IVY'S POV
Halos maghabulan ang mga maiinit na tubig sa aking mata na bumagsak sa aking pisngi, hindi matanggap ng sistema ko ang aking mga narinig, nalaman at nasaksihan sa mga oras na ito. Kahit hindi pa dinedeklara na ang kapatid ko ang mawawala ay malinaw na malinaw na siya yung tinutukoy na may isang mawawala.
Narinig ko ang mga winika ni Sahbuh-nim kay ate. Pinapasunod niya ito sa Death Room kung saan andun pa ang mga ilang matataas na tao. Lintek lang andun si Master.
"Fortes sisters, follow me" ma awtoridad na utos sa amin ni Sahbuh-nim
Agad kong pinunasan ang mga luhang namasa sa aking mukha. Nilagpasan lang ako ng kapatid ko at dumiretso na din papuntang Death Room.
Pagkadating namin sa Death Room, ay wala na si Sahbuh-nim maaring nakapasok na siya sa silid.
"Ate, Okay lang ba?" seryoso at may pag-aalalang tono sa boses ko na tanong sa kanya.
"Isa kang malaking tanga kung kaya mong maging okay sa mga nangyayari ngayon" seryoso ngunit naka ngising sagot niya sa akin.
"Pasensya pasensya!" inis kong baling sa kanya.
Natahimik kaming pareho ng biglang may magsalita sa speaker sa tabi ng pintuan ng Death Room.
"Good Morning, what is your code?"
"Paransaek" nauna si ate total siya naman ang pinakamalapit sa pintuan.
"Bamsaek" sumunod ko namang wika sa speaker.
Agad na nagbukas ang pintuan ng death room at humakbang na kami papaloob. Pagkapasok ko sa loob ay hindi parin mawala sa akin ang pagkamangha hindi dahil sa pang mayaman ang itsura kundi kung gaano kayos ang mga furnitures, mga wall paints sa silid na ito. Sa una matatakot ka sa pangalan niyang death room ngunit pagkapasok mo ay mag iiba ang tingin mo.
"Ate kinakabahan ako huhuhu!" bulong ko kay ate.
"Para kang bata, umayos ka nga!"
Nakikita ko ngayon yung ibang nakakataas na rango na nag ssparring sa isang tabi, yung mga turning kicks, axe kick at kung ano ano pang mga kanilang gawin na hindi kayang gawin ng isang katulad ko.
"Ate ang galing nila oh, si first dan at second dan, dali tignan mo!" Excited kong wika kay ate ang kaniyang mukha ay seryoso pa din.
"Mas magaling ka diyan, mataas lang ang rango nila pero mas magaling ka diyan. Magtiwala ka lang sa kagandahan mo mahal kong kapatid" nakangising tugon niya sa akin.
"Badtrip ka talaga hahaha, pero salamat ah? Maganda ka din mas lamang nga lang ako." Halos hindi na marinig na tugon ko sa kaniya lalo na yung mga huling linyang sinabi ko.
"Narinig ko yun"
Napatahimik nalang ako sa mga sinabi niya. Naagaw naman ang atensyon namin ng bumukas ang isang pintuan sa silid na ito. Doon lumabas ang pinaka iingatan ng lahat at isa sa hinahangaan ng lahat. Lumabas doon si Fourth Dan siya ang isa sa pinaka mataas na rango ngunit si Master ang pinaka mataas sa lahat at pinaka hahangaan ng lahat.
"Char-yut" sigaw niya sa amin.
Lahat kami ay tumutok sa kanya pagkatapos niyang kunin ang mga atensyon ng mga taong nasa loob ng silid na ito patungo sa kanya. Nagsimula na siyang maglakad pabalik-balik, bakas sa kanyang mukha ang paggiging seryoso.
"Fourth Dan, Rye Madrid. Good Morning Everyone." Panimula niya.
"Good Morning Fourth Dan" Sagot naming pabalik at saka nag bow sa kaniyang harapan, showing of respect.
BINABASA MO ANG
Unexpected To Have You
RomanceEvery girl deserves a guy who will do everything, who are willing to take the risk for her princess. Renz Sabbani Fortes is an architecture student whose new love story begins in an unexpexted way. She thinks first love never dies but in just one n...