CHAPTER 16

96 50 5
                                    

SABB'S POV

Ang mga mabibigat na hininga sa studio ay dinig na dinig ng dalawa kong tenga, halos ni isa sa amin ay walang nakakibo sa mga salitang binitawan ni Sahbuh-nim patungo kay Moira. Nag bow si Moira bilang pagpapakita ng respeto sa mga nakakataas, pag katalikod na pagkatalikod ni Moira ay siyang hudyat ng ang mga maiinit na tubig sa likod ng kaniyang mga mata ay isa isang nagsibagsakan ng hindi na niya mapigilan. Ang mga malilikot kong mata ay nilibot ang kabuuan ng studio at kitang-kita ko ang mga ibang kababaihan sa studio ay nakisali sa pag-iyak ni Moira ngunit hindi mo madinig ang kanilang mga tinig.

Sinalubong ng mahigpit na yakap ng mga babaeng nabibilang sa puti si Moira na may mga luhang bumagsak sa kanilang mga pisngi, nakaramdam ako ng awa sa kanilang naranasan ngayon ngunit ganyan ang laban may mananalo at hindi pwedeng walang matatalo.

"White Section, Char-yut" buong boses sigaw ni Sahbuh-nim sa mga kababaihang nabibilang sa puti.

Tumayo ng tuwid ang mga kababaihan sa white section, ang kanilang mga mukha ay seryoso na nakatingin sa harapan.

"Sa naganap na pagsusulit noong nakaraang bakasyon, ang naging desisyon ng mga inimbitahan nating mga hukom at guro bsa iba't ibang oraganisasyon ay nakasaad na sa inyong limang babae na nabibilang sa puting seksyon ay ikaw lamang Moira Mendoza ang hindi nakapasa sa pagsusulit. Samantalang ikaw Unice, Tara, Hannah at Yena kayo ang nakapasa sa pagsusulit, maaari na kayong pumunta dito sa harapan."

Masayang tumungo ang grupo ng mga kababaihan ng puting seksyon patungo sa harapan maliban kay Moira na naiwan sa linya.

"Unice Yu, Tara Field, Hannah Castro and Yena Sandoval kayo ang apat na babae na nakapasa sa pagsusulit, pinaparating sa inyo ng mga Sahbuh-nim ng ibang oraganisasyon na tanggapin ninyo ng may tuwa ang inyo bagong rango. Mula naman sa Dojang of TKD kami ay nagagalak na kayo ay nakapasa sa nasabing pagsusulit. Ang pagtanggap ng bagong kulay ng inyong sinturon ay nagsisimbolo ng respeto, sana ay gamitin niyo ito sa tamang paraan."

Nakangiting wika ni Sahbuh-nim sa kanilang apat, hindi mapagsidlan ang tuwa sa apat ngunit sa kabilang banda ang kaninang umiiyak at hindi matanggap na resulta na si Moira ay tila nagtiim ang bagang at nag dilim ang paningin nito, nakita ng dalawa kong mata na kumuyom ang kaniyang mga kamao na tila ba nagsisimbolong susugudin niya ang kaniyang mga ka myembro, siya nawawala siya sa huwisyo.

MOIRA'S POV

Moira Mendoza

Tila ba nakaramdam ako ng galit at inggit sa mga nangyayari ngayon, madami akong katanungan sa aking isipan at ni isang sagot ay walang lumalabas. Tanggap ko na bumagsak ako sa pag susulit ngunit ang hindi ko matanggap ay bakit ang apat na babae na ka miyembro ko ay nakapasa, sa grupo ako nga pinakapaborito nilang apat, sa bawat training na ginagawa namin ay sila ang parating bumabagsak pero kung kailan sa pagsusulit na aking pinaghandan saka ako nabagsak, hindi absorb ng isipan ko ang mga nangyayari ngayon. Sa hindi ko maintindihang kadalihanan ang mga kamao ko kumuyon nalang basta basta. Nag tiim ang bagang ko at nagdilim mga paningin ko na tila nilalamon ako ng galit at inggit.

"Nagsisimula ka palang ganyan na ang ugali mo? Wag mo ng ituloy mapapahamak ka lang Moira" nagulat ako sa isang kamay na humawak sa galit na galit na kamao ko, halos magtayuan lahat ng buhok ko na banggitin niya ang panaglan ko.

Halos lumuwa ang mata ko ng makita ko kung kanino ang nagmamay-ari ng kamay na yun.

"K-kayumanggi"

Halos lumuwa ang mga mata ko ng lingunin ko ang nagmamay-ari ng kamay nakahawak ngayon sa kamao ko.

"Ako nga" matamis na ngiti ang binitawan niya sa akin.

Unexpected To Have YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon