SEB'S POV
There can be miracles when you believe
Though hope is frail, it's hard to kill
Huni ng isang babae, mala-anghel ang boses. Nakaka tunaw ng tuhod ang galing niya sa pag-awit, hindi man pang konsyerto ang boses ngunit sino mang makakarinig nito ay mapapa-ibig niya.
Pakiramdam ko, pagod na pagod na ako ngunit tila masarap ang naging tulog at pahinga ko.
Ilang minuto na akong gising ngunit mas pinili kong ipikit mo na ang aking mga mata at patuloy na pakinggan kung sino man ang kumakanta sa loob ng aking silid.
Nagulat ako ng may kung anong pinaghalong malamig at mainit na kamay ang dumapo sa aking mukha hindi ako nagparamdam na ako ay gising, ni isang kilos ay wala akong pinakita at nanatili akong walang kibo na parang tulog at walang nalalaman.
"Seb, ikalawang araw mo na ngayon oh, gising na babe" magkahalong lungkot at pagpipighati ang tono ng kanyang boses. "I will allow you to call me babe, once you open your eyes so come back to life, please" Nagmamakaawang maktol niya sa akin.
Mariin kong inalala ang lahat ng nangyare, at hindi naman ako nabigo dahil lahat ng nangyare sa mga nakalipas na araw ay naalala ko lahat. Simula nong pumunta ako sa condo ni Sabb, sa mga oras ng binigyan ko siya ng mga bulaklak, mapupulang mga rosas, magpasa hanggang sa pagddrive at ang mga sandaling kamuntikan ng magatagpo ang aming mga labi na naging sanhi ng aming pagka aksidente.
Mga ilang sandali lamang ay naramdaman ko ang malalambot at mamasa-masang labi ni Sabb sa aking ulunan at hinayaan ko lang siyang magtanim ng dalawa at higit pang mga halik. Masarap, masarap sa pakiramdam, sobra. At ang lolo niyo ay hindi maitago ang kilig, tuwa at kung anu-ano pang positibong pwede niyong isipin, ngunit hindi ako nagpapahalata.
Isang nakakalokong ideya ang sumagi sa aking isipan.
Bwahahahaha!
Dahan-dahan kong iminulat ang aking naggwapuhang mga mata, at hindi ako nagkamali mukha agad ni Sabb ang sumalubong sa akin. Nakapakaganda, makinis, mala-anghel, walang katulad, sadyang ginawa para sa akin.
Halos magsi-lundagan ang mata niya pagkatapos niyang makitang gising na ako sa pagkakatulog, ngunit nanatili akong seryoso.
"Seb? Seb! you're alive! Doc!" Sigaw niya sa buong silid, napaka-ingay, excited na tila hindi alam ang gagawin neto. May ganito pala siyang side, mas lalo akong nahuhulog.
"Ano may gusto ka bang sabihin? May gusto ka bang kainin? Asan ang masakit? Naiihi ka ba? halika sasamahan kita" Tuloy-tuloy niyang tanong, halos matuwa ako sa reaksyon ng kanyang mukha. Nakangiti, nagugulhan, hindi makapaniwala at kung anu-ano pa.
Your loudness is like a beautiful music to my ears.
Nawindang ako ng mag-rema sa akin yung mga huli niyang sinabi.
"Wala, wala akong gustong sabihin, wala akong gustong kainin, walang masakit sa akin. Oo naiihi ako pwede mo ba akong samahan?!" Inis na singhal ko sa kanya, pero syempre biro lang yun. Sana effective!
"O-okay halika, sasamahan kita" namumulang wika niya. Seryoso siya!
Bwahahahahahaha
Sa likod ng aking utak ay halos mamatay na ako kakatawa dahil sa mukhang pinapakita ni Sabb ay pulang-pula kulang nalang ay puputok na. Sa lahat ng babaeng nakita kong namula ang mga pisngi ay sa kanya ay sadyang higit na pinaganda.
Napatigil ako sa iniisip ko, doble ang bawat ibig sabihin nito. Iginalaw ko ang mga ulo ko mula kanan patungong kaliwa, upang maalis ang mga kabastusan sa aking isipan.
BINABASA MO ANG
Unexpected To Have You
RomanceEvery girl deserves a guy who will do everything, who are willing to take the risk for her princess. Renz Sabbani Fortes is an architecture student whose new love story begins in an unexpexted way. She thinks first love never dies but in just one n...