Chapter 11

2 0 0
                                    


Sa pagdaan ng mga araw, hindi nawala sa isip ni Anne kung dapat ba talaga niyang sabihin pa kay Macky ang nangyari sa kanila ni Alvin. Kahit pa aksidente lang yun, kung malaman yun ni Macky ay siguradong magagalit ito ng sobra.

"Baby, pupunta ako ng birthday ni Jasper ah" sabi ni Macky sa cellphone ng makatawag ito kay Anne

"Sige, okay lang. Nagpapaalam talaga?" sabi ni Anne na natawa

"Gusto ko kasing sumama ka" biglang banat ni Macky

Hindi agad nakasagot si Anne, kinilig, nahiya, hindi alam kung anong feeling.

(Eto na naman tong mokong na to. Argh!!) sabi ni Anne sa sarili

"Sige okay lang." sagot ni Anne

"Pati mga kaibigan mo kaya pupunta baby" sabi ni Macky, batid ni Anne na nakangiti ngayon ang binata

"Hala, hindi ko alam" sabi ni Anne

"Weh, di daw alam ng baby ko" sabi ni Macky

"Tumigil ka nga diyan. Teka... kelan pala yan?" sabi ni Anne

"Sa makalawa yung celebration pero bukas ang birthday. May pasok po kasi baby" sabi ni Macky

"Okay, sige. Bye na, may klase na ko" sabi ni Anne

"Sige, I love you so much" sabi ni Macky

"I love you more" sambit ni Anne

"I love you most" sabi naman ni Macky

"Kdot" sabi ni Anne na natawa

"Beh :P" sambit ni Macky

"Geh bye na baby" dugtong pa ng binata

"Oo na, ingat ah. Bye..." sabi ni Anne sabay baba na ng phone at kinilig kilig pa

(Nako Anne, inlove na inlove ka. Hinay hinay lang) sabi ng dalaga sa sarili

Sa araw ng birthday ng kaibigan ni Macky:

Sinundo niya ang dalaga, kasama niya ang ibang mga kaibigan na boyfriend nina Jenna at Cecile. Pare-pareho silang may dalang kotse.

"Wow, mga chikas" sabi ni Bryan ng makitang lumabas na sina Anne at mga kaibigan niya galing dorm

"Hi hon" sabi naman ni Nicolei ng makalapit si Ces sa kaniya

"Pasok na po baby" sambit ni Macky na binuksan ang pinto ng kotse niya

Nakangiti namang pumasok ang dalaga

"Okay, tara na pipz!" sigaw ni Ces bago sumakay ng kotse ni Nicolei

"Yan na naman siya, bawal sumigaw" sabi ni Nicolei bago pumasok si Ces sa kotse niya

  ---  


"Nakakatuwa sina Ces no? May pagkaconservative at tahimik si Nico tas siya maingay tas ang kulit." sabi ni Anne sabay tawa

"Kaya nga eh. Bagay na bagay parang tayo" sabi ni Macky sabay tingin kay Anne, napatingin din naman ang dalaga at nagkatitigan ang dalawa

"Oh, drive na po baka mabangga tayo. Ikaw din sayang tong kotse mo" sabi ni Anne na hinarap ang mukha ng nakangiting si Macky

"Oo na, ganiyan ka lagi. Bully, bawal na atang maging sweet ngayon" patampong sinabi ni Macky

"Hala siya, siyempre. Di ba pwedeng kinikilig lang" sabi ni Anne na napayakap sa braso ni Macky

Nakita na lang ni Anne na nakangiti ang boyfriend niya

  ---  


Almost one hour din silang bumyahe hanggang sa makarating sa tapat ng isang 5-storey house.

Nag-park muna sa gilid ng bahay ang magbabarkada at sabay sabay na pumasok sa loob.

Rinig na rinig ang music na nanggagaling sa may pool area.

Pagpasok nila, sinalubong sila ng may birthday na si Jasper.

"Hapy Birthday tol" bati nila Macky

"Happy Birthday po" sabi naman nila Anne

"Sige pasok na kayo, yung pagkain nasa may bandang garden area. Ang drinks nasa may pool area, party party tayo may DJ e." paliwanag ni Jasper

"Sige sige kami na bahala diyan" sabi ni Macky habang naglalakad sila papunta sa may catering sa garden

  --- 

 

"Baby, anong gusto mong kainin?" sabi ni Macky sa nakaupong si Anne

"Teka, ako na kukuha tara" sabi ni Anne sabay tayo at holding hands pa ang dalawang pumunta sa may catering

"Kayo pre?" sabi ni Macky bago pa makalayo

"Sige susunod na kami" sabi naman nila Bryan

Habang pumipili ng pagkain ang magkasintahan, bigla na lang may nagsalita sa tabi ni Anne:

"Oh, I am so sorry about that. I didn't mean it" sabi ng maarteng boses ng matapunan ng pagkain ang suot na cocktail dress ni Anne

Sa parteng dibidb hanggang sa may tiyan ang natapunan sa suot ng dalaga

Kumunot ang noo ni Anne ng masilayan ang nakatapon ng pagkain sa damit niya.

Napatingin naman agad si Macky at bigla na lang sumalubong ang kilay niya ng makita kung sino yun.


To be continued...

One Summer Love (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon