Ilang linggo naman bago ang simula ng semester ay bumalik na agad sila Macky sa Manila upang makapaghanda at para na rin mabisita ang branch nila sa Manila na magkakaroon ng expansion.
Habang nasa biyahe papunta sa Manila branch ng pagawaan ng wood at handicrafts:
"Baby, si kuya pala pupunta rin sa shop mamaya." sabi ni Macky
"Okay, saan pala nagta-trabaho kuya mo?" tanong ni Anne
"Alam ko may nag-offer na sa kaniya abroad. Pero ngayon wala pa kaya siya nagma-manage ng shop sa Manila at Cebu" sagot naman ni Macky
Malapit na ang dalawa sa shop.
"Di ka pa ba nagugutom? baka gusto mo na kumain. Alam mo namang ayaw kong magutom ang baby ko" tanong ni Macky
"Okay lang ako. Ang kulit mo" sagot naman ni Anne na napangiti at tila nag-blush
Hindi alam ni Anne kung bakit tuwing nagsasalita si Macky ng mga malalambing na salita o galaw ay nahihiya siya, marahil ay di lang siya sanay o KINIKILIG lang siya. Di niya ma-express ang sarili ng tama. Napapatanong tuloy ang dalaga kung normal lang ba yun?
_________________________
Pagkababa nila, sinalubong agad sila ng guard.
"Sir, good afternoon po" bati ng guard
"Good afternoon din, nasan si kuya?" sambit naman ni Macky
"Nasa factory po sir, tinitignan po yung inventory" sagot ng guard
"Sige po" sabi ni Macky
"Sige sir" sabi naman ng guard
Tumuloy na nga ang dalawa hanggang sa makarating sa factory at tinuro na lang sa kanila ng manggagawa kung nasaan si Alvin.
_________________________
"Kuya" bati ni Macky ng makita niyang kuy
"Tol" sabi ni naman ni Alvin sabay kamayan ng dalawa
"Oh, Anne." sabi naman ni Alvin ng makita si Anne
"Hi" bati ni Anne
Pagkatapos magkamustahan ay nag-usap muna saglit muli ang supervisor at kuya ni Macky
"Kumain na ba kayo?" tanong ni Alvin pagkatapos kausapin yung supervisor ng factory
"Hindi pa nga eh" sagot ni Macky
"Sige, tara treat ko." aya naman ni Alvin
"Okay tara" sabi ni Macky
Dahil nasa business district naman sila, paglabas nila ay marami nang restaurants kaya nakapili agad sila kung saan kakain.
_________________________
Nakwento ni Alvin na next month na siya maga-abroad, ipapamanage na lang daw nila sa mga employees ang branch ng Manila at Cebu habang di pa daw graduate si Macky.
"Teka, may tumatawag lang sakin" paalam ni Macky kila Anne at Alvin
Pagkaalis ni Macky, tila nagulat si Anne dahil nakatingin at nakangiti si Alvin sa kaniya
BINABASA MO ANG
One Summer Love (On-going)
Fiksi RemajaA love story that blossomed on a summer morning. Through hardships and trials, will it prevail?