SABB'S POV
"Good Morning my sabb, Mahal na mahal kita Sabb kahit si Keith ang gusto mo. Liligawan pa din kita, I miss you"
Ang mga maiinit na tubig sa likuran ng aking mata ay para bang gustong kumawala ngunit kahit anong pigil ko ay bumagsak parin sila isa isa, tinutukan ko muna ng mga ilang segundo ang mensahe na ng galing kay Seb, agad ko ding pinunasan ang mga luhang bumagsak sa kaliwang mata ko matapos kong basahin ang mensahe na galing kay Sebastian. Hindi na ako nag abalang palitan ang mensahe niya dahil may mga plano na ako upang mapatawad niya ako.
Inayos ko ang sarili ko, pinunasan ko ang mga luha ko na tila ba parang walang nangyari. Huminga ako ng malalim na malalim at pumikit ng mariin habang hawak hawak ko ang door knob ng studio. Ang mga kamay ko ay namamasa habang hawak hawak ko ang door knob ng pintuan. Suot suot ko ang itim na t-shirt ko, itim na sneakers at puting pantalon at hinayaan kong nakalaylay ang magkahalong itim at pula na buhok ko. Dumaan ako sa isang pamilihan ng damit upang paghandaan ang pagharap sa mga nakakataas.
Maingat kong pinihit ang door knob at narinig ko ang maliliit na tinig na nagmumula sa pintuan. Pag ka pasok ng isa kong paa ay napatigil ako at nagulat ako ng makita ko ang mga kapwa ko babae na nandito at bakas sa kanilang mukha ang mukha ng isang seryosong tao. Sinalubong nila ako ng seryosong tingin lahat sila ay napako ang tingin sa akin ngunit agad din nila akong tinantanan, kumulubot ang noo ko at nagsalubong ang nagagandahan kong kilay patungo kay Clarissa, sa isip ko ay tinatanong ko siya kung bakit andito lahat ng mga kababaihan. Tila ba nakuha niya ang gustong ibig sabihin ng mga ekspresyon ng mukha ko kaya sabay niyang itinaas ang dalawa niyang balikat nangangahulugang hindi niya alam.
"Magbihis kana" muntikan ko ng masapak kung sino man yung tao na bumulong sa akin, lintek ang gulat ko ang bilis ng takbo ng dibdib ko.
"Wag mong ugaling ginugulat ang isang tao" wika ko sakanya kahit nakatalikod ako sa kanya.
"Paumanhin asul, napag utusan lang." huli niyang binitawan mga salita at naramdam ko na nawala na ang kanyang presenya.
Agad kong tinungo ang kwarto ng mga babaeng asul, upang magpalit ng damit. Agad kong hinubad ang pang itaas ko at sumunod ay ang sapatos, medyas at pantalon ko. Tanging saplot na lang ng aking hinaharap at saplot sa aking pagkababae ang suot ko ngayon. Pinag masdan ko ang sarili ko sa malaking salamin na kaharap ko ngayon, naglakbay ang kaliwang kamay ko sa kaliwang pisngi ko, naalala ko ang mga halik ni David, hinayaan ko namang ang kanang kamay kong maglakbay sa aking pinaghalong itim at pulang buhok ko, ang paghaplos niya ng buhok ko ay nag lalarawang aalagaan daw niya ako. Malaki ang respeto sa akin ni David, hindi pa niya nakuha ang pagkakababae ko at una kong halik sa aking mapupulang labi, handa akong ibigay sa kanya, pati ang kaluluwa ko ngunit sa ngayon ay hindi na maari dahil tapos na ang lahat.
"Hoy! Wala ka sa club!"
Napapikit ako sa gulat ng sumigaw si Clarissa mula sa aking likuran.
"Lintek ka, una ay yung si Kazzy ang nang gulat sa akin tapos ngayon ikaw naman? Gulatan ba ngayong araw?" Inis na wika ko sa kanya.
"Pasensya, oh bakit anong mayroon sa mukhang yan?" tanong niya sa akin.
Siya si Clarissa matalik kong kaibigan dito sa Studio, maliban kay Danz siya ay isa ko ding matalik na kaibigan.
"Ano bang mayroon sa mukha ko? Bukod sa pagiging maganda, wala ng pinobrlema ang mukha ko" naka ngising baling ko sakanya habang sinusuot ang puting pang itaas ko.
"Ay wow! Hayop sa kahanginan ang lola mo!"
Inirapan ko nalang siya at tuluyang isinuot ang puti pang ibaba ko.
BINABASA MO ANG
Unexpected To Have You
RomantizmEvery girl deserves a guy who will do everything, who are willing to take the risk for her princess. Renz Sabbani Fortes is an architecture student whose new love story begins in an unexpexted way. She thinks first love never dies but in just one n...