(Althea's POV)
I know, I look like I'm in deep shit ngayong umagang ito. Namumugto pa rin ang mga mata ko dahil sa labis na pag-iyak. Nangingitim din ang paligid nito. Bakit ba hindi e halos wala akong itinulog kagabi. Parang sirang tape na paulit-ulit na nagpe-play sa utak ko ang banta ni Ara.
I shooked my head to stop these thoughts. Sarili ko lang ang pinapahirapan ko.
I know mahal pa rin ni Naoki si Ara. He never denied it noong huli kaming mag-usap. Malungkot kong naisip.
But he neither confirmed it either. Pagpapalakas ng loob na sabi naman ng isang bahagi ng utak ko. Malay ko naman, baka wala na pala siyang nararamdaman pa sa babaeng iyon. Tinatakot ko lang ang sarili ko sa wala. Pagpapalakas-loob ko na lamang sa aking sarili.
Isa pa, mas matindi ang damdamin ko para sa aking dana-sama kumpara sa bruhang Ara na iyon. Dahil alam kong kahit na anong mangyari, hindi ko ipagpapalit si Naoki sa anumang kayamanan dito sa mundo.
I'm still having those thoughts when I heard my phone ringing. So I picked it up without looking at the screen and answered the caller with a lazy tone.
"Hello po," saad ko.
"Ano ba 'yan?! Wala namang kabuhay-buhay ang pagbati mo! Wala bang good morning man lang," talak ng boses na kilalang-kilala ko, si Pachuchay.
"Morning bessy, sorry medyo masakit lang ang ulo ko," pagbibigay ko sa aking bestfriend nang matigil na siya sa kadadakdak. "Ba't ang aga mong nambubulahaw?"
"Bulahaw agad?" pataray nitong sagot at sa nanunuksong tinig ay nagpatuloy "Di ba pwedeng babatiin ko lang ang aking mahal na bestfriend?"
"Babatiin? Bakit, anong meron?" kunot-noo kong tanong.
"Duh!" she said. I could almost imagine Pachuchay's rolling her eyes. Habit na ata ng babaeng iyon ang umirap at mag-eye roll. "Bessie! It's your birthday! Noh ba yan! My amnesia lang ang peg!?" patuloy nito.
"Oo nga pala. Nakalimutan ko na." Hindi ko na rin mapigilang mapangiti.
"Happy birthday Bessy! Ang wish ko para sa 'yo ay good health, more wealth at nawa'y matunaw na ang yelo sa puso ng iyong dana-sama at makita nya kung gaano siya kaswerte at nabaliw ka sa kanya!" na dinugtungan pa nito ng nanunuksong tawa.
"Bessy! Ikaw talaga! Nangbabati ka na lang, nang-aasar ka pa!" tugon ko sa kanya.
Muli itong natawa sa sinabi ko. "Sige na. Ibababa ko na tong phone." tapos ay nawala ang panunukso sa tinig nito at saglit itong nagseryoso "Happy birthday uli best ko. Sana dumating ang araw na makuha mo ang kaligayan na para sa yo. You deserved to be happy after all you've been through."
Nangilid ang luha ko sa narinig. Masyado akong na-touch sa sinabi niya.
"Bes, akala ko ba e gusto mo kong sumaya? Ba't pinapaiyak mo ko ngayon?" biro ko na lamang sa kanya.
"Basta. Kaya ko lang kinunsinti yang kalokohan mo kay Naoki dahil alam kong mahal na mahal mo siya. Pero kapag pinaiyak ka niya uli, naku! humanda siya sa akin, okay. Happy birthday" birong-totoo nito.
_____
"Una na ko." paalam ni Naoki, bitbit ang kanyang mga portfolio at handa ng umalis patungong opisina.
BINABASA MO ANG
Chasing My Bishounen
General FictionTiningnan ko ang kama niya, nagbabakasakali, pero sa halip na si Thea, isang sulat ang nakita ko roon. "Naoki, Magsaya ka na. Dahil sa huli, ikaw rin ang panalo. Tama ka, darating din pala ang panahon na bibitaw rin ako sa sa pagsasama nating i...