Chapter 17

3 0 0
                                    

Lumipas ang mga araw...

Kahit papaano'y nagkaroon na rin ng komunikasyon sina Anne at Macky.

Madalas mag-text si Macky ngunit minsanan lang mag-reply si Anne, hindi pa kasi sana'y ang dalaga na balewalain na lang ang mga nangyari nuon. Isa pa, di pa sila sigurado kung buntis ba talaga si Pamela. Isang dahilan na nagbibigay ng pag-asa kay Anne na maari pa silang magkabalikan ni Macky.

May mga pagkakataon na sinisisi ng dalaga ang sarili, kung bakit ba nangyari ang mga to. Kung hindi niya lang iniwan si Macky, kung kinausap sana niya ang binata nuon para magpaliwanag.

Ngunit eto na ang kasalukuyan kaya dapat niya nang tanggapin ang lahat, yun na lang ang iniisip ni Anne.

---

Ilang buwan na rin ang nakakalipas simula ng may MANGYARI. Tama na ang mga buwan na lumipas para makumpirma nga kung buntis ba talaga si Pamela.

Pero gaya ng inaasahan ni Anne, alam na niyang may di kanais-nais na maaring mangyari.

Umalis si Pamela ng bansa, pumunta daw sa Amerika upang duon na muna magbakasyon.

Kaya naiwan silang lahat na walang magawa.

Buti na lamang at ilang linggo na lang ay aalis na rin ang kuya ni Macky para bumalik nang muli sa Amerika, tapos na rin kasi ang mga kailangan niyang gawin dito. Isa pa, wala siyang dahilan upang mag-stay pa, lalo na't magkagalit sila ni ng kapatid niya dahil akala nito'y may gusto siya kay Anne.

Simula rin nang makita ni Macky si Alvin na kasama ni Anne nuon, hindi na muling nakipagkita pa si Alvin sa dalaga. Tutal, mukhang magiging maayos na rin naman na muli sina Macky at Anne.

---

Nangako si Alvin sa sarili niya na tutulong siya na malaman kung buntis ba talaga si Pamela.

Para na rin maging klaro na walang siyang gusto kay Anne at maging maayos sila ni Macky.

Kaya pagkarating ni Alvin sa Amerika, agad niyang hinanap kung nasaan nga ba si Pamela.

Alam na rin naman niyang hindi nga talaga buntis si Pamela pero gusto niyang makakuha ng ebidensya para maayos na ang lahat.

Nagtulong-tulong sila nila Macky at mga kaibigan nito para makahanap ng balita kay Pamela.

Dahil kapatid ni Jasper ang bestfriend ni Pamela. Nahanap agad nila kung saan nakatira si Pamela.

Sa pagpunta ni Alvin sa bahay:

Pinindot muna ng binata ang door bell.

Ilang minuto ang lumipas ng may lumabas na babae.

Gulat itong makita si Alvin na nakatayo sa kaniya.

Tila lumipas ang ilang segundo dahil minukhaan muna ng babae si Alvin bago nakilala.

"Al... vin?" hindi siguradong sabi ni Pamela

Tumango lang ang binata.

Nanatili silang nakatayo ng ilan pang segundo.

"Please!!! I beg of you, wag mong sabihin na hindi ako buntis." agad na sinabi ni Pamela na maluha-luha pa at halos lumuhod na sa pagmamakaawa.

"I do not know how you get here pero sana wag mo na munang sabihin kay Macky to, mahal na mahal ko siya... Di ko alaam kung anong gagawin ko. Baka magpakamatay ako kung iwan niya ko." dugtong pa ng dalaga

Hindi pa rin nagsalita si Alvin.

"Please... may alam akong sikreto niyo ni Anne. Kahit pa sabihin mo sa kanilang hindi ako buntis. Magkakahiwalay pa rin sila ni Macky at mas lalo kayong magkakalabuan ng kapatid mo." biglang sabi ni Pamela na nagsimula nang mag-ayos ng sarili

One Summer Love (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon