CHAPTER 7

134 70 10
                                    

SABB'S POV

"Ito po si DJ Gracia Pantasya, MOR MOR MOR sa umaga, Good Morning Baguio, Central Luzon, Palawan and the rest of the world, ito ang MOR sa umaga!"

Nagising ako sa malakas na paradio ng kapatid ko at bunganga ni DJ Gracia Pantasiya, pero kahit maingay yan, magaling yan magpatawa.

*krug-krug*

"Urghh hindi pala ako nakain kagabi!" nasabi ko sa sarili.

Bakit hindi ba ako ginising ni Ivs?

Bumangon na ako sa kinahihigaan ko, at pumuntang banyo upang makapag sipilyo at makapag hilamos ng mukha. Habang nakatingin sa salamin ay maayos kong inayos ang buhok kong gulo gulo kanina. Palabas na ako ng banyo ng marinig kong sumigaw ang kapatid ko.

"ATEEEEEEE, GISING NA, EAT NA US!" malakas na sigaw neto sakin.

Hindi ko na siya sinagot, mabilis akong bumamaba patungo sa kusina, para makakain na.

"Mula kay texter 981, para po sa akin DJ ang hahawakan ko po habang nag momove on ay papel at ballpen para po doon ko po isusulat yung mga nangyayrare sa akin habang nag momove on, tapos pag fully recovered na po ako, susunugin ko na po"

Narinig ko ang boses ni DJ Gracia habang binabasa ang mensahe ng texter habang ako ay patungo sa kusina.

"HOY, ANO DAYDREAMING PA DIN ATE? MANGANEN BES!" malakas na sigaw sa sakin ng kapatid ko.

"Sorry na ito na e, nakikinig lang ako sa sinasabi ni DJ e" pag hingi ko ng pasesnya sa kapatid ko.

Habang kumakain kami ay sinabi sa akin ng kapatid ko ay hindi na niya ako ginising kasi ang sarap daw ng tulog ko kaya hindi na siya nag abala pang gisingin ako.

"Nga pala ate ano oras pasok mo ngayon?" pag iiba niya ng eksena.

"Mamayang alas diyes pa tapos ang uwi ko ay alas dose na, imbes na mamayang alas singko pa ay hindi na kasi may meeting daw ang university, tapos bakanteng oras ko ay ala una hanggang alas tres. May imemeet ako." Mahabang paliwanag ko sa kanya.

"Edi parang, bakante mo na hanngang alas singko, kasi diba may meeting ang professor sa university niyo?"

"Ganun na nga" naka ngiti kong sabi sa kanya

"Eh, sino naman nag imemeet mo ate?" nakakalokong tanong niya

"Hmmm, something special hehehe"

"Si Edward David ba yan ate? Aguuuuuy! Magdadate sila"

Agad na napalitan ang mood ko, kanina natutuwa ako pero pagkarinig ko palang ng pangalan ng ex ko nakakawalang gana. Wala palang alam ang kapatid ko.

"Wala na kami, kasal na siya sis" masayang sabi ko sakanya.

Hindi ko alam kung bakit bigla na lang naging masaya ang pagsagot ko sa kanya.

"What?! Eh bat ang saya mo, kanina nag iba pa mood mo?"

"Ganuna talaga sis, tayong magaganda hindi dapat iniiyakan ang mga walang kwentang lalaki, pak pak diba?" paghahalo ko ng biro.

"True sis hahaha! Date tayo mamaya pwede, pagkatapos mong ma meet yung imemeet mo?"

"Hmm pwede, text ka mamaya pag na sa mall kana."

"Yeheeey! SIge ate, maligo kana 9:30 na oh, ako na bahala sa hugasin" masaya niyang sabi.

"Sige salamat sis."

Unexpected To Have YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon