CHAPTER 20

88 37 7
                                    

SABB'S POV

Habang tinitignan ko siyang papaalis kung saan kami nang galing kanina ay may kung anong tumutusok sa puso ko, hindi ko mawari kung ano ito.  Ngunit parang katumbas nito'y ang sakit ng tusok ng karayom. Nasasaktan ba ako o ano? Ngunit aaminin ko na sa mga nakaraang araw na hindi namin pagkikita at pag-uusap ay hinanap ko din ang kaniyang presensya.

"Itigil na natin ito kung hindi mo siya kayang nakikitang nasasaktan"

Hindi ko na nilingon kung kaninong boses nanggaling yun dahil alam kong si Keith yun. Walang rason kung paano niya ako nakitang nandito ako sa aking kinatatayuan ngayon.

"Sinimulan ko, tatapusin ko" wika ko.

"Dobleng sakit yan Sabb, habang nasasaktan siya ay nasasaktan ka din"

"Kakainin mo din lang lahat ng sasabihin mo"

Naramdam kong may mainit na tubig na bumagsak sa kaliwang mata ko hindi ko inaasahan ang mga sinabi niya, masakit kong tinanggap ang mga iyo at sa kadahilanang nakatalikod ako ay hindi napansin ni Keith ang pagbasak ng luha ko. Tanging tapik lang sa balikat ang  iniwan niyang senyales ng kaniyang pag alis. Ang mga huling winika ni Keith ay nag rema sa akin, maaring tama siya ngunit maaring hindi rin.

Gulong-gulo ang isipan ko habang nakikita ko ang dalawang paa kong naglalakad patungo sa gazebo.
Pagkadating ko sa kinaroroonan ng mga kaibigan ko agad kong tinungga ang hawak na soft drinks in can ni Faus, walang sabi sabi ni hindi ko na hinitay ang kaniyang permiso. Halos mabilaukan ako ng aking sariling hininga pagkatapos kong habulin ito.

"Uhh-uhm" panglilinis ng danz ng kaniyang boses.

"Sabb!" galit na suway sa akin ng kaibigan ko.

Sa loob-loob ko napapa-aray na ako dahil sa paglukot ko sa can ng soft drink, ni hindi ko alam kung saan ko nakuha ang mga lakas upang malukot ko ang ganitong bagay.

"Sh1t Sabb! Dumudugo yang kamay mo!"

DANZ POV

"Kamusta po siya Nurse Sherine?" nag-aalalang tanong ni Seb

"Maayos na siya, ilang araw na pahinga lang ang kailangan niya upang mabawi ang lakas niya"

"Salamat po"

Isang maghalong tamis at mapait na ngiti ang binigay ko kay nurse Sherine.

"Oh ano? Masakit ba ha? ha?" inis kong singhal kay Sabb

"Sorry na.." paumahin niya.

Ilang araw na siyang lutang, matagal ko ng napansin ito hindi ko lang alam kung pati rin sina Faus at Chel ay napapansin ito. Tila may mali, hindi tila, talagang may mali!

Nauuna akong naglalakad sa kanila patungo sa aming klase, samantalang silang tatlo ay nasa likuran. May mga limang minuto bago mag simula ang klase kaya ganiyo ang lakad namin.

Pagkadating namin sa aming silid ay sandamakmak na tingin ang bumungad sa amin. May seryoso, may parang galit, may tsimis look ang kung anu-ano pa.

Anong kasalanan namin? Ano? Anong meron?!

"Saglit, bakit ba ang taray taray mo ngayon Danz?"

Sigaw ng konsesya ko. Napapapikit nalang ako sa sakit ng ulo.

"Badtrip ako, wag kang maingay Yahhhhhhh!"

Sigaw ko sa sarili kong konsensya.

Pinakiramdaman ko ang paligid ko at dahan dahan kong iminulat ang aking mga paningin. Laking gulat ko na lahat sila ay natahimik maaring dahil sa pag sigaw ko. Inilibot ko ang panigin ko sa apat na sulok ng aming silid patungo sa harapan at laking gulat ko na andun ang aking guro!

Unexpected To Have YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon