Lumipas ang mga araw at patuloy si Anne sa pagtanong sa sarili kung mahal nga ba talaga niya ang best friend niya.
Ngunit may pumipigil sa kaniyang isipan para sabihing Oo, umiibig siya. Ayaw niya kasing ma-friend zone. Yun ang topic nila sa Humanities nuong isang araw.
Ano nga ba talaga ang Friend zone?
Sa Wikipedia:
It refers to a platonic relationship wherein one person wishes to enter into a romantic or sexual relationship, while the other does not. It is generally considered to be an undesirable situation by the lovelorn person. Once the friend zone is established, it is said to be difficult to move beyond that point in a relationship.
Sa Filipino, eto ang english version na ang meaning ay "Kaibigan lang".
Yung tipong kala mo mahal ka ng mahal mo, pero di pala kaya ang status ng relationship niyo ay "Kaibigan lang"
Pag na-friend zone ka daw, mahirap nang mag-move on, lalo na kung nag-exert ka ng effort.
_________________________
"Good Morning Best friend! :)" text ni Macky sa kaniya after ng first class niya.
Di niya alam kung mag-rereply ba siya o hahayaan na lang niya pero awkward naman kung hindi kaya..
"Good Morning din :)" reply ni Anne
Madalas nang nagtetext si Macky simula nung hinatid niya ang dalaga galign Araneta. Siguro ay nais lang niyang mapalapit sa matalik na kaibigan pagkatapos ng ilang linggo nilang walang komunikasyon.
May pagka-conservative si Anne, kaya siguro hindi pa nito nakakalimutan ang di sinasadyang paghalik ni Macky sa labi niya noon. Nahihiya pa rin siya tuwing naaalala ito.
Isa pa, hindi niya alam ngunit tuwing nakikita niya si Macky ay kumakabog ang dibdib niya, kinakabahan at di mapakali. Kahit tanungin pa niya ang sarili kung bakit, hindi niya rin alam ang sagot.
Natatanong na lang niya, mahal ba niya ang best friend niya? Mahirap sagutin iyon para kay Anne, lalo na at naloko lamang siya ng first boyfriend niya.
_________________________
Hindi naman mukhang manang si Anne, blouse and karaniwang suot, minsan nakapalda, dalagang-Filipina kung maituturing, medyo malabo na rin ang mata kaya tuwing nagbabasa o kapag nasa klase ay nakasalamin ito. Idagdag pa ang magalang na pananalita niya.
"Girl, wala ka bang balak na magpalit ng style sa damit? Masyado ka namang conservative" sabi ni Cecile kay Anne
Nasa kwarto ang dalawa
"Huh? Mukha na ba kong manang?" tanong naman ni Anne
"Hindi naman, kaso siyempre mas bagay sayo kung sossy ka" paliwanag ni Cecile
"Nako, wala pa kong pera para diyan. Di naman kami ganun kayaman" sabi ni Anne
"Bahala ka, baka mawalan ng drive sayo si Macky" sagot ni Cecile sabay tawa at lumabas na dahil may klase pa
"Ano? Oy, ano yun?!" mukhang hindi narinig ng maayos ni Anne ang sinabi ng kaibigan pero malinaw niyang narinig ang pangalang MACKY
Kumabog na naman ang dibdib niya, hindi niya alam kung ano ba ang nararamdaman pero naiisip niya ang mukha ni Macky, si Macky na pogi at siguradong marami nang naging girlfriend.
BINABASA MO ANG
One Summer Love (On-going)
Teen FictionA love story that blossomed on a summer morning. Through hardships and trials, will it prevail?