Chapter 27: The Beguiling Ploy (Part 1)

179 9 0
                                    

(SHIN'SPOV)

Nakatulala pa rin ako matapos marinig ang sinabi ni Lolo Hiroshi.

Sh*t! Paanong mangyaring magho-honeymoon pa ngayon sina Naoki at Thea sa Japan when all along akala namin ay nagtagumpay na ang plano naming pag-awayin sila? Hindi ba't nagsuntukan pa nga sina Naoki at Gino?

Dahil sa malalim na pag-iisip ay hindi ko napansin na tinatawag na pala ako ni lolo.

"Hindi ka pa ba sasabay rito?" tukoy nito elevator na pigil nito.

"Mauna na po kayo. May naiwan lang po akong ilang mahalagang dokumento sa kotse ko. Babalikan ko lang po muna sandal," pilit ang ngiting tugon ko sa kaniya.

Pagkasara ng elevator ay agad kong tinawagan si Ara. Pagkaraan ng ilang ring ay sinagot nito ang tawag.

"Ara, magkita tayo ngayon. Palpak ang plano. Sa halip na mag-away ang mag-asawa, papunta na sila sa Japan ngayon para sa kanilang honeymoon," pagalit kong saad sa kanya bagamat pilit kong hinahinaan ang boses ko dahil baka may makarinig..

Saglit na nawalan ng kibo ang kausap ko. Maaring in-a-absorb pa ang kung anumang narinig niya mula sa akin. Pero ilang sandali pa at sunod-sunod na mura na ang narinig ko mula sa kaniya. "L*tse ka! Akala ko ba siguradong-sigurado ang plano mo! May sinabi ka pa na papatayin mo si Naoki sa pagdududa. Bakit ngayon sa halip na mag-away lalo pa ata silang nagkasundo? Puro ka lang pala yabang!" patuloy na pagtataray nito sa akin.

Lalong nag-init ang ulo ko sa narinig. "Pwede ba Ara! Once in your life itigil mo yang bibig mo! Masyado kang maingay! Daldal ka nang daldal! Kaya nabubulilyaso ang mga plano natin e!" ganting angil ko sa kanya.

"So kasalanan ko pa talaga ngayon ha. Kung di ka ba naman..." Ngunit dagli ko nang pinutol ang anumang sasabihin niya.

"Huwag na nga tayong magsisihan. Tayo na nga lang ang magkakampi dito, nag-aaway pa tayo. Huwag ka'ng aalis sa condo mo. Papunta na ko ngayon d'yan." And with that I quickly put off my phone and went to the parking lot direction.

Dahil sa labis na pagmamadali, hindi ko napansin ang dalawang pares ng mga mata na nakatingin pala sa akin.

Pagkadating na pagkadating ko sa condo ay ang nakasimangot na mukha ni Ara ang agad na bumungad sa akin.

"So what's the plan, Mr. Genius?" she sarcastically said.

"Maupo ka muna and listen to what I will say. Hindi na tayo pwedeng magkamali ngayon so siguraduhin mong masusunod ang lahat nang sasabihin ko."

At nagsimula kong i-detalye kay Ara ang naisip kong plano.



(Althea's POV)

How time really flies. Hindi pa rin ako makapaniwalang natapos na ang dalawang buwan naming honeymoon ni Naoki sa Japan at ngayon ay nandito na uli kami sa Pilipinas. Hindi namin inakalang sobra kaming mag-eenjoy doon na ang naunang planong isang buwan lamang na bakasyon ay naging dalawa.

Sobrang ganda ng bansang iyon at napakayaman ng kultura. Talaga namang nakaka-amaze ang mga templo sa Kyoto na pinagdalhan sa akin ni Naoki, gayundin ang Japanese architecture na pinatunayan ng Himeji Castle at Tokyo Imperial Palace. Hindi ko rin inakala na maaakyat ko ang pinakamataas na bundok sa Japan, ang Mt. Fuji. I wanted to give up back then, but Naoki had been patient with me, showering me with encouraging words. And indeed, sobrang worthwhile dahil napakaganda ng lugar. A piece of paradise on earth.

Nagmistula rin kaming mga bata habang namamasyal sa Disney Land at Universal Studio. Tawa siya ng tawa habang nagpapa-picture ako kasama sina Mickey at Miney Mouse. Para daw akong bata. But he indulge my whims anyway and even volunteered to take our photos.

Chasing My BishounenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon