CHAPTER 12

101 60 8
                                    


SABB'S POV

We are in the middle of our lunch, when a boy came up. Agad siyang pumunta sa tabi ni Seb, nagugulat ako sa mga nangyayare, and first of all I don't know who's this guy. Si Ivy ay pumuntang Comfort Room she suddenly felt something around her stomach daw.

"Hey bro, andito ka lang pala, woooh Hi there Sabb!" masayang bati niya sa amin ni Seb.

Hindi ako agad umimik, mukhang siyang masayahing tao, mukhang mabait na din pero mukhang bolero.

"Hello, I'm sorry but hindi kita kilala" napapahiyang tugon ko sakanya,

Bahagya pa siyang natawa at kung anu-ano ang binubulong kay Seb, na hindi ko malaman kung ano.

"Wala naming nakakatawa diba? Nagmumukha kang tanga" inis na wika ko sakanya at saka inirapan.

Nakita kong napalitan ang mukha niya nang pag aalinlangan.

"Im sorry Sa-"hindi niya naituloy sinasabi niya, bigla siyang napatigil at tumingin sa gawi ko.

Tinignan ko sa gawi ko kung sino yung tinitignan niya at laking gulat ko ng makita ko si Ivy na galit na galit ang mukha at salubong pa ang mga kilay.

"What are you doing here bastard?" kalmadong tono ang pagkakasabi ni Ivy ngunit mapapnsin mong may halong inis ang pagkakabigkas nito.

Hindi ko alam kung ano ang nangyayare, pero unang na isip ko lang ay hindi sila maayos ng kapatid ko.

"Ikaw?!" hindi maapaniwalang tugon ng kaibigan ni Seb

"A-ah tol si Ivy kapatid ni Sabb, magkakilala ba kayo?" singit ni Seb sa usapan.

Napatayo bigla yung kaibigan ni Seb, at kitang kita sa mukha niya ang bakas ng pagkagulat.

"Ikaw ba yung babae na bumili ng kaparehas ng desinyo ng tshirt na kagaya ko?" hindi makapaniwalang wika niya.

Sa una ay nagulhan ako, ngunit tila nakukuha ko na ang mga pangyayare pagitan sa kanilang dalawa.

"Maupo nga kayong dalawa!" wika ni Seb.

Agad na naupo yung kaibigan ni Seb, ngunit ang aking kapatid ay nanatiling nakatayo.

"Hoy Veronica, maupo ka na nga!" inis kong baling sa kanya.

"Salamat nalang ate, pero mas pipiliin kong mapag isa kaysa makasama ang mga lalaking nagpapakulo ng dugo ko" Wika niya sa akin ngunit ang mga matatalim niyang tinginay napako sa kaibigan ni Seb.

Binigyan niya ako ng limang segundo na tingin atsaka mabilis na umalis.

"Hoy san ka pupunta?" inis kong tanong sa kanya, hindi man lang siya nag abalang tignan ako pabalik.

Inis kong tinignan yung kaibigan ni Seb, at napapalunok na siya dala ng kaba at magkakaholong emosyon. Pati si Seb ay hindi umanoy alam ang sasabihin.

oOoOoOooOooOoO

"Lintek asan na si Veronica?!" Galit kong singhal sa dalawa kong kaharap, naramdam ko ang mga sulok ng mata kong biglang nag init, na tila ba may gusto kumawala! Kanina pa kami naghahanap sa buong mall ngunit ni anino o amoy niya hindi namin makita at maamoy.

"Sabb, sorry na oh" Nagmamakaawang salaysay ni Keith.

Naikwento sa akin kanina itong kaibigan ni Seb, na si Keith na nagka initan daw sila kanina sa isang pamilihan ng damit dahil daw iisa na lang yung stock ng damit, Lintek na damit yan! Nag aalala ako sa kapatid ko, kahit kaya niya ang sarili niya ay hindi maari may mga bagay na dapat niyang kontrolin.

"Kanina kasi, sinadya kong inisin siya, pero balak ko talagang bilhin yun at ibibigay ko sa kanya, para malaman ang tunay niyang pangalan" Nakanguso pang wika ni Keith.

"Wag mo akong ngusuhan diyan, para kang asong nauulol!" magkahalong inis at ngising baling ko sakanya.

"Sabb naman! Kasalan ko ba kung ganun kagaling pumana si kupido at tinamaan ako ng lubusan sa kapatid mo?" sinserong wika niya

Tila ba nabingi ang dalawa kong tenga sa mga narinig ko mula sa bibig ng mokong Keith na ito.

"Ano sabi mo?" pangtatama ko.

"Oo na Sabb, na love at first sight ako sa kanya" nakanguso na naman niyang baling sa amin, tinignan ko si Seb ayun ang loko ngingisi sa tabi.

Nakakalokong imahinasyon ang nakarating sa aking isipan, pagtripan ko kaya ang dalawang ito? May nabuong nakakalokong ngiti sa aking mga labi!

Umasta akong nasasaktan."Ganun ba Keith? Sayang naman, kanina kasi noong nakasama ka naming kumain, parang feeling ko gusto na din kita e, pero kapatid kop ala ang tipo mo, pero ayos lang masaya ako para sa inyong dalawa" peke at pilit na ngiti ang binitawan ko sa kanya.

Naramdam kong nagvibrate telepono ko sa loob sa sling bag ko, pahapyaw kong tinignan kong sino ang nagpadala sa akin ng mensahe, nabasa ko ang mensahe ni Ivy na naglalaman na nasa condo na daw siya, nakaramdam ako ng kaginhawaan, agad kong ibinalik ang atensyon sa dalawa kong kasama ngayon.

Kitang kita ko kung paano nanlaki ang mga mata ni Seb at napalitan ng nakakamatay na tingin patungo sa akin, Si keith naman ay mukhang gulat na gulat sa mga pinagsasabi ko. Sa loob loob ko ay wagas ang pagtawa ko pero pilit kong pinipigilan.

"Hoy sabb, ano bang pinagsasabi mo diyan andiyan yung manliligaw mo oh?!" Inis at galit na singhal nito sa akin.

"Kasalanan ko ba Keith? Eh damdamin ko to eh?!" pandagdag eksena ko sa mga nangyayari ngayon, si Seb naman ay hindi na maipinta ang mukha niya sa galit.

Nais ko pa sanang pahabin ang panloloko ko sa kanila ay hindi ko na magawa dahil naawa ako kay Seb parang maiiyak na siya at ito naman si Keith naiinis na din siya sa akin.

"Ganun ba? Hindi mo naman sinabi sa akin Sabb na si Keith ang gusto mo, unang kita niyo palang gusto mo na siya? Hanep, pero sige hindi naman kita masisisi e, isang hamak na manliligaw mo lang naman ako diba? wala pa naman akong karapatan sayo diba? Pasensya kana ah? akala ko kasi mas masakit na yung ipinagpalit ka sa iba at kinasal siya sa iba, pero hindi hamak pala na mas masakit yung unang araw palang ng panliligaw mo, feeling mo basted kana. Unang araw palang ng panliligaw mo sa niliigawan may gusto na siyang iba. Sige Sabb, Tol Keith enjoy kayo ah"

Gulat akong napatingin kay Seb, nakikita ko ang mata niyang nangingilid na sa luha. Nakamdam ako ng pagsisi at kaawaan sa kanya. Mali ata ang ginawa kong paraan.

"S-Seb" uutal utal kong tawag sa kanya.

"T-tol" uutal utal ding wika ni Keith.

"May sasabihin ka pa ba? Kung wala na ay, aalis na ako marami pa kasi akong importanteng gagwin kaysa magsayang ng oras na kasama ka" may inis at malamig na pakikitungo sa akin.

Naiiyak na ako at nasasaktan sa mga lumalabas sa bunganga niya, hindi man lang ako makahingi ng pasensya at sorry dahil hindi ko maibuka ang bibig ko.

"Mukhang wala ka naman ng sasabihin, kaya paalam na" malamig na baling niya sa akin saka tuluyang umalis patungo sa sasakyan niya.

*****

THANK YOU! SEE YOU ON NEXT CHAPTER!

Did you love this chapter? I hope you did! Show your support by simply clicking the little VOTE button to the left of your screen! It would mean a lot for me! Have a nice day ahead! Braves!

Unexpected To Have YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon