CHAPTER 15

103 55 8
                                    

SEB'S POV

Pagkatapos ng nangyari kanina ay dumiretso na ako pauwi sa aming bahay, ilang tawag ang nagmula kay Keith at Sabb, ngunit ni isa sa kanilang tawag ay wala akong sinagot, pati kanilang mga mensahe ay hindi ko binasa, sa mga oras na ito tanging sakit lang ang dumadaloy sa aking sistema. Pagkapasok ko ng bahay ay hindi ko man lang maramdam ang kagutoman, masyadong nagamit lahat ng enerhiya ko sa araw na ito, sinalubong ako ni mommy habang patungo ako sa sala at siya naman ay nanggagaling sa kusina, bakas sa kanyang mukha ang pag aalala ngunit sa mga oras na ito tanging ngiti na lang ang naging panukli ko sa kanya, hindi na ako nag aksaya ng segundo o minuto sa sala at agad akong nagmartsa pataas patungo sa aking kwarto.

Pagkasarang-pagkasara ko ng pintuan ng aking kwarto ay agad akong napasalampak sa sahig ng hindi ko man lang namamalayan, ang mga maiinit na tubig sa likuran ng aking mga mata ay nagsiunahang bumagsak sa aking mga pisngi, daig ko pa ang iniwan, napakuyom ang mga kamao ko sa sakit ng aking nararamdaman ngayon. Pinagsusuntok ko ang pader na tila ba nawawala na ako sa wisyo at inaasam kong tao ang aking sinusuntok, lumipas ang ilang minuto ay ramdam ko na ang hapdi sa aking mga kamao ngunit ito'y aking paring ipinagpatuloy, may mga ilang kulay pulang tubig ang nagsisilabasan sa aking mga kamao ngunit hindi ko na lang pinansin ito, ang mga tubig sa likuran ng aking mga mata ay patuloy na nagsisibagsakan, hindi ko malaman kong kailan ito hihinto, may kaunting hapdi at kirot na akong nararamdaman ngunit hindi magawa ng sistema kong tanggapin ang mga sakit na iyon, hindi ko man lang magawang inidain ang mga sakit at hapdi sa aking mga kamao.

"Argh! Argh! Ahhhhh!" sigaw ko sa buong kwarto habang sinusuntok ang pader ng aking silid. Nakarinig ako ng mabibigat na yabag ng paa papalapit sa aking silid.

"SEB! Anak! Okay ka lang ba? Please open the door, anak!" napatigil ako sa aking ginagawa ng marinig ko ang tinig ni mommy, patuloy ang pagkatok niya sa pintuan ng kwarto ko.

"I'm okay Mom, leave me alone!" walang ganang sagot ko sa kanya.

"Please Anak, open the door pag usapan natin yang problema mo"
Pangungulit ni mommy sa akin, ito na ata ang pinaka worst na pakikitungo ko kay mommy.

"Please mommy leave me alone!"

Narinig ko ang mga yabag ng kanyang paa papalayo at naramdaman kong nawala na ang presensya ni Mommy, kaya hindi na ako nag abalang tignan pa kong nasa pintuan pa siya o wala na. Tinungo ko ang banyo ng aking kwarto upang magkapag linis ng katawan. Habang nililinis ko ang mga sugat ko sa aking kamao ay may mga ilang nararamdaman akong hapdi at kirot.

Pagkatapos kong mag shower ay agad kong kinuha ang bote ng alak sa mini fridge ng kwato ko, sinimulan ko ng uminom ng mag-isa dito sa kwarto ko, lasap na lasap ko ang sarap ng lasa ng alak. Nakakatatlong baso na akong alak ngunit di ko ramdam ang tama ng alak. Habang tumatakbo ang oras ay siyang pag inom ko pa din ng alak ramdam ko na mabigat na kahiluhan sa aking ulo ngunit tila ba gusto pa ng katawan kong makatikim ng alak.

"L-ast s-hot para kay *hik* Sabb na mahal na mahal *hik* ko!" mapait na ngiti ang ibinigay ng mga labi ko at ang mga maiinit na tubig sa likuran ng aking mga mata ay nagsimula na namang bumagsak isa isa sa aking pisngi, sa huling pagkakataon ang mga sakit ay aking na naman naramdaman.

"Tama na" isang ma awtoridad at pamilyar na boses ang nag patigil sa akin sa pag lagok ko ng huling karga ng baso aking iinumin.

Dahan dahan kong nilingon si Keith sa aking likuran at bakas sa kaniyang mukha ang galit na galit na mukha. Nag dilim ang paningin ko ng nakita ko siya, boses palang niya talagang kilala ko na siya. Sa mga oras na ito ay pinakalma ko ang sarili ko na tila ba nawala ang pagkahilo ko sa dala ng alak.

Unexpected To Have YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon