Nagpatuloy si Anne sa paglakad palayo sa restaurant.
Gusto man niyang bumalik dun at magpayakap ulit kay Macky, hindi na niya magagawa dahil WALA NA.
Napakaraming buwan na ang lumipas para ngayon pa siya magsisi.
Ilang minuto rin siyang naglakad hanggang sa makakita ng taxi.
Nag-ayos ang dalaga ng sarili pagkasakay sa taxi.
---
Kinabukasan:"Kamusta?" text sa akin ni Ces na bumungad pagkagising ko
Nagisip-isip muna ko kung KAMUSTA nga ba ko?
"Okay lang. I guess I won't be in the office today. Baka umabsent ako. May lagnat ata ako bestie" reply ko kay Ces
"Do you need company? Punta ko diyan. Na-miss ko na rin luto ni tita e" sagot naman ni Ces
"Wag na. Baka may puntahan din ako mamaya, relax mag-isa. I think I need this day to be alone" reply ko naman
"Okay. Ingats. Just text me if you need someone to talk to haha" sabi naman ni Ces na hindi ko na nireplyan
---
Ganun nga ang nangyari, pinili kong mag-relax at pumunta sa isang mall sa Makati.
Nakakita ako ng facial care center kaya nagpa-facial ako. Di ko alam kung first time ko to pero parang may naalala ako na ginawa na namin to dati ni Macky.
After the facial, pumunta ako sa isang coffee shop.
At di ko naman inaasahan na makita sila...
Si Macky, Pamela, at ang anak nila...
Buhat buhat ni Macky ang bata at mukhang masaya sila...
Akala ko hindi na nila ako mapapansin pero mukhang ganito naman lagi ang tadhana.
Una nakita ako ni Pam at tila nagulat siya, gaya ng dati tinarayan lang ako ng babae ngunit di ko naman inasahan na pati si Macky makikita ako.
Tumayo ako at nagmadaling lumabas sa loob ng coffee shop pero narinig ko pa rin ang pagtawag sa akin ni Macky.
Napabuntong hininga muna ako bago humarap sa kanila.
"Ah... Uuwi daw si Kuya Alvin in a day or two. Gusto ka daw niyang makausap. Just send him a mesage na lang siguro sa facebook. Pinapasabi niya lang, buti nagkita tayo dito." sabi ni Macky na hindi na nagawa pang makalapit sakin.
"Sige... ah... mauna na ko" sabi ko sabay nagmadaling naglakad palayo
"Awkward" sabi ko na lang sa sarili ko
---
Nakakita ako ng foot spa bago pa ko makalayo ng tuluyan.
"Thank You Lord" sambit ko sabay pasok sa loob ng spa
Napaisip ako bigla kung ano nga pala ang sasabihin sa akin ni Alvin.
Sana lang kung ano yun, magandang bagay sana.
Hindi ko na yata kakayanin kung hindi.
---
Lumipas ang buong araw na hindi ko chineck ang phone ko. Iwas stress kumbaga..
Umuwi ako ng bahay na hindi na kinausap sina mama at papa.
BINABASA MO ANG
One Summer Love (On-going)
Teen FictionA love story that blossomed on a summer morning. Through hardships and trials, will it prevail?