Chapter 6 Wagamama (selfish)

297 17 2
                                    



If the only way that I could stay by your side is for me to swallow my pride,

Then strip me with all my self-worth, you will never see me cry.

If loving you means enduring all the hardships and pain,

I'll happily accept it with all my heart, if your love is what I'll gain.


<ALTHEA'S POV>

Tanging tunog lamang ng wall clock ang naririnig ko ng mga oras na iyon. Sa hindi ko na mabilang na pagkakataon ay muli akong sumulyap dito.

I gave out a heavy sigh out of nervousness. Alas-tres na ng madaling araw pero hanggang ngayon ay wala pa din si Naoki.

Ito ang unang beses na inabot ito ng madaling-araw sa pag-uwi. Nagkakaroon man kasi ito ng meeting o dinner with his clients, bago maghating-gabi ay nakakauwi na ito.

Inaatake na tuloy ako ng nerbyos. Kung ano-anong alalahanin na ang pumapasok sa utak ko. Baka nasiraan ito ng sasakyan. Baka naaksidente na si Naoki at malubhang nasugatan; o baka naman na-hold-up na ito sa pag-uwi katulad ng nangyari noon sa lolo nito; o baka naman.........

Ayokong i-consider ang ganitong kaisipan, ngunit....

Hindi kaya may kasama na itong ibang babae???

And with that thought, hindi mapigilang kumirot ng dibdib ko. Aaminin ko, nagseselos ako.

I know its illogical... Pero hindi ko mapigilan e. Isipin ko lang na may iba siyang kasamang babae ngayon, na may iba siyang niyayakap, na may iba siyang hinahalikan, hindi na ko makahinga dahil sa sobrang sakit.

I know, wala akong karapatang magselos. Sino lang ba ako sa buhay niya? Asawa lang naman niya ako sa papel. Ang babaeng ipinilit ipakasal dito, isang excess baggage sa buhay nito. Sabi nga ni Naoki, isang lamang akong basura!

Hindi ko namalayang tumutulo na pala ang luha sa mga mata ko.

Nagulantang pa ako ng makarinig ako ng kaluskos sa may pinto. Dagli kong pinahid ang mga luha ko. Imposibleng ang asawa ko ito. May sariling susi si Naoki sa condo.

Dahan-dahan akong lumapit sa pintuan at sumilip sa peep hole sa may pintuan. Nagulat pa ako ng makita ko si Naoki na hindi halos makagulapay sa sobrang kalasingan at ngayon ay inaalalayan ng dalawang lalaki.

"Naoki, pare, gising ka na. Andito na tayo sa condo mo." dinig kong sabi ng isa.

"Hoy! Asan ba yung susi mo? Baka akala mo magaan ka ha" sabi naman ng isa pa sabay halughog sa attaché case ni Naoki habang patuloy pa ding nakaalalay dito. Muntik pa nga nitong nabitiwan si Naoki kaya muntik na ding natumba ang asawa ko.

That's when I decided to open the door.

Nanlaki ang mga mata ng dalawa ng bumukas ang pinto at mabungaran ako. Kung hindi lang sa sobrang pag-aalala ko kay Naoki, baka natawa na ako sa itsura ng dalawa. They were gaping at me like cartoon character.

" Sino ka?" maang na tanong sa akin nung morenong kasama nito na may hawig kay Zanjoe Marudo.

"Anong ginagawa mo dito sa condo ng best pare ko?" tanong naman nung isa na mas maliit pero may cute na mukha. Naaalala ko ang aktor na si John Prats sa kanya. Tapos ay agad pa nitong idinugtong.

Chasing My BishounenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon