Chapter 32.3 A New Life Begins 3

100 3 0
                                    


(Naoki's POV)

"Mama," masaya niyang saad.

Dahan-dahan akong lumingon upang makita ang tinatawag na 'mama' ng bata.

At nakita ko nga ang isang petite na babaeng patakbong lumalapit sa amin habang hawak sa isang kamay ang batang babaeng kalaro-laro kanina ng batang hawak ko ngayon.

Agad niyang kinuha sa pagkakabuhat ko ang bata.

"Paolo! Anong nangyari sa'yo?" naiiyak niyang saad sabay yakap nang mahigpit at halik sa pisngi ni Paolo.

"Bro, anong nangyari?" aniya ng isang tinig na nanggaling mula sa aking likuran. Paglingon ko dito ay nakita ko naman si Gino.

Nangingiwi man sa sakit ay pilit akong ngumiti. "Tinulungan ko lang 'yung bata. Muntik na kasi siyang maatrasan ng sasakyan."

Takot na takot namang lumapit sa amin ang isang matandang lalake na siya palang nagmamay-ari ng sasakyan. "Naku, amang, ipagpaumanhin mo. Hindi ko napansin na may tao pala sa likuran.

"Okay lang po iyon, Lolo. Alam ko naman pong hindi n'yo iyon sinadya," saad ko na sinabayan pa ng ngiti para hindi na siya mag-alala.

"Paumanhin talaga sa abala. Gusto mo bang ihatid kita sa ospital? Malapit lang iyon mula dito," patuloy na wika ng matanda ngunit magalang akong tumanggi.

"Huwag na po talaga. Okay lang po ako. Medyo nabugbog lang po ito. Lalagyan ko na lang po 'to ng yelo mamaya. Kaya huwag na po kayong mag-alala."

"Saka kung mayroon man pong may kasalanan sa nangyari, iyon pong iresponsableng nanay na pinapabayaan ang anak niya sa kalye," sabat naman ni Gino.

Noong mga oras na iyon ay nag-angat ng mukha ang babae mula sa pagkakayuko sa hawak na bata.

"Excuse me! Bakit ko naman pababayaan..." pero hindi na niya nagawang ituloy ang sasabihin matapos na matitigan si Gino.

"Gino..."

"Shan..." Halos sabay pa nilang naibulalas ang pangalan ng isa't-isa.

Ngunit agad na nakabawi ang babaeng narinig kong tinawag na 'Shan' ng kaibigan.

"Salamat sa pagliligtas sa anak ko," aniya pagkatapos ay dali-daling binuhat ang dalawang bata at halos lakad-takbong umalis. Agad nitong pinara ang paparating na jeep at sumakay doon.

Samantalang si Gino naman ay noon lamang waring natauhan at patakbong hinabol ang papaalis na babae. Ngunit hindi na niya inabutan ang sinakyan nitong jeep.

"Hey, what was that all about?" maang kong tanong sa kanya.

"Siya yun pare. Nag-mature lang siya ng konti pero hindi ako pwedeng magkamali," mahina nitong wika.

"Sinong siya, pare?" naguguluhan kong tanong.

"Iyong kababata kong mangkukulam!" mariin niyang wika.

"Ha? Akala ko ba..." nalilito ko na lang na naisaad.

"Well, obviously, mali ako," mabilis niyang saad.

Pagkatapos ay isang mahabang katahimikan ang namagitan sa aming dalawa. Pagkatapos ay muli kong naalala ang batang iniligtas ko.

"Pero pare, nang nakita ko yung anak niyang si Paolo, mayroon akong kakaibang naramdaman. Ang tingin ko nga kamukha ko pa yung bata. Kung nabuhay lang yung anak namin ni Thea, halos kasing-edad na siguro niya yung bata," nanghihinayang kong tugon.

"Well, that's the most logical reason kung bakit tingin mo ay kamukha mo yung anak nang bruhang iyon. Naiisip mo 'yung anak nyo ni Thea," he dismissively said. Pagkatapos ay pabulong na winika, "May asawa na pala siya."

Chasing My BishounenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon