Chapter 7

9 0 0
                                    

Naglalakad pabalik sina Macky at Anne,

Magkahawak ng kamay...

At parehong nakangiti...

_________________________

Pagdating nila sa bahay nila Macky, nais sana ipaalam ni Macky sa mga magulang nila na sila na pero...

"Wag muna pogi, saka na pag tumagal na tayo." sabi ni Anne na nakasabit ang kamay sa braso ni Macky

Nasa harap na ng gate ang dalawa sa likod ng bahay

"Okay sungit" sagot naman ni Macky sa dalaga

"Sungit ka diyan" sabi ni Anne sabay hampas kay Macky 

"Oo na, joke lang. Tara na pasok na tayo" sabi ni Macky

Bumitaw naman sa pagkakahawak sa braso ni Macky si Anne

"Bawal PDA" sabi ni Anne sabay labas ng dila

Biglang lumungkot ang mukha ni Macky

"Oy, saka na PDA. Okay? Wag na sad." sabi na lang ni Anne sabay ngiti naman ni Macky

"Joke lang" sambit ng binata

_________________________

Natapos ang party ng maayos, masayang umuwi ang lahat. Nakatanggap pa ng bonus ang lahat ng manggagawa at ipinamalita ng mama ni Macky na magkakaroon ng expansion ang kanilang pagawaan at magkakaroon din ng branch sa Manila at Cebu.

"Oh, paano pogita uuwi na kami" bulong ni Anne, nakaupo ang dalawa sa dulong lamesa

"Aminin mo lang na pogi ako, may pogita ka pang nalalaman." sabi ni Macky na nakatingin sa dalaga at nakangiti

"Wag mo nga pakita yan smiling face mo. Mukha kang pogita" sabi ni Anne sabay takip sa mukha ni Macky at nagulat nang...

"Argh, loko ka talaga. Ba't mo hinalikan yung palad ko" sabi ni Anne sabay tawa nilang dalawa

"Ikaw kasi eh, ang kulit e" sabi ni Macky sabay ngiti

Maya-maya pa ay nakita na ni Anne na palapit na ang mga magulang at ilang kapit-bahay nila, mukhang uuwi na sila.

"Oh, ayan na sila mama. Uwi na kami. Text text na lang best friend?" sabi ni Anne na natatawa pa

"Anong best friend, boyfriend" sabi pa ni Macky na nakangiti ng sobra

"Oo na, lalaking kaibigan. Ba-bye!" sabi ni Anne na kumakaway pa

"Boyf..." hindi na natuloy ni Macky ang sinabi dahil nasa tapat na nila ang mga magulang ni Anne

"Oh, uwi na kami bye sir!" sabi ni Anne na natatawa na

Nagpaalam din naman ang mga magulang ni Anne pati kapit-bahay nito kay Macky

_________________________

Bago pa matulog si Anne, nagtext bigla si Macky

"Good night, girlfriend :)" sabi ni Macky sa text

"Good night din lalaking kaibigan" sabi naman ni Anne nangaasar

"Boyfriend pala :P" sunod na text ni Anne

"Ginaganiyan mo na agad ako :( bully kang masungit ka :P" reply ni Macky

"Hahaha, sorry po :) Sige tulog na tayo" reply naman ni Anne

One Summer Love (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon