Chapter 14: Fight for Her

354 19 1
                                    


(ALTHEA'S POV)

"Thea no! Wag mong gawin to."

Sa nanlalabo kong ulirat ay parang naririnig ko ang boses ni Naoki na tinatawag ako.

Funny, gusto ko siyang tugunin pero hindi ko magawang idilat ang mga mata ko. Parang may kung anong mabigat na bagay na nakadagan sa akin kaya hindi ako makahinga o magawang gumalaw man lamang.

Pagkatapos ay naramdaman ko ang pagdampi ng labi niya at pagpasok ng hangin sa bibig ko at .........

Uhu... Uhu.. Napasigok pa ako habang isinusuka ang nainom kong tubig mula sa pool.

Habang ginagawa ko ito ay ramdam na ramdam ko ang mga kamay ni Naoki na nakaalalay sa akin at marahan pang tumatapik sa likod ko.

Pagkatapos ay patang-pata kong ibinagsak ang aking sarili sa gilid ng pool.

Nagulat pa ako ng buong pwersa akong itinayo ni Naoki at dinala sa dibdib nito. Ramdam na ramdam ko ang bahagya niyang panginginig.

"Huwag mo na uli akong tatakutin ng ganito, Thea. Magagalit na talaga ko kapag ginawa mo pa uli 'to."

And before I knew it, he cupped my face and kissed me forcefully, Ginawaran niya ako ng isang mapagparusang halik, na para bang sa pamamagitan nito ay maipapadama niya sa akin ang naramdaman niyang takot ng inakala niyang nawala na ako kanina.

But suddenly, the kiss become gentle, nakakadala. And before I knew it, I'm already responding to his kisses.

Naputol lamang ito ng makarinig kami ng palakpak.

"What a touching scene my dear.."

Kitang-kita ko ang pangungunot ng noo ni Naoki habang nakatingin sa lalakeng nakatayo sa aming harapan.

"What are you doing here?" aniya dito.

"Well, I wanted to see grandpa. Hindi ko naman inakalang may aabutan akong napakagandang tagpo." nakangising tugon ng lalake habang nakatingin kay Naoki.

Pagkatapos ay bumaling siya sa akin. "So this must be your lovely wife. Tama nga si Lolo. She is quite a beauty." anito sabay tingin sa akin mula ulo hanggang paa. "Hindi mo ba ako ipapakilala sa kanya, my dear cousin?"

Halatang napipilitan man ay walang nagawa si Naoki kundi ipakilala ako sa bagong dating.

"Thea, si Shintaro, apo siya ng kapatid ni lolo. Shin, meet my wife Thea." ani ni Naoki na hindi na kababakasan ng anumang emosyon.

"Nagulat ako ng nakatanggap kami ng tawag mula kay Lolo Hiroshi na nagpakasal ka na. And of all places, sa Las Vegas pa." hindi nawawala ang pagkakangisi sa kanyang mga labi.

Pagkatapos ay muli niya akong tiningnan.

Gusto kong manliit sa paran ng pagtingin niya sa akin. Parang nanunuya.

"But when I find out na hindi naman pala si Ara ang pinakasalan mo, I guess that must be the reason why you've kept your wedding a secret." anito na sinabayan pa ng nakakalokong tawa.

Di mapigilang mamula ang mukha ko sa narinig. He didn't need to rub it on my face. Alam ko naman na I am nothing compared to Ara kaya tanggap ko kung bakit kailangang ilihim ang kasal namin ni Naoki.

Chasing My BishounenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon