SABB'S POV
Nagising ang diwa ko sa malakas na tunog ng alarm clock ko sa aking kwarto na nakapwesto sa may hindi kalayuhang lamesa kung saan siya nakapatong, inabot ko ito at aking pinatay kahit na ako ay nakapikit dala ng kagigising lamang. Ang mga mapupungay kong mata ay natatamaan ng sikat ng araw kaya hirap akong ibuka ang nag gagandahan kong mata.
Tumayo ako sa aking kinahihigaan at tinungo agad ang banyo ng kwarto ko upang makapag sipilyo at hilamos, tutal mamayang alas diyes pa naman ang simula ng klase ko. Bukod kasi sa banyo na sa kusina sa kabuuan ng condo ko ay mayroon ding banyo ang dalawang kwarto, kung saan natutulog ang kapatid kong si Veronica.
Pagkatapos kung isara ang isang side ng kurtina sa bintana ng aking kwarto ay sumalampak muli ako sa aking kama, at saka taimtim na inisip ang mga nangyari kahapon.
Dala ng pagkadismaya, may mga tubig akong naramdaman na bumagsak sa aking mga mata. Pilit ko mang pigilan tila mas lalong dumadami ang pagbagsak nito.
"Mayabang nga, iyakin naman" bulong ko sa aking sarili.
Naramdamam kong may mga brasong yumakap sa akin, hindi naman ako natinag dahil amoy niya palang alam kong si Veronica na ang nasa tabi ko, ni hindi ko man lang naramadaman ang kaniyang presensya na pumasok dito sa kwarto ko.
"Hoy, anong kadramahan yan ate?" pilit niyang tinitignan ang mukha ngunit aking itong tinatago at pasimpleng pinupunsan ang mga luha ko.
"Hala siya?! Bakit ka umiiyak?"
"Wala ito ano ba!" inis kong alis sa mga yakap niya.
"Drama neto! Wag ka ng umiyak ate! Strong tayo diba? Sabay nating babaliin mga buto ng umaaway sa atin diba?" mahinahong ngunit natatawang bira niya sa akin.
"Sira!" naka ngising tugon ko.
"Kaya tara na sa baba, bago pa lumamig ang mga niluto ko doon, kumain na tayo" agad niyang hinila ang kanang kamay ko palabas ng kwarto ko.
Pagkababa namin sa kusina ay agad kaming kumain ng kapatid ko.
"Ate ingat ha?" pamaalam sa akin ng kapatid mula sa pintuan ng aming condo.
Agad kong tinungo ang elevator ng condo tinitirhan namin. Pag kababa ko sa mismong lobby ay dumiretso na ako sa taxing naka abang sa baba.
I dialled Keith's number.
"Yow Morning Sabb, How's Veronica?" kay gandang bungad ni Keith mula sa kabilang linya.
"She's beautifully fine" I uttered.
"Keith, today is the first day, alam mo na mga gagawin mo ha?"
"Oo, pero yung napag usapan ha? Veronica babes is all mine" parang batang inagawan ng lollipop na tugon niya sa akin.
"Yes, sure" Nakangiting banggit ko sa kanya.
From: SEB
"Hi Sabb, Good Morning I miss you, yesterday hindi ka nag reply? See you later :*"
I received a text message coming from Seb, I read all the words that he construct. I smiled awkwardly about what he said and I felt my cheeks turns red.
Pagkababa ko sa taxi ay may natanggap akong tawag na nagmumula kay bading na Faus.
"Hello Faus? Bakit?" tanong ko.
"Puff Sabb, diretso ka dito sa Gazebo, wala daw Professor natin. Ingat ka."
"Andito na ako sa school, sige papunta na ako diyan" huling wika ko saka pinatay ang linya.
BINABASA MO ANG
Unexpected To Have You
RomansaEvery girl deserves a guy who will do everything, who are willing to take the risk for her princess. Renz Sabbani Fortes is an architecture student whose new love story begins in an unexpexted way. She thinks first love never dies but in just one n...
