Agad na nagpaalam si Alvin pagkaalis ni Pamela.
Naiwan si Macky at Anne sa kwarto.
Hindi alam ng dalaga kung bakit hindi niya maigalaw ang paa upang umalis na at maibuka ang bibig upang sabihing mauuna na rin siya.
Ilang sandali pa, nagkatingin sila ni Macky.
"I'm so sorry..." nasambit ni Macky sabay patak ng luha ng binata
Tuluyan namang napahagulgol si Anne at hindi niya alam na kayakap na niya si Macky.
Mahigpit...
Mahigpit na magkayakap ang dating magkasintahan.
"I still love you." mariin na binulong ni Macky sa dalaga
Hindi naman nagsalita si Anne, di niya rin alam kung ano ang sasabihin o gagawin.
Ilang sandali pa'y umalis na si Anne sa pagkakayap nila ni Macky
"I need to go" sabi ni Anne na nagpunas na ng luha.
Hindi na siya hinila pa ni Macky pabalik dahil alam ng binata na may dapat pa siyang ayusin.
---
Pagkalipas ng ilang araw
---
"Anak!" sigaw ng ina ni Anne
"Bakit nay?" tanong ni Anne galing sa kwarto niya, nagaayos ng buhok ang dalaga
"May bisita ka, bumaba ka muna dito dali" sabi pa ng ina niya na naglilinis ng bahay
"Sige po. Pababa na" sagot ni Anne
Pagkalipas ng ilang sandali ay bumaba na ang dalaga.
Ngunit napabagal ang kaniyang paglakad ng makita ang ngayo'y nakaupo na si Macky.
"Good Morning?" sabi ni Macky sabay tayo
"Good... Morning..." bati ni Anne sa binata
"Hatid na kita? Okay lang?" tanong ni Macky
"Sige. Kunin ko lang yung bag ko." sagot ni Anne
---
Habang nasa kotse:
"I just want you to know na, pumayag akong magpahatid para makapag-usap tayo. To clear..." sabi ni Anne na hindi na natapos dahil nagsalita si Macky
"Wala na si Pamela. She left yesterday. Kasama ang anak niya." panimula ni Macky
Hindi na nagsalita si Anne, upang mapagpatuloy ni Macky ang pagpapaliwanag niya
"And... Hindi kami kasal. Walang nangyari sa amin ever since na pumunta ako abroad. I still love you." paliwanag ni Macky
"Honestly, Macky. I do not know what to do na e. Maybe..." muling hindi natapos ni Anne ang sinabi ng dalaga dahil sa pagsabat muli ni Macky
"We can start again. Just for the last time." sabi ni Macky na hininto ang kotse
"Please..." tumitig si Macky kay Anne at hinawakan ang kaliwang kamay ng dalaga
Nagkatitigan sila...
"Okay" sabi ni Anne na naiyak at niyakap ang binata
"I love you" bulong ni Macky sa dalaga

BINABASA MO ANG
One Summer Love (On-going)
Fiksi RemajaA love story that blossomed on a summer morning. Through hardships and trials, will it prevail?