SABB'S POV
"Keith, paano ko siya kakausapin niyan? Nahihiya kasi ako sa ginawa ko sa inyo syempre mas lalo sa kanya." Nag aalangan at nagsisi kong tanong patungo sa kabilang linya.
Pagkatapos ng mga nangyari kanina ay hinatid ako ni Keith dito sa Condo ko, hanggang sa pinaka harap ng pintuan ng condo ko, ending nagalit ang magaling kong kapatid. Bago siya umuwi ay inexplain ko sa kanya lahat ng nangyari kanina ay biro ko lang, syempre nagalit siya tinanga pa nga niya ko eh!
"Kung hindi ka naman kasi kalahating tanga at kalahating topakin, Ikaw talaga Sabb, kung hindi ka lang nililigawan ng bestfriend ko, baka may nagawa na ako sayo, Eh ano pa bang magagawa mo? Hayaan mong patayin ka ng konsensya mo!" Inis na singhal nito sa akin mula sa kabilang linya.
Naiinis ako sa sarili ko at naiiyak ako dahil sa mga ginawa ko, ang tanga tanga mo naman kasi Sabb, sobrang lakas mong mangtrip.
"Keith naman e! Patulong naman na suyuhin siya" pagmamaka awa ko sakanya at basag na ang boses kong nagmamakaawa sa kanya.
"Patulong, patulong bahala ka sa buhay mo Sabb, hindi mo alam kung paano magalit yun" Pang iinis niya sa akin.
"Eh paano nga ba?" nagtatakang wika ko.
"Nangangain ng tao hahaahahahahaha!" wagas na pag tawa ang binitawan ni Keith mula sa kabilang linya. Isa ring may topak kung kalian seryoso ang mga tao saka nagloko.
"Loko, patulong na kasi! Sige na oh please Keith!" Desperada kong tugon na panghihingi ng tulong mula kay Keith.
Lintek talaga! Ang ganda ganda ng pinapakita sa akin ni Seb, tapos gaganunin ko lang.
"Eh sa ayoko nga eh ano ba—"pinutol ko ang sasabihin niya.
"Irereto kita sa kapatid ko, promise, peksman mamatay ka man Keith!" sinserong at mabilis kong sabi sa kanya.
"Oh, Ano nga ulit yun plano Sabb, kalian ba natin sisimulan ang plano mo kay Seb?" Kapatid ko lang pala ang tulay para mapapayag ang mokong na ito! Ibang klase ka kupido.
Pinili ko nalang ang manahimik, kaysa tumawa ng tumawa, baka mamaya bigla siyang umayaw.
"Tsssk, mukhang malakas tama natin kay kapatid ha?" inirapan ko siya, kahit hindi niya ako nakikita.
"Wag ka na ngang manloko diyan, dali na anong plano natin?" Atat na sabi neto sa akin, mula sa kabilang linya.
Ikinewento ko lahat ng plano ko sa kanya, hanggang sa simula at sa huli, gulat na gulat pa nga ang loko. Hindi ko alam kung bakit ganun kabilis nakuha ni Keith ang tiwala ko sa kanya, maaaring bestfriend siya ni Seb, pero hindi e kanina lang kami nagkita at nagkakilala, mayroong iba sa taong ito.
"Oh basta yung usapan ha? Wag muna nating papansinin si Seb sa loob ng isang buong linggo. Okies? Salamat talaga Keith ha? Ang bilis mong nakuha ang tiwala ko." Kahit hindi niya ako nakikita ay, binigyan ko siya ng matatamis na ngiti.
"Sige sige, ang drama mo naman Sabb, kaiyak ka beh hahaha biro lang, pero paano yun? Prelims pa naman natin, alangan hindi ko papansin? Paano na ang grades ko niyan?" tanong niya mula sa kabilang linya.
Sa loob loob ko ay, labis ang halaklak ko, nangongopya pala ito.
"Magreview ka wag puros mangongopya ang inaatupag!" magkahalong inis at natatawang wika ko sakanya.
"Biro lang naman e, na sa top kaya ito! Prelims kasi yun Sabb e, you know Seb needs an inspiration?" natawa pa ako sa accent niya, pero may halong pag aalala yung tono ng boses niya.
BINABASA MO ANG
Unexpected To Have You
RomanceEvery girl deserves a guy who will do everything, who are willing to take the risk for her princess. Renz Sabbani Fortes is an architecture student whose new love story begins in an unexpexted way. She thinks first love never dies but in just one n...