Chapter 10 Change of Heart (Part2)

322 17 1
                                    

(NAOKI'S POV)

Halos mabingi ako sa lakas ng kalabog ng pinto matapos na nagmamadaling lumabas mula doon si Althea.

I was taken aback. Para akong naestatwa sa pagkakatayo. Hindi pa din mawala sa isip ko ang sakit na bumalatay sa mga mata niya. More than the slap and the physical pain that she caused me , what bothers me most right now is the thing that reflected in her eyes. She is genuinely hurting!

Hindi ko maintindihan kung bakit parang naapektuhan ako ngayon ng makita kong nasasaktan siya. Hindi ba't nasusuklam ako sa kanya? Hindi ba at siya ang sinisisi ko kung bakit nawala sa akin si Ara? Bakit ngayon ay parang nasasaktan din ako para sa kanya? Binabagabag nga lamang ba ako ng aking konsensiya?

Napayuko ako saglit ngunit sapat na ang panahong iyon upang makita ko ang supot ng gamot na nabitawan ni Althea sa sobrang pagmamadali kanina.

Nang buksan ko ito ay nalaman kong anti-hangover pills pala ito.

Para akong sinampal uli. Kung ano-anong iniisip ko laban kay Althea samantalang laging kapakanan ko ang iniisip nya.

I'm a complete jerk!

Kinuha ko ang supot ng gamot at ibinalibag sa pader.

I need to take a drink to calm myself down. Pero hindi pa ko nakakarating sa mini bar ng condo ng gumuhit ang liwanag sa labas sanhi ng kidlat. Nang tumingin ako sa bintana ay napakalakas na ng buhos ng ulan na parang bumabagyo.

Ipagwawalang bahala ko sana ito pero pumasok sa isip ko ang imahe ni Althea na malamang na ngayon ay basang-basa na ng ulan.

I tried to brush away the image. Mabilis kong sinalinan ng scotch ang baso ko at tinungga. Pero hindi pa din mawala sa utak ko si Thea!

DAMN! I quickly grabbed my car key and dashed outside para sundan ito.

Bakit ngayon pa umiral ang letse kong konsensiya!

____

Sobrang lakas ng ulan! Halos hindi na kayanin ng wiper ng sasakyan ko ang volume ng tubig na bumubuhos ngayon. Halos wala na talaga akong makita sa sobrang dilim ng paligid.

Nagsimula na akong kabahan. Nasaan na ba ang babaeng iyon? Kung ano-ano na ang naisip kong maaring nangyari sa kanya.

Sa muling pagliwanag ng paligid dulot ng kidlat, something caught my eyes!

It's my wife! Ayun sa gilid ng kalsada, tulala at hindi alintana ang malakas na pagbuhos ng ulan. She looks like a lost child under the heavy rain.

Damn!

I don't want to startle her so I decided to park my car at the side at kinuha ang payong na nakalagay sa back seat.

The moment I stepped right outside my car, naramdaman ko ang malamig na buhos ng ulan at nagngangalit na hangin, sapat upang makaramdam ako ng konting panginginig sa ginaw. Pero bakit parang balewala iyon kay Althea?

I was just a few feet away from her when I saw her absent-mindedly crossed the street. Nakakailang-hakbang pa lamang siya ng isang rumaragasang kotse ang dumarating at tinutumbok si Althea na parang naestatwa sa gitna ng daan.

I did the unthinkable. Ibinato ko na lamang sa isang tabi ang hawak kong payong at tinakbo ang maikling pagitan sa aming dalawa.

I hugged her from behind and lifted her at the other side of the street, shielding her petite frame with mine just to make sure that she's safe.

Chasing My BishounenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon