SABB'S POV
Magtatanghali na pero kunot noo pa din akong nakatitig sa bintana, sa kawalan. Napapintig ang mga ugat sa sentido ko ng maalala ko na naman ang mga iwinika ni Seb patungo sa akin. He really wanted my precious hands wring his lovely neck. Pag joke time, joke time.
Kahapon, Isang buong araw akong nakasalampak sa higaan ko kung hindi naman ay sa sofa, nakakabagot. Lutang at walang kalakas-lakas na katawan ang ikinikilos ko. Nakakawalang-gana.
Agad akong napabangon sa pagkakasalampak ko sa aking higaan at dumiretso sa banyo upang makapaghilamos, maligo, magbihis ng damit at gawin ang dapat gawin ng isang dalaga.
"Papasok o bibista?" ani ko sa kawalan, pagakatapos lumabas ng banyo at dumiretso sa sala.
Sigh.
Hindi ko mawari kung ano ang pipiliin ko, kung papasok ako ay magiging lutang din lang ang eksena ko at si Seb din lang ang laman ng aking isipan, maghapon. Sa kabilang banda, pag-bibisita ako kakausapin ko ba siya? Baka maghapong walang imikan ang magaganap, nakakaloko.
Kunot-noo akong napatingin sa mobile phone ko nang dire-diretso itong nag-vibrate sa may hindi kalayuang center table.
Si Faus. "Hello Faus?" pormal kong sambit sa kanya.
Masyadong maingay ang background noise niya hindi ko maintindihan ang bawat iwiniwika nito.
"H-hello? S-Sabb" putol putol na linya.
"Hello? Bakit ba ang ingay diyan? Asan ka ba?" inis kong tugon, pwede namang umalis muna ng panandalian.
"Yan! Hello?! Hello? Sabb, malayo na ako sa maiigay. Kamusta ka na?" masinserong pahayag nito.
"Ano ba! wala na ba tayong alam na sabihin kundi Hello?" pabirong sambit ko.
"Pasensya" pigil tawa niya. "Kasama ko si Danz and Chel ngayon, nanonood kaming liga baka gusto mong pumarito?" masiglang tugon niya. Mukhang nagsasabi naman siya ng totoo dahil naririnig ko yung mga cheer and yung emcee na nag-aannounce ng mga winner at ng mga naka puntos sa laban.
"Ang kagandahan ko ay hindi nababagay sa ganyang mga event" muling biro ko. "Biro lang, hindi ako pwede e kung gusto niyo kayo nalang ang pumunta dito sa bahay ko" wika ko. Para naman mabawasan ang pag ka bagot ko.
"Loka ka! Wow! Nice! Good Idea. Saglit Inform ko lang yung dalawa" masigla at excited na sambit neto. "Bye!" at siya na mismo ang ng putol ng aming linya.
Ibinigay ko ang address kung saan kami nakatira ng kapatid ko, maski si Danz ay hindi kabisado kung saan ako umuuwi. Hindi naman sa ayaw kong sabihin sa kanya, pero mas mabuti na ang aming securidad. Hindi ko din naman sinasabing wala akong tiwala sa kanya, nag-iingat lamang.
Tatlong sunod-sunod na tunog ng doorbell ang tumunog sa speaker na nakakabit dito sa may kusina, naghahanda ako ng mga makakain namin, yung sakto lang para sa amin.
"Sandali lang" wika ko sa kanila. Habang pindot ko ang button malapit sa speaker kung saan ko narinig ang huni ng doorbell, ang condo ko kasi ay sadyang pinasadya kayat ganun na lamang ka hi-tech ang gamit ko dito. Ang button na ito ay nagsisilbing pindutan o speaker para marinig ka ng mga taong na sa labas.
Dali-dali kong tinahak ang main door ng aking bahay upang mapag-buksan sila at makapasok.
"Hi Renz!" malakas na sigaw sa akin ni Faus at Chel, pagkabukas na pagkabukas ko palang ng main door.
![](https://img.wattpad.com/cover/73461148-288-k250317.jpg)
BINABASA MO ANG
Unexpected To Have You
RomanceEvery girl deserves a guy who will do everything, who are willing to take the risk for her princess. Renz Sabbani Fortes is an architecture student whose new love story begins in an unexpexted way. She thinks first love never dies but in just one n...