I've hated you for really quite sometimes,
I've resented your existense, treated it like a crime
But after seeing you stumble, after watching you cry
The pain and bitterness in my chest suddenly die
<3
________
<NAOKI'S POV>
Napabalikwas ako ng bangon ng maramdaman ko ang init na humahaplos sa aking mukha mula sa bintana ng kwarto ko.
How I wish na hindi ako nagpadalos-dalos sa pagkilos lalo't naramdaman kong parang binabarena ang ulo ko sa tindi ng sakit. Kasabay noon ang paghalukay sa sikmura so wala akong choice kundi ang bumalik sa pagkakahiga.
Kung iisipin ko kung gaanong karami bang alak ang nainom ko kagabi kaya ganito katindi ang hang-over ko, well, hindi ko masabi. Nung maitumba ko yung 2 boteng black label, not to mention the bottles of beer, wala na ako sa tamang huwisyo para magbilang. All I wanted last night was to drown myself in liquor to numb myself from the pain that I'm experiencing. Gusto kong mamanhid itong puso ko. Kahit isang gabi lang. Kahit sandali lang. Gusto kong makalimutan si Ara.
Yesterday was supposed to be our anniversary. At plano kong magproposed sa kanya sa gabing iyon. I wanted my name to be hers. I wanted to give her everything that she dreams of, a loving husband, cute children, a nice home, a happy family. I wanted to love her forever. Ang dami naming pangarap na binuong dalawa. .
But before these could happened, fate interfered, or rather my grandfather interfered.
Hindi ako naniniwalang ipagpapalit ako ni Ara sa pera. My Ara is not a materialistic woman. Sa loob ng ilang taon naming relasyon, alam kong minahal niya ako bilang ako at hindi bilang si Naoki Furukawa na tagapagmana ng Furukawa Group of Companies.
Kung iniwan man ako ni Ara ngayon, alam kong may mabigat na rason. Maaring tinakot siya ni lolo, baka may kamag-anak siyang may-sakit na kailangang puntahan.
I could give her hundreds of reasons kung bakit niya kailangang umalis. I could give her thousands of justifications kung bakit nya ako iniwan. No matter how dumb thoses reasons were, tatanggapin ko lahat yun bumalik lang siya sa akin ngayon.
Mukha man akong mahina pero hindi ko mapigilang tumulo ng mga luha ko. I missed her so much. Ang tawa niya, ang mga ngiti nya, the way she held my hand, the way she snuggled in my embrace. I missed her so.
Hindi ko alam kung gaano ako katagal sa posisyong iyon.
Paglabas ko ay katahimikan ang bumalot sa akin.
Himala! Wala ang babaeng yun. Ang babaeng ipinilit sa akin ni lolo. Dati naman kung hindi ito nasa sala at naglilinis ay nandun ito sa balcony at inaasikaso ang mga hanging plants nito.
Just thinking about that woman and my grandfather irritates me.
I never thought that my grandfather would used dirty tactics and blackmail para lang masunod ang gusto nito.
And that woman! Kahit isipin ang pangalan niya ay ayokong gawin! Akala ko pa naman ay mabait siya, yun pala, tutulungan pa nito si lolo na paikutin ako!
I wonder kung magkano ang ibinayad sa kanya ni lolo para pumayag sa kagustuhan nito.Nasa sala pa lang ako ay amoy na amoy ko na ang masarap na niluto ni Thea. Kahit na naiinis pa din ako sa kanya ay hindi ko pa din mapigilang kainin ang mga pagkaing handa nito, especially ang kanyang tamagoyaki at donburi...
BINABASA MO ANG
Chasing My Bishounen
General FictionTiningnan ko ang kama niya, nagbabakasakali, pero sa halip na si Thea, isang sulat ang nakita ko roon. "Naoki, Magsaya ka na. Dahil sa huli, ikaw rin ang panalo. Tama ka, darating din pala ang panahon na bibitaw rin ako sa sa pagsasama nating i...