Chapter 12: Not My Girlfriend

338 19 1
                                    

Please don't make me love you more...

If you'll just returned to the way before...

Please don't make me fall hard for you..

If you cannot just love me so true...

I have never asked you to love me back...

So don't try to pretend, don't lift my hopes up..

.

dedicated para sa mga paasa! Lol!

<3 Mystie83

.

Althea's POV

Araw ng Linggo.

Maaga akong bumangon. Kailangan kong maghanda ng breakfast and at the same time ay gumayak para magsimba.

Sa halos ilang buwan na naming pagsasama, hindi pa nagkaroon ng pagkakataon na nagkasabay kaming kumain o magsimba ni Naoki. Usually, late na kung gumising ang aking dana-sama kapag Sunday. Pagkatapos niyang gawin ang kanyang mga Sunday obligations, makikipaglaro na ito ng golf o badminton kasama ang mga kaibigan kaya kahit Linggo, walang pagkakataon upang magkasama kami.

I was about to leave the house when I heard that someone called my name.

Nagulat pa akon ng paglingon ko'y si Naoki na pala ito.

"Doko ni ikun desu ka?" (Where are you going?) he asked. Wala akong mababasang emosyon sa kanyang mukha.

"Magsisimba sana" ang tanging naging tugon ko sa kanya na sinundan ng dagling pag-iwas ng tingin matapos ko siyang mapagmasdan.

Bakit ba naman hindi. He's wearing nothing but sweatpants. Marahil ay maaga itong nagising at nagpasyang magpapawis sa treadmill sa mini-gym ng condo. Nangingintab pa ang katawan nito sa pawis. And I could clearly see the droplets of sweat making its way down his washboard chest and six pack abs!

Oh my! My husband is sinfully gorgeous! A real bishounen!

Ramdam na ramdam ko ang pamumula ng aking mga pisngi. Bakit ba parang lumiit ang pagitan namin? Why do I feel that temperature suddenly went up?

OMO! I cannot believe how seeing him like this would have this effect on me.

"Sate, kyoukai ni iku nara, isshoni ikou. Sono ato, sofu wo houmon shiyou" (Well, if you're going to the church, let's go together. Afterwards, let's visit grandpa.)he said, not noticing or just pretending to ignore ny uneasiness.

"Hah?" natulala na lamang ako. Hindi na naintindihan ng aking limitadong kaalaman sa wikang Hapon ang huli niyang sinabi.

Bahagya pang nangunot ang kanyang noo matapos makita ang reaksyon ko.

"Ang sabi ko, sabay na tayong magsimba. Tapos, puntahan na din natin si lolo."

Nataranta ako sa narinig.

"Ah, kahit wag na. Baka maabala pa kita. Pwede naman akong mag-commute mula dito."

"I insist, okay." humalukipkip ito at tiningnan ako ng matiim.

Isang marahang tango lamang ang tugon ko sa kanya. Pag dating talaga dito ay wala na akong kakayahang tumanggi pa.

______________

Chasing My BishounenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon