Chapter 4

14 0 0
                                    

"Uhmm.." nagising si Anne, masakit ang ulo siguro may hangover pa sa pag-inom ng barkadahan nila kagabi.

(Nakita ko ba si Macky kagabi?) tanong ni Anne sa sarili, hindi siya sigurado pero parang nakita nga niya ang best friend sa club kagabi bago siya nawalan ng malay.

Hindi niya rin alam kung paano siya nakauwi.

Pumunta naman ang dalaga sa may salamin at nag-ayos muna ng sarili at naalalang..

"Oh my!!!" napasigaw si Anne sabay tingin sa orasan sa kwarto nila, 8 AM na.

Nagising naman si Ces pati ang iba nilang room mate

"Argh!!" sabi ni Ces na mukhang mas masakit pa ang ulo kay Anne

(Nako kailangan ko pa lang i-text si Macky, asar!!!) wika ni Anne sa sarili sabay kuha ng cellphone niya at tinext nga agad-agad ang best friend niya

_________________________

"Best Friend, sorry kakagising ko lang. Pasensya na ah. Ingat ka pauwi" sabi ni Anne sa text

"Good Morning :P" reply agad ni Macky

Nagulat si Anne dahil ambilis mag-reply ni Macky

"Pauwi ka na ba? Nasaan ka na?" reply ni Anne

"Secret :D"

sagot ni Macky sa text

"Huh? Magaayos na ko. Text mo na lang ako kung nasaan ka. Loko to. Good Morning din pala :P" reply na lang ni Anne na may ngiti pa sa labi

_________________________

Nag-ayos nga ng sarili si Anne, nagmadaling pumunta sa banyo para maligo.

Pagbalik sa kwarto ay nagbihis agad

Nakita naman niyang nag-aayos na rin ng gamit si Ces

_________________________

"Girl, parang best friend na rin kita. Yung suot mong shorts saka sapatos kagabi itago mo na." sabi ni Cecile

"Ah. Salamat, teka.. Wala yung sapatos dito eh." sagot naman ni Anne na nagtataka kung nasaan nga ba yung sapatos

"Makikita mo rin pag paalis ka na" sabi ni Ces na mukhang kaduda-duda

Maya-maya pa'y nagtext si Macky:

"Best friend, di ka pa ba tapos?" sabi sa Text

Buti na lang at paalis na rin si Anne kaya nakapagreply agad siya

"Paalis na nga ko e" reply ni Anne

"Sige. Labas na! :D"  sagot naman ni Macky sa text

"Ano? Labas na daw ba? Kanina pa naghihintay yun mga 5 hours na siguro LOL hahaha" sabi ni Ces na may dalang twalya at maliligo na 

"Huh? Nako. Sige Girl, salamat ah. Text text na lang. Bye mwah!" paalam ni Anne kay Cecile, sabay beso ng dalawa

_________________________

Nagmamadaling lumabas ng dorm si Anne dala-dala ang isang malaking bag at shoulder bag

Nagulat ang dalaga na makita si Macky na nakasandal sa kotse niya at nakatingin sa dalaga

Lumapit ang binata at pagkalapit ay binuhat ang bag ni Anne

One Summer Love (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon