a huge fight had occurred.
Dinala kami sa presinto ng lalakeng nakaaway ko. Laking gulat ko na lang nang sa halip na ang abogado ng kompaniya namin ang tumubos sa akin, si Gino ang dumating.
BINABASA MO ANG
Chasing My Bishounen
General FictionTiningnan ko ang kama niya, nagbabakasakali, pero sa halip na si Thea, isang sulat ang nakita ko roon. "Naoki, Magsaya ka na. Dahil sa huli, ikaw rin ang panalo. Tama ka, darating din pala ang panahon na bibitaw rin ako sa sa pagsasama nating i...