Nagsimula na ang klase, ang unang semester sa college life ni Anne.
Kahit pa bago pa lang ang dalaga sa unibersidad ay naka-adjust naman ito dahil sa mga room mates niya at mga kaklase na naging close agad niya.
Halos lahat kasi ng mga nakilala niya ay galing din probinsya kaya naman naging malapit agad ang mga ito.
Hanggang sa lumipas ang ilan pang linggo na di nakapagtext o nakakapagusap man lang sina Macky at Anne, naaalala pa rin siguro ng dalaga ang di sinasadyang paghalik nila sa labi.
Dumating na ang simula ng isa sa mga sports league na kalahok ang kanilang unibersidad, at di inaasahan ni Anne na sa pagpunta nila ng mga kaibigan sa Araneta upang manuod ang basketball fight ng kanilang university ay makikita niya si Macky na mukhang kasama rin ang mga kaibigan nito.
lumapit ang binata, walang nagawa si Anne kundi ang kausapin rin ito.
_________________________
"Uhhmm, hi? kamusta na?" pagbati ni Macky sa dalaga
Tinginan naman ang mga kasama ni Anne at nagtaka kung sino ang gwapong lalaki na kumakausap sa kaibigan nila
"Ahhh.. eto okay lang naman. Ikaw?" sagot ng dalaga
"Okay lang rin. Buti nanuod kayo? Kahit talo naman lagi ang school niyo pag basketball" nakangiting pag-asar ni Macky kay Anne
"Oh? Talo pala sila lagi. pero sa cheerdance naman kami ang laging first no" ang pagbawi ni Anne
"Di rin." nakangiti pa ring sabi ni Macky
"Pre, pakilala mo naman kami" biglang lumapit ang mga kasama ni Macky
Pinakilala nga ni Macky ang mga kaibigan niya, ganun din ang ginawa ni Anne
_________________________
Pagkatapos ng panunuod nila, nagkayayaan kumain ang grupo ng dalawa
Malapit na rin umuwi ang grupo nila Anne dahil pagabi na, pumunta lang sa c.r ang dalaga ng..
Paglabas nito ay wala na ang mga kasama.
_________________________
"Oh my Gosh!" gulat na sinabi ni Anne ng mapansin na wala na nga ang mga kaibigan
"Nauna na sila, nagmamadali na ata" sabi ni Macky
Nagpaalam na rin ang mga kasama ng binata
Lumapit si Macky kay Anne
"Hatid na kita bestfriend" sabi ni Macky
Nagulat naman si Anne ng tumingin kay Macky dahil medyo malapit na ang mukha nito sa kaniya at di niya alam kung bakit feeling niya nahihiya siya sa bestfriend niya
"Ahhh... sige" mahinang sabi ni Anne na medyo nakayuko
"Tara na" sabi ni Macky na nagsimula nang maglakad
Sumunod naman ang dalaga
(Bakit kaya nauna na yung mga yun?) napaisip si Anne
_________________________
"Buti na lang andiyan ka, di ko alam umuwi pabalik." sabi ni Anne
"Kaya nga e" nakangiti naman na sabi ni Macky
"Teka, gagabihin ka na pala pag hinatid mo ko. Ituro mo na lang kaya sakin yung sasakyan" sabi ni Anne habang sumasakay na sa kotse
"Okay lang. Wala namang pasok bukas. Isa pa, miss na kita" walang gatol na sinabi ni Macky kay Anne sabay start ng kotse
Napatitig naman ang dalaga kay Macky, pakiramdam niya mas nahihiya pa siya ngayon kesa kanina, at kumakabog ang dibdib niya, di alam ni Anne kung bakit.
"Bilisan na lang natin, para makauwi ka ng maaga" sabi ni Anne
"Okay" sabi ni Macky sabay mabilis na andar ng kotse
_________________________
Ang huling natatandaan ni Anne, nakatingin lang siya sa bintana ng kotse habang tinitignan ang mga malls at buildings na nadadaanan. Hindi niya namalayan na nakatulog na pala siya.
Pagmulat ng mata ng dalaga, nagulat siya na makitang nakatitig at malapit ang mukha ni Macky sa mukha niya.
"Uy, gising ka na pala" sabi ni Macky sabay balik sa pagkakaupo
"Ahh.. nasaan na ba tayo?" sabi ni Anne kahit gulat pa sa nangyari kanina
"Gigisingin na sana kita, andito na tayo bestfriend" paliwanag ni Macky
"Ah sige, salamat bestfriend." sabi naman ni Anne, sabay labas ng kotse ni Macky at pinagbuksan ang dalaga
"You're welcome bestfriend" sabay halik sa pisngi ni Macky
"Good night" sunod na sinabi ni Macky
"Sige, good night din. Ingat ka ah" sabi ni Anne sabay tuloy na sa dorm niya
(Hinalikan na naman ako ni mokong, ano ba tong dibdib ko kumakabog na naman!) sabi ni Anne sa sarili habang naglalakad papunta sa dorm
_________________________
"Uy Cecile, bakit niyo ko iniwan kanina?" sabi ni Anne sa room mate pagpasok sa kwarto nila
"Ah.. eh.. siyempre para magkasama naman kayo ni bestfriend mo no." paliwanag ni Cecile
"Kayo talaga, buti na lang andun yun. Di ko kaya alam umuwi" sabi ni Anne habang nagaayos ng sarili
"Kaya ka pinaiwan, este iniwan ka namin para makabonding ka ni Macky boy mo" natatawang sabi ni Cecile
"Hay nako, next time ah. Wag niyo na kong iiwan. Saka anong macky boy ko?" sabi ni Anne
"Hahaha, macky boy mo. Wala! Nevermind na lang friend" sabi na lang ni Cecile
"Ano, kamusta naman pala ang pagsasama niyo? Mahal mo na?" nagulat si Anne sa sinabing yun ni Cecile na ngayon ay nakaupo na sa kama niya habang nagpapalit ng damit ang dalaga
"Huh?! Nakakagulat ka naman. Mahal?" pasigaw na nasabi ni Anne
"Yeah, bakit hindi ba? Sa gwapong yun ni Macky wala kang gusto? Akin na lang yun hahaha" sabi ni Cecile
_________________________
Sabay balik ni Cecile sa higaan para matulog na.
Pagkahiga naman ni Anne, napaisip siya.
(Mahal? Mahal? Macky? Mahal ko si Macky?! Hindi ah. Hindi kaya..) sabi ni Anne sa sarili sabay nakatulog na marahil sa pagod.
To be continued...

BINABASA MO ANG
One Summer Love (On-going)
Teen FictionA love story that blossomed on a summer morning. Through hardships and trials, will it prevail?