CHAPTER 17

87 45 9
                                    

SABB'S POV

Pagkadating namin sa studio ay saktong katatapos naman nilang kausapin si Marina na nag-iisa lamang sa kulay berdeng seksyon. Ang aking kapatid ay dumiretso na sa harapan kung saan siya nabibilang at ako naman ay tumabi na kay Clarissa at ang pumila sa aking kinabibilangan.

"Kamusta ang mga pangyayari?" halos pabulong na tanong ko kay Clarissa

"Mabuti naman, lahat ay nakapasa maliban lamang kay Moira, ewan ko lang sa seksyon natin, kung ano ang naging desisyon nila" pormal na sagot niya sa aking katanungan.

"Mabuti" maikling tugon ko sa kanya atsaka ko binaling ang atensyon ko sa harapan at nakinig sa nagsasalita.

"BLUE SECTION, CHAR-YUT" malakas na sigaw sa amin ni Sahbuh-nim, tumayo kami ng tuwid at ni hininga ng bawat isa ay hindi mo marinig. Lahat kami ay nakatutok sa harapan.

"Kayo na ang pang huling kulay mga kababaihang nabibilang sa asul na seksyon, ngunit sapat nga ba ang mga ginawa niyo sa pagsusulit? Ang mga responsibilidad ninyo sa bawat isa, nagampanan niyo nga ba ng tama? Mga asul na kababaihan isa kayo sa mga hinahangaan ng mga kasamahan ninyong mga babae ngayon dito sa studio, sa inyong anim, tatlo ang magkakasama, dalawa ang magsasama at isa ang mawawala." Mahaba ngunit seryosong tugon niya sa amin ni Sahbuh-Nim.

Lintek ang kaba ko matapos kong marinig ang mga winika ni Sahbuh-nim sa amin, tatlo ang magkakasama at yung dalawa ay mag kakasama din, tapos isa ay mawawala? Lintek.

"S-shit" halos hindi madinig na bulong ko sa kawalan dahil sa dala ng kaba na nararamdaman ko sa aking dibdib dito sa loob ng studio.

Nakikita ng mga magaganda kong mata ang mga kasamahan kong babae dito sa studio, lahat sila ay seryoso sa aming nakatingin, para kaming nasa dancefloor na pinag ppiyestahan ng mga taga nood. Lintek!

Tatlong minuto na ang nakalipas ngunit hindi parin nagsasalita si Sahbuh-nim, hayop talaga tumakbo utak nito. Nakita ko ang mga kasamahan ko kung paano sila huminga ng mabibigat, kung ano ang kanilang nararamdaman ay ganun din ang aking nararamdaman ngunit sa hindi malaman na dahilan kahit anong pilit kong pakalmahin ang kaba ko sa dibdib ay hindi ko ito magawa.

"HANDA NA BA KAYO?!" seryoso at malakas na sigaw niya patungo sa amin, nabulagta naman ako at hindi ako nakasagot ng pabalik.

Nakita kong nagpipigil ng tawa si Veronica sa aming harapan pagkatapos niyang makita ang ekspresyon ng aking mukha ngunit tanging pag irap nalang sakanya ang kaya kong gawin sa ngayon.

"Nama, Sammy and Reva please come in front" seryosong bira niya sa kanilang tatlo.

Pagkadating nila Nama, Sammy at Reva sa harapan ay agad at sabay sabay silang nag bow sa harapan ni Sahbuh-nim at ganun din ang ginawa sa kanila ng guro. Kahit anong pilit ng tatlo na itago ang kanilang mga kaba ay hindi nila maitago ito, mga ilan ulit kong nahuling at nakitang napapalunok si Nama na tila ba gusto niyang magpalamon sa kinatatayuan niyang sahig. Si Sammy naman ay hindi maitago ang panginginig ng kaniyang tuhod, si Reva ay pirming kalmado ngunit tagaktak ito ng pawis kahit pa naka full air conditioned ang studio.

"White Section, Yellow Section, Orange Section and Green Section" Tawag niya ng atensyon sa mga ibang seksyon na kasama namin ngayon.

"Mula sa naging desisyon ng mga hukom na nanggaling sa ibat' ibang organisayon na ating inimbitahan, nais nilang iparating sa atin na kayo Nama, Sammy at Reva ay nakapasa sa nasabing pagsusulit, ngunit kayo ay mananatili sa asul na seksyon."

Pumapalapak naman lahat ng tinawag niyang mga seksyon. Lintek lahat sila ay nakapasa, sana ganun din kaming tatlong natitira. Si Clarissa at Gwen kinakabahan na at ako naman ay ganun din ang nararamdaman ngunit hindi ko ito pinapahalata.

Unexpected To Have YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon