SABB'S POV
Listen Carefully?
Matapos kong basahin ang mensahe ni Seb ay agad akong tumungo sa Forest, upang hintayin siya.
Pagkarating ko sa Forest ay agad akong nagahanap ng upuan na walang nakaupo, at nakahanap naman ako kaso parang hindi naman ako makakakilos na maayos dito, paano ba naman kasi katapat ko yung CCTV camera. Dibale na nga hihintayin ko nalang si Pogi.
"Hmmm, Good Afternoon everyone, this is Sebastian Lorevey Flores"
Nakakagulat naman ito! Kung may sakit ako sa puso panigurado nasugod na ako sa Clinic neto.
Ano daw? Sebastian? Lorevey? Flores?
"Sino ba itong hinayupak na yan?! At may pa speaker speaker pa siyang nalalaman" bulong ko sarili.
"Kyyaaaaah Si Sebastian!"'
"Sebastian"
"Good Afternoon too babe! Sebastian!!!"
Sigaw ng mga grupo ng mga kakabaihan sa likod ko! Siguro sikat itong Sebastian na ito. Matagal na akong nag aaral dito pero wala akong paki alam sa mga sikat sa School hayyy!
"Dati akala ko kung sino ang naunang nag pagibig sa atin ay sila na ang makakasama natin forever pero hindi pala, pinaglalaruan lang pala tayo ng tadhana."
Panimulang sabi ng nagsasalita sa likod ng speaker. Drama naman nito.
"Lahat tayo ay dumadating sa puntong masasaktan at masasaktan tayo, gustuhin man naten o hindi, wala tayong magawa kundi ang tanggapin ito, dahil maaring yung taong yun ay hindi nakadestino para satin. Yan ang sabi niya sa akin nong una kaming magkita, nagkita sa hindi inaasahan na pagkakataon"
Ehh? Yan yung sinabi ko kay Pogi e, grabe parehas siguro kaming pinagdadaanan neto.
"AWWWW!"
"Kawawa naman si Sebastian"
Narinig kong bulung bulngan sa gilid ko at likod ko.
Ang tagal naman ni Pogi! Gutom na ako!
"Hi Miss Cute, hahahaha wag kang aalis dyan sa pwesto mo ah bababa ako diyan mamaya pupuntahan na kita. Pasenya sa paghihintay. Ang cute mo talaga!"
ANO DAWWWWWW?!
CUTE?
Hindi naman sa assuming ako pero...
Ako ba yan?
Hayssst baka hindi naman? Nagkataon lang siguro. Oo nagkataon lang siguro.
Agad ko yung tinanggal sa isipan ko.
Wala pang ilang Segundo ay nagsimula na naman magsalita yung speaker.
"Ang cute cute mo talaga Renz Sabbani Fortes a.k.a SABB"
Matagal na talaga akong cute noh! Ngayon mo lang alam?
Agad akong napatigil sa pakikipag usap sa konsensya ko ng marinig ko ang Pangalan ko!
"Ang cute cute mo talaga Renz Sabbani Fortes a.k.a SABB"
"Ang cute cute mo talaga Renz Sabbani Fortes a.k.a SABB"
"Ang cute cute mo talaga Renz Sabbani Fortes a.k.a SABB"
"Ang cute cute mo talaga Renz Sabbani Fortes a.k.a SABB"
"Ang cute cute mo talaga Renz Sabbani Fortes a.k.a SABB"
Ilang beses nagpapaulit sa pandinig ko yung mga narinig ko!
BINABASA MO ANG
Unexpected To Have You
RomansaEvery girl deserves a guy who will do everything, who are willing to take the risk for her princess. Renz Sabbani Fortes is an architecture student whose new love story begins in an unexpexted way. She thinks first love never dies but in just one n...
