CHAPTER 11

94 58 5
                                        



IVY'S POV

"Sige, Kitakits tayo sa food court"

Huling sabi ng ate ko at agd kong ibinaba ang telepono ko. Bago ako tuluyang pumunta sa food court ay dumaan muna ako sa Comfort Room, ito yung Comfort Room na bilang lang pupunta kasi masyadong tago.

Agad kong sinimulan ang pagpahid ng pulbos sa makinis kong mukha, sumunod ay ang pagkulay sa mapupula kong labi at huli ay ang pagsusuklay sa napakahaba kong buhok, ganyan dapat ang magaganda, hindi mukhang haggard.

Tila ba guminhawa ang mundo ko, pagkatapos ng pangbabadtrip sa akin ng lalaking nakasabay kong bumili ng damit.

Pagkalabas ko ng comfort room ay masaya at nakangiti akong binati ng isang janitress "Ang kinis at ang ganda ganda niyo naman po maam"

"Salamat ate" nakangiting tugon ko sa kanya.

Mabilis akong nagalakad patungo sa food court, ngunit hindi pa rin maalis sa paglalakad ko ang poise ng isang babaeng maganda. Nakikita ko ang mga lalakeng laglag ang panga pagkatapos ko silang madaanan sa mga sections ng damit.

"Hi Miss" isang nakakalokong ngiti ang binitawan ng isang costumer na lalaki sa akin.

Hindi na ako nag abalang sagutin pa ang isang ito, dahi isa siyang aksaya ng oras.

Nilibot ng mga magaganda kong mata ang kabuuan ng food court, sa harap sa likod at sa gilid gilid upang hanapin ang ate ko, hindi naman ako nabahala nakita ko siyang tatawa tawa sa isang banda.

Agad akong lumapit sa kinaroroonan niya at makikita mong gulat na gulat ang mukha. Ngayon lang ba siya nakakita ng maganda. Ate talaga. Tsk.

"I-Ivy? Andito kana pala upo ka" napapautal na wika ni ate.

Agad kong nilapag ang mga dala ko at ang bag ko sa lamesa at naupo sa tabi ni ate.

"At sino naman itong kasama mong gwapo ate? Ganyan na pala ah, nagtatago ka na sa akin" pabiro kong tanong sa kanyaat napaisip naman ako na baka ito yung ka meet niya.

Nakita ko naman na parang napahiya at napayuko itong lalaking kasama namin.

"A-ahh. Siya si Seb, Seb si Ivy kapatid ko. Ivy si Seb schoolmate ko" pagpapakilala ni ate. At saka inilahad ang kamay ko sakanya para makipaag kamay, at ganun din siya.

"Ivy Veronica Fortes po, kapatid nitong mas maganda sa akin na nilalang na katabi ko." Natatawang wika ko sa kanya. "At dahil kaibigan ka ng ate ko, sige pwede mo akong tawaging Ivs" pahabol na wika ko sa kanya.

"Ahh hehehe yeah, I'm Sebastian Lorevey Flores. You can call me Seb, Baste, Bast kahit ano hahaha. Hello Ivs. Nice to meet you." Masayang tugon niya sa akin.

Ito na pala ang schoolmate ngayon ah, magkasama sa mall. Natatawa ako sa iniisip ko pero mas maganda kung magtanong kaysa nanghuhula, tapos biglang mali pala mahirap na baka mapahiya ang kagandahan ko niyan.

"Kuya Seb, ikaw ba yung kameet ng ate ko, na ka 'schoolmate' niya daw?" Nakakalokong intriga ko sa kanya, at nakitang kong napapalunok siya sa kaba.

"Ivy ano ba!" inis na bulong sa akin ni ate.

"Dali kuya ano na? Diba mag kaibigan na tayo?" nakakalokong tanonong ko sa kanya.

"A-ahh yeah, ako yung kameet ng ate mo, and yes we're s-schoolmate" napapatulala at nauutal na wika niya.

Paanong nangyareng Schoolmate ang kasama niya ngayon? Hindi lumalabas si ate na may kasamang lalaki, except kay EDWARD pero wala na sila, kaya nagtataka ako na may kasama siyang lumabas na lalaki.

Unexpected To Have YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon