CHAPTER 1

409 95 142
                                    

"Sabb, I'm getting married"

Apat na salita at benteng letra ang ng wasak ng buhay ko, lalong-lalo na ang puso ko. Hindi ako kaagad naka recover aaminin ko, masakit, na ganon na lamang ang ginawa nya sa akin, Alam mo yung feeling na maiwan sa ere? Yes naman! Oo masakit yung feeling na yun pero wala akong magagawa, sawa na siya. Wag ng pilitin ang ayaw baka pumayag.

"Sino na nga ba ang Sabb? Ang masayang sabb, ang bibong sabb, ang simpleng sabb, asan na?!"

Tanong ko sa aking isipan. Dahil maski ako hindi ko na makilala ang sarili ko. tanging ang besfriend ko ang katuwang ko sa problema kong ito. Pero minsan andun pa din ang pag ka bibo ko, pero hindi mo maaalis sa akin ang bakas ng lumipas. Haysst.

"Babe Sabb, ikaw lang ang magiging asawa ko, ikaw lang babe sabb ang papakasalan ko"

Naalala ko na naman ang mga katagang pinaniwalaan ko, mga katagang peke, mga katagang hanggang salita lang, mga katagang nakakapatay ng tanga, mga salitang inaasam asam ko, mga salitang nagbigay ng lakas ng syang naging dahilan ng pagbuhay ko araw-araw pero asan na ang taong nag sabi nyan? Nag-abroad? Ha.ha.ha. Nasa- klase? Nasa- trabaho? Natutulog?!

O-ohh baka naman nasa simbahan? At ikakasal na sa iba, at pagmamay-ari na ng iba.

"HA.HA.HA.HA"

Sarkastikong pagtawa ko sa sarili, para na akong baliw actually, nababaliw na ako sa kakaisip kung san ba ako nag kulang, kung ano ba ang nagawa kong kasalanan sa kanya, Wala I'm damn clueless!

Tuluyan ng nagsi unahan na tumulo ang mga luha kong kanina ko pa pinipigilan hirap pala pag pinipigilan lalong mas nararamdaman mo ang sakit. Sakit na syang nag sasabing palayain mo na ang sarili mo mula sa pagkakakulong sa buhay nya.

Alam kong hindi lang ako ang may ganitong experience maaring marami dyan mas malala pa sa nararamdam ko ngayon, kaya kong tapusin ito, kaya kong tanggapin ang lahat ng sakit, dahil ako ang Sabb na hindi na magpapaloko ulit. Ngunit magagawa ko nga ba?

Halika ka alamin mo ang bagong takbo at storya ng buhay ko matapos akong ipagpalit ng walang kwentang ex ko.

---------------

Sabb' s POV

Linggo, ala una ng hapon andito ako sa simabahan, marahil napapaisip kayo kung anong ginagawa ko dito, malamang nag sisimba ngunit hindi lang ang pagsisimba ang ipinunta ko dito, manunuod ako ng live show, pinaka paborito kong live show, yung iyakan, halikan, tapos yung mga bida naka pormal at naka trahe de boda, yung mga extra naka suot din ng pormal ang kabataang babae at lalaki, kompleto at masaya ang pamilya, may kumakanta ng live, astig nga e may pa-flowers effect pa ang nais.

Bahagya akong naiinis sa mga naiisip ko ngayon.

"Bitter alert sis!"

Sigaw ng konsenya ko, ngunit hindi ko na pinansin dahil baka pag kinausap ko ang sarili ko ay mapag kamalan akong baliw dito, actually kanina pa ako di mapakali dito, gusto kong magwala pero wala akong sapat na lakas para magawa yun dahil wala na akong karapatan diba? Ang kaya ko nalang gawin ngayon panoorin at lunukin ang eksenang maririnig at makikita ko.

"Sabb okay ka lang? You look pale, salubong yang kilay mo oh! tara uwi na tayo kung hindi mo siya kayang panoorin na kinakasal sa iba tara na"
maingat ngunit masinserong sabi sa akin ng bestfriend kong si Danz. Babae yan wag kang ano.

"No walang uuwi Danz, ngayon pa ba ako magiging mahina? Sabihin naten katangahan ang manood ng kasal ng ex ko! pero ito ang way ko para masabi sa sarili ko na ikasal man sila, maghalikan man sila, wala ng epekto sakin yun! Just pls danz. Dito ka lang sa tabi ko, please support me! Alam kong kakayanin ko ito. Ipaparamdam ko din sa kanya na kung gaano sya kasaya na ikinasal siya sa iba ay ipapadama ko din sakanya kung gaano kasakit ang mawala ako sa buhay nya." pigil na galit kong sinabi sa kanya. Nakakasawa na din, yung pagiging mahina kailangan lumaban ka din para di ka mag mukhang tanga!

Unexpected To Have YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon